ANG REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL PART 2

222 4 0
                                    

"REINKARNASYON AT ANG PROPETANG ANGHEL PART 2"
THE UNTOLD STORY OF SILENT RASTA

Bago ko simulan ang kwento, nais ko lang ipaalala ulit sa mga mambabasa na hindi ko po pinipilit ang hindi naniniwala, kayo malayang magpahayag ng saloobin sa aking paksa. Pero huwag naman maging bastos at magpakita ng walang respeto. ipairal lagi ang pagiging mabuti sa kapwa, Ayos lang na magtanong.
Sasagot ako kung nararapat at naayon narin sa kwento.
Pasensiya na din sa mga nabibitin,.at sa matagal kong pag update muli. Wag po kayo mainip dahil susundan ko naman kaagad. Salamat sa mga nagtyaga na maghintay sa pag update ko. Lalo na sa mga Ka GC ko. Sila ang patunay na nakakakilala sa akin at sila narin ang makakapagsabi na buhay na buhay ang Puting Tupa.

Sa pagpapatuloy ng kwento, Si Rica at Jamakaila ay bumaba muli para mamuhay dito sa lupa sa ibang katauhan. Ngunit iba na ang mga pangalan nila. Si Rica ay pinangalanan ng mga naging magulang niya bilang si AJL. (initials lang ilalagay ko para na rin sa siguridad niya) at si Jamakaila naman ay sa pangalang Aud (tulad ni AJL hindi ko ilalagay ng bou ang pangalan niya).
Dumapo muna tayo about sa akin...

Mula nong bata pa ako, marami na akong mga kakaibang naranasan sa aking pagkatao. Naalala ko pa nong 2 years old pa lang ako (wag na kayo magtaka kung naalala ko yun kahit ganyan ang edad ko, syempre isa akong puting tupa, matalas ang aking memorya...), naglalaba ang Mama ko sa isang suba o lawa (Malinis pa kasi dati ang lawa sa aming lugar). Noong naglalaba si Mama, isinama niya kami ng panganay kong kapatid. Ako pa ang bunso non. Nalingat si mama sa akin kasi abala siya sa pagkukusot ng mga labahin niya. Ako naman naglalaro sa tabi ng mama ko. Hindi niya namalayan na nabuwal ako bigla at nahulog sa tubig. Syempre bata ako at di ako marunong lumangoy. Naalala ko nalang tinatangay ako ng agos sa ilalim. Yung kapatid ko na 3 years old ang nakakita na nahulog at nalulunod na ako. Sumigaw siya kay Mama na "Hulog baby Ma oh...!!!" Nagpanic si mama at sumisigaw ng tulong kaso distansya yong ibang naglalaba sa kanya kaya wala kaagad naka rescue.
Pero dito na nagsimula ang kakaibang mysteryo sa akin. Dahil may isang matanda na humawak sa kamay ko at pinahawak ako sa isang malaking bato. Kahit marami na akong nainom na tubig at iyak ng iyak, nanatili akong nakahawak doon sa bato. Wala naman sinabi yong matanda basta bigla nalang siya naglaho. Si mama naman nong makita niya na nakahawak pa ako sa malaking bato kaagad na nakuha ako. Napaiyak si mama non. Pati yong kapatid ko. Simula non lagi ko na naiisip yong matanda na sumagip sa akin.

