Misteryo

1K 9 0
                                    


Hello po admin, gusto ko po mag-share ng paranormal experiences ko since bata pa ako, pag na-post ito, I will post the others.

This story happened nung bata pa ko. Ako yung tipo na mas nakakaramdam ng kababalaghan kapag nanonood ng mga horror movies or kung anumang related sa horror. That time I was watching Okatokat, mag-isa lang ako sa bahay nun, yung nanay ko kasi nasa bahay ni lola, bigla ko narinig yung ingay sa kwarto, yung aparador namin parang nagbubukas-sara. Tapos bigla kong naramdaman na may pumapasok sa pinto namin, yung pwesto ko nun is nakaupo sa silya na katabi ng bintana, nakatalikod ako sa main door. Ang ginawa ko I tried na hulihin yung nagpaparamdam sa akin, pag naramdaman ko syang papasok bigla din ako lumilingon pero wala akong nakikita. Tuloy lang ang panonood ko hanggang sa hindi na ako nakatiis. Lumabas ako ng bahay at inilibot ang mga mata sa paligid, madilim na nun. Hinahanap ko sya, sa isip ko naiinis ako kasi pinaglalaruan nya ko.

Mga 10 minutes kong inilibot ang paningin ko sa paligid ng bahay namin pero wala. Hanggang sa napatingin ako sa kalsada, mga 15 metro ang layo mula sa bahay namin, nakakita ako ng nakalutang na damit kulay puti, may lubid na puti pa, part ng damit, para syang graduation gown. Tumaas yung isang kamay tapos biglang may dumaan na jeep, biglang wala na sya. Ang naisip ko pa nun, hala ang mga multo pumapara at sumasakay din ng jeep ganun?

Bumalik na ako sa panonood, sa isip ko, wala na sya. Pero ayun na naman, nararamdaman ko na may pumapasok sa pinto namin. Bigla akong lumingon sa likod ko at ayun nahuli ng mata ko na may kulay itim sa likod ko na mabilis din namang nawala. Ang ginawa ko nanood na lang ako ng TV. Bahala na, di ko na lang papansinin. Hindi ako matatakutin masyado pero ang sunod na nangyari yung hinding-hindi ko makakalimutan. Sabi ko nung simula nasa may bintana ako diba, habang nanonood ako, bigla akong may narinig, "psst pssst!" tapos yung hininga nya ramdam ko sa tenga ko, napakalapit nya.

Dun ako biglang tumakbo papunta sa nanay ko na nasa bahay ni lola. Ang sabi nya, anong nangyari? Syempre sinabi ko yung nangyari, na ang ending medyo napagalitan pa ako kasi daw alam ko ng lapitin ako pero ang hilig ko pa din manood ng katatakutan.

Thanks admin! Sorry po medyo mahaba.

Dark Angel

Scary Stories 2Where stories live. Discover now