ANG REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL PART 6

182 3 0
                                    

"ANG REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL PART 6"
THE UNTOLD STORY OF SILENT RASTA

The First Meet

Kumusta mga ka Spookify? Bago natin simulan ang Karugtong, gusto ko kayong pasalamatan lahat ng Nagbabasa dito sa Page ng Spookify at sa mga senders, sa mga sumusubaybay ng kwento ko mula simula at hanggang ngayong kasalukuyan. Salamat din sa Spookify Pinoy doon sa Youtube sa pag gawa ng dubbing sa mga story ko. Keep it up Mr. Strange. More power sa channel niyo. Ka chat mo si Ajl aking beloved nabasa ko kasi convo niyo.

Tara at Simulan na natin ang Karugtong ng Kwento.

-

Sa aming paghihiwalay ni Rena labis talaga akong nasaktan, pero dahil na rin sa sinabi ni JD na may nakatakda talaga para sa akin. Medyo gumaan ang aking pakiramdam mula sa kalungkutan
.
Taon 2017 kilala na ako dito sa Spookify dahil sa mga Confessions ko. Sa hindi inaasahan pagkakataon, may nag Confess na nagbigay sa akin ng pansin sa story niya. Kaya pinost ko ito dito sa Spookify, bilang isa ako sa officer ng page, yong storya na sinend niya halos binabash nong mga mambabasa. Di nila alam na may katotohanan yun. Kinompara pa ng iba sa storya ng "My Love From the Star.." kasi nga parang nahahawig daw talaga yong story. Hindi ko nagustohan yong pambabash nila sa sender kasi nakilala ko ang sender kaagad. Naramdaman ko ang Koneksyon ko sa kanya. Siya si Princessa Jamakaila ang prinsesa ng mga Anghel. Paano ko nalaman na siya nga ito? Si JD mismo ang nagpatunay non. Sabi niya "Yan na nga Mismo ang Prinsesa.." Kaya nagkaroon kami ng communication ni Jamakaila pero dahil burado ang pag iisip niya, tinulongan ko siyang ilahad ang katotohanan kung ano siya. Nong una di ko pa sinabi sa kanya kasi di ako makapaniwala na nakilala ko na ang Prinsesa ng mga Anghel. Nong sinabi ko na sa kanya ang lahat na galing din mismo kay JD gumaan ang loob ko dahil isa nalang ang gusto kong makilala, ang Sinasabi ni JD na dati kong minahal at isa sa magiging huling connection ko sa mission.

May isang Babae na lagi akong chinachat sa message, nakilala niya ako dahil sa mga kwento ko. Ewan ko ba at gumawa siya ng effort para e-compile lahat ng storya ko sa Spookify. Nong una di ko pa siya pinapansin, pero kalaunan may nararamdaman ako sa kanya na hindi ko pa nasisigurado. Hanggang sa isang araw humingi siya ng tulong sa akin, dahil yong ex-BF niya nagkakasakit daw at sabi niya na engkanto daw.

Ginamitan ko ito ng aking kakayahan at natawa na lang ako sa aking natuklasan. Hindi siya na engkanto kundi nabinat lang sa kanyang mga pinagagawa. Kaya sinakyan ko nalang ang kalokohan ng ex-BF ng babaeng nagchachat sa akin na Oo na engkanto nga ito. Nag advice pa ako na ito ang dapat gawin para pangontra sa engkanto. Ang babaeng tinutukoy ko na nagchachat sa akin na problemado sa Boyfriend niya ay si Ajl. Bago pa man na e-kwento ni Ajl sa akin ang sitwasion nila ng boyfriend niya ay nalaman ko na kung ano ang kalokohang pinagagawa nito sa kanya. Ang panloloko na kunyare may gustong pumatay sa kaniya at idadamay pa kuno si Ajl. Si JD mismo ang umalam ng lahat ng yun. Kaya nong ikenwento na ito ni Ajl sa akin, sinabayan ko nalang kahit alam ko ang katotohanan na pinagloloko lang siya ng ex-boyfriend niya.

Kinukulit niya ako lagi patungkol sa ex-bf niya. Kahit nakukulitan na ako sa kanya hinahayaan ko na lang. Nong mga time na din yun kasi nagkakasakit ako at yun ang panahon na gusto na akong kunin ng mga "Itim na Anghel" kung nabasa niyo yun. Balikan niyong basahin dahil simula sa kwento kong yun di ko na nababanggit ang kapatid ni buddy.

Nong nag confess si Buddy about "Kondinar" kung nabasa niyo din yun. May bahagi doon na nasabi niyang may ibang kasama ang kapatid niya pagpunta sa isang lamay. Sabi pa nga ni buddy ako na bahala mag explain, pero nanatili pa rin akong tahimik.

Balik tayo sa kwento, Nalagpasan ko ang banta ng mga Itim na anghel sa pamamagitan ng tulong ng mga kasamahan ko sa kapunongan.

Ilang Weeks lang non si Buddy panay pangungulit sa txt dahil nagpapatulong sa Kinakaharap niyang problema about sa "Tikbalang" kaya rumesponde ako doon sa lugar nila.

Scary Stories 2Where stories live. Discover now