Chapter 3

28.7K 428 29
                                    

Unang araw ngayon ng pasukan. Sadyang kay bilis nga naman ng panahon. Before, I was just a first year college student. But now, I'm in my fourth year. At ang pinakamatindi pa... Ms. Christine Hyrene Delveña noon, Mrs. Christine Hyrene Hernandez na ngayon. Buhay nga naman. Hindi talaga natin masasabi ang mga mangyayari.



Nang marating ko ang bago kong classroom ay naghanap kaagad ako ng mauupuan. Mga ilang saglit pa at dumating na rin ang professor namin. Nagsimula na siyang magroll-call para sa attendance.



"Avaya, Hasmin?"



"Present, sir."



"Gonzales, Steffi?"



"Wala pa po!"



"Hernandez, Christine?"



"Sir."



"Teka ikaw iyong nag-top sa exam sa nursing noong nakaraang taon, hindi ba?"



Nagsimula ng magbulungan ang mga kaklase ko. Lahat sila nacu-curious kung sino ang asawa ko. Sino nga ba naman ang mag-aakala na ang isang nerd noon ay gaganda at pagbalik eh kasal na. Ngayon pa nga lang na sinabi kong kasal na ako hindi na sila makapaniwala. Paano pa kaya kapag nalaman nila na ang asawa ko ay ang lalakeng inaasawa nila sa panaginip. Paniguradong malaking gulo ito.












"Paano ka gumanda ng ganiyan?"




"Ikaw ba talaga iyan, Ms. Nerd?"




"Skin care reveal naman d'yan, sis!"




Iyan ang tanong ng mga kaklase kong nakapalibot sa akin ngayon. Mukhang nabigla rin sila sa malaking pagbabago sa akin. Kahit naman ako nabigla rin.




"Simple lang... minahal ko lang ang sarili ko. Nagpakatotoo lang ako."




"Sana all gumaganda. Ako heto walang glow up. Panget pa rin."




"Hindi ka panget, wala ka lang pera."




"Gumanda lang ng kaunti pabida na. Feeling naman niya sobrang ganda na niya. Samantalang nabihisan lang naman siya ng maayos. Ang lakas magyabang... Palibhasa kasi minsan lang magmukhang tao," pagpaparinig ng kaklase kong si Mitch at hindi nagtagal ay naglakad na ito palapit sa akin.




"Aray!" daing ko nang bigla nitong hiniklas ang buhok ko. Napatayo ako dahil dito. Lahat ng kaklase namin ay nakapanuod sa amin."Ano ba bitiwan mo 'ko!" Nagpupumiglas ako at agad naman akong nakawala. "Ano bang problema mo?" Galit kong tanong. Simula pa lang kasi noong pasukan inaaway na niya ako.

"Ikaw ang problema ko masyado ka kasing pabida sa lahat. Porke top 1 ka akala mo kung sino ka na umasta."

"Iyon lang? Ang babaw mo naman masyado. Iyong pagiging top 1 ko pinaghirapan ko iyon! Iyon lang nagkakaganyan ka. Para ka namang Grade 1 n'yan."

"Aba't sumasasagot ka na!"

"Sumusobra ka na kasi! Hindi ko alam kung anong problema mo."

Resilient InamorataWhere stories live. Discover now