Heto pa, 7 years old ako non. Dati akong biktima ng mga bully sa skwelahan. Hindi kasi ako mahilig makipagkaibigan. Nasa tabi lang ako nanahimik. Kaya napagtripan ako ng mga bully sa school. Kinuha yong bag ko at itinapon sa fishpond. Wala akong nagawa kundi umiyak. Ayaw ko rin magsumbong sa aming adviser dahil baka abangan ako ng mga bully sa labas ng gate. May tumulong sa akin non isang bata. Hindi siya studyante sa school namin Kaya akala ko baka may kapatid lang siya na nag-aaral sa aming paaralan. Siya yong kumuha nong bag ko sa fishpond at ibinigay sa akin. Sabi niya "Ba't di ka lumaban? Huwag mo ipairal kung ano ka.. Heto na bag mo.." Sabay abot niya sa basang-basa kong bag. Umalis siya agad na palingon lingon lang sa akin. Sa totoo lang hindi ko naintindihan yong sinabi niya. Napapaisip nalang ako sa sarili ko na naawa. Pagkalipas ng dalawang araw yong bully na nagtapon ng bag ko, sinaniban ng masamang elemento. Nagkagulo nun sa buong campus. Nong makita ko yong bully naawa ako sa kanya. Kasi tumitirik na nangingisay na naglalaway laway pa (Pasintabi muna). Sabi ko sa sarili ko. "Asan na ang pagkasiga-siga mo? Ba't di mo kaya e bully yong sumanib sayo." Sa isip ko lang yun. May albularyo na dumating non at ginamot yong bully. Pero wa epek, mas lalo pinahirapan yong bully kasi hindi na ito makahinga. Nagulat ako nong may biglang may umakbay sa akin na bata. Ang bata na kumuha ng bag ko mula sa fishpond. "Tutulongan mo ba yan?" sabay nguso sa bully na sinasaniban. "Ha? bakit ko siya tutulongan? wala akong power para dyan. Ordinaryong bata lang ako." Sabi ko sa bata. "Oh, sige ako na nga lang." Sagot nong bata sa akin. Hanggang sa dahan-dahan siyang lumapit don sa sinaniban na bully. Tinititigan niya lang ito at sa isang segundo lang. Biglang maayos na yong bully. Inakala ng lahat na yong albularyo talaga ang nakagamot nong bully na yun. Namangha ako sa ginawa nong bata. Kaya simula non naging kaibigan ko siya. Pero di ko alam pangalan niya kasi di ko rin naman naitatanong. Basta kapag nagkikita kami, nagkukwentohan lang at sa tuwing gusto ko makipaglaro sa kanya ay ayaw niya.
Talagang nahihiwagaan na ako sa kanya.
heto pa isang kaganapan din na ayaw ko na sana tong ilagay dito sa kwento kasi sa tuwing naaalala ko to. Nanunumbalik sa akin ang takot ko noong araw na yun. Kasama ko dalawa kong kapatid at tatlo kong pinsan. Naglalaro kami sa daan noon, tas naisip ng isa kong kapatid na sasabit daw kami ng jeep pag may dumaan. Syempre parang masaya yun sa isip isip ko, hindi pa namin alintana ang peligro nong mga panahon na yun. Hanggang sa may jeep nga kaming sinabitan. Anim kami nakasabit na bata non. nagalit pa yong driver kasi baka daw mahulog kami at siya daw mananagot kung magkataon.. pero di kami nakinig, tawa kami ng tawa. yong isa kong pinsan tinakot ako, sabi niya di na daw hihinto yong jeep kasi galit ang driver at tiempo wala kasing pasahero yong jeep. kaya nagpanic na ako, yong mga kapatid ko deadma lang. So ang ginawa ko sumigaw ako ng "Para uncle, munaog me." ibig kong sabihin "para kasi bababa na kami". pero di pala ako nadinig ng driver kaya sa isip ko. baka totoo yong sinabi ng pinsan ko na hindi na ito hihinto. kaya wala na akong ibang choice kundi ang tumalon.
Tumalon ako kahit matulin na matulin yong takbo ng jeep. ang naaalala ko nalang ang pagsigaw ng kapatid ko ng "hala tumalon..!!!hinto na driver..!!."
kasunod non, nagkamalay ako na nakadapa sa gitna ng daan. bumangon at nagpagpag lang ako. wala akong sugat maski galos man lang. Tiningnan ko ang mga kasama ko na papalapit na sa akin. ang layu pala nong ibinaba sila nong jeepney driver. natakot siguro yong driver kaya umatras din ito papunta sa akin.
nong makalapit na sila lahat, tinanong nila kung ok lang ba ako, chineck nila kung may galos o sugat ba ako. pero wala kaya umalis na din yong driver. Nagtaka sila lahat kasi paano daw wala akong sugat eh kitang kita nila ang pagkabagsak ko sa cementadong daan, nakaladkad pa ako at nagpasirko sirko. kinabahan mga kapatid ko, (ayon yan sa salaysay nila sa akin.)
Pagkagabi non, sinabi ng kapatid ko ang nangyari sa akin kay mama at papa. si papa galit na galit sa akin, pero si mama sinabihan lang ako na wag ko na ulitin yun.
Matapos kaming maghaponan lahat. lumabas muna ako para mag CR kasi nasa labas ito ng Bahay namin. Pero nong matapos na ako mag banyo. Yong bata na lagi nagpapakita sa akin, nagpakita siya ulit. Sabi niya "Iniligtas kita, kasi marami ka pang kailangan gawin. pero kapalit non isa sa mga kakilala mo ang mawawala.." Malungkot ang mga mukha niya pagkasabi nito sa akin. "Teka di kita maintindihan, paano ikaw nagligtas sa akin eh di kita nakita kanina? at sinong kakilala ko ang mawawala na tinutukoy mo?" laking pagtataka ko sa mga sinabi niya sa akin nong mga oras na yun. "maiintindihan mo rin ang lahat pag dating ng tamang oras..." tanging sagot niya sa akin. umalis ang bata na nakatulala ako sa kakaisip sa mga sinabi niya. ilang minuto lang, imbes papasok na sana ako ng bahay may nakaagaw ng pansin sa akin may naka upo sa balkonahe namin. sa akin ito nakaharap, puting puti na parang porcelain. Tinitigan ko pa ito kasi akala ko baka kung anong bagay lang na naghugis taong nakaupo. ngunit ng gumalaw na ito at aakma ng tumayo. syempre bata ako at natakot kaya nataranta akong pumasok sa loob ng bahay. pinagalitan pa ako ng papa ko kasi akala niya nagdadabog ako dahil sa malakas kong pagsarado ng pinto. sinabi ko ito sa mga kapatid ko at kahit sila natakot, pero dahil sa curiosity pa rin nila. sinubukan nilang tingnan ito sa labas na may hawak hawak na walis. pang self defense lang daw pang palo just in case. kaso nong tingnan na nila, wala na ito doon.

Ilang araw lang ang nakalipas, may nakakagimbal na nangyari...

Abangan ang Karugtong, marami at mataas pa ang kwento na to. Salamat ulit sa mga Nagbabasa dito sa Spookify.
Binabati ko nga pala ang mga Ka GC ko, sa sobrang dami niyo di ko na maisa isa.. at syempre sa nag iisang AJL ng buhay ko.
God Bless sa Lahat.

Laging tandaan ang Respeto sa Kapwa Tao.

- Silent Rasta

Scary Stories 2Where stories live. Discover now