Halika, KaibiganHalika, kaibigan, samahan mo akong tahakin ang daan nitong panulaan,
Ihanda ang papel, malaki o maliit man 'yan.
Hawakan ang pluma na animo'y sasabak sa digmaan,
Simulang isulat ang bawat taludtod kahit na walang tugmaan.Ipakilala natin sa mundo ang boses ng ating tula,
Paglaruan ang kanilang damdamin sa pamamagitan ng ating mga katha.
Hayaan natin silang magalit, umiyak, at matuwa,
Iparamdam natin na makapangyarihan ang bawat salita.Ipagdiwang ang pagkakahabi ng bawat saknong,
Siguraduhin na kaisipa'y tuloy-tuloy ang gulong.
At kung mablangko'y 'wag agad uurong,
Darating din ang oras na ideya'y muling uusbong.Gumawa tayo ng tula kahit walang nagbabasa,
Bumigkas tayo kahit iba ang pinakikinggan nila.
Lahat ng bagay ay nadadaan sa tiyaga,
Pasasaan ba't tayo'y magiging kasing-husay rin nila.—Smoochera

YOU ARE READING
Mga Tula
PoetryMga tulang hinugot mula sa kaibuturan ng aking puso't damdamin. Char! xD