Pantasya
ni SmoocheraSa kanilang inosenteng mata at mga tanong ay maiinggit ka,
Mga batang walang muwang kung gaano ang mundo'y nakakapunyeta.
Tanging problema'y kung makapaglalaro ba sila,
At kung paano malulusutan ang oras ng siesta.Hindi iniinda ang dumi at alikabok,
Balewala ang pawis at nanlalagkit na buhok.
Halik at yakap ng ina ang gamot kapag nagkakagalos,
Sakit ay nalilimutan sa pamamagitan lang ng isang haplos.Pag-aaral ay katuwaan lang para sa kanila,
Hindi alintana kung sa pagsusulit ay mabokya.
Mundo ng bata'y puno ng pantasya,
Pantasyang nagiging bangungot sa kanilang pagtanda.

YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryMga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD