Chapter 16

18.5K 304 10
                                    

Pasado ala-una na nang makabalik kami ng Manila. Habang nasa kotse kami'y nadaanan namin ang Mall. Agad nag-aya si Yohan na pumasok doon. Hindi na sana ako papayag pero kumontra si Markuz. Pinagbigyan ang munting kahilingan ng kaniyang anak.

Nasa loob na kami ng Mall ngayon. Naglalaro si Yohan sa mga rides binabantayan naman siya ng ama niya. Hinayaan ko na lang na makapagbonding ang sila. Nakatayo ako sa may glassdoor nang makita ko si Third na dumaan. Agad akong lumabas ng departamentong iyon upang lapitan siya.

"Third!" Pagtawag ko. Lumingon siya sa akin.

"Nag-aano ka rito? Sino kasama mo?" tanong ko

"Mag-isa lang ako. Naghahanap ako ng pwedeng iregalo sa Girlfriend ko."

"Gusto mo tulungan na kita?"

"Sige! Mukhang kailangang-kailangan ko nga ng tulong mo. Pero teka sino pa lang kasama mo?"

"Si Yohan at Markuz. Nasa arcade 'yong mag-ama hinayaan ko na lang na mag-bonding."

"Eh di pwede mo na akong samahan?"

"Oo ba! Ikaw pa. Malakas ka sa 'kin e." Umakyat kami sa ikatlong palapag kung nasaan ang Ladies Department.

"Ano kayang pwede?"

"Bakit hindi mo siya regaluhan ng make-up kit?"

"Marami na siya nun."

"Ah eh kung damit na lang."

"Marami na rin siya. Halos lahat nga nasa kaniya na." Patuloy akong nag-isip. Mahirap kasi kapag mayaman ang reregaluhan. Kahit ano kaya na nilang bilhin.

"Mabait naman iyang girlfriend mo. Kahit ano naman magugustuhan niya. Ano kaya kung regaluhan mo siya ng sapatos?"

"Sapatos?"

"Oo sapatos. Iyong sapatos na high-cut. Lagi na rin naman siyang naka-heels eh. Saka para magamit niya rin. Matutuwa iyon kapag nalaman niyang alam mo ang size ng paa niya. It's sounds sweet kaya."

"Oo nga 'no. Sige."

Naghanap kami ng sapatos. Matapos ang higit kalahating oras, nakapili rin kami. Magkasabay kaming lumabas ng Lady's Department. Huminto kami sa isang tabi upang makapag-usap.

"Christine, thank you talaga. Ang laki ng tulong na naibigay mo. Kanina pa kasi ako rito hindi ako makapili ng ipang-reregalo."

"Ano ka ba okay lang iyon no. Masaya ako na natulungan kita."

"Thank you, Christine." Niyakap niya ako.

Hinagod ko ang likod niya ngunit laking gulat nang may bigla na lang humiklas kay Third palayo sa akin. Inundayan ito ng suntok na nagpasigaw sa akin. Masyadong mabilis ang mga pangyayari. Napabulagta si Third sa sahig. Agad ko siyang nilapitan at inalalayan. Napatingala ako kay Markuz. Ang sama ng tingin niya sa aming dalawa. Para niya akong tutunawin—parang papatayin niya si Third!

"Markuz bakit mo ginawa iyon?"

Imbis na sagutin niya ako'y hinablot niya ang kanang braso ko patayo. Kinaladkad niya ako palabas ng Mall na iyon. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin. Alam kong magkakapasa ako nito pagkatapos. Ang sakit. I can sense his anger. This moment reminds me the time when some stranger in the bar talked to me. When Markuz punched that guy and grabbed my wrist and almost rape me when we reached his condo.

Resilient InamorataWhere stories live. Discover now