Ayokong Maging Bituin
ni SmoocheraAyaw kong maging manining na bituin,
Ayaw kong maging mataas at mahirapan ang lahat na ako'y abutin.
Mas mainam na ang maging bato sa buhangin,
Magagawang damputin anong oras man naisin.Totoong magandang pagmasdan ang mga tala sa kalangitan,
Subalit napakalungkot namang maging malayo sa karamihan.
Walang ibang nakapaligid kung hindi kadiliman,
Sa liwanag naman ay hindi na nasisilayan.Ayaw kong maging bituin,
Nakikita't hinahangaan lang tuwing nagningning.
Kapag nawala ang kinang ay wala nang nakapapansin,
Siguro'y napakalungkot ang maging isang bituin.

YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryMga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD