Chapter 15

20.8K 304 11
                                    

I'm here in the bedroom with my son Yohan. Nasa kusina pa si Christine at nagtitimpla ng gatas ni Yohan. Tamang-tama ito para makausap at makasama ang aking anak ng solo. Nakaupo kami sa kama at si Yohan naman ay hawak ang remote control ng bagong radio control car na pinaaandar niya sa sahig.

"Broom! Broom!" Sambit ng anak ko na halatang nalilibang sa paglalaro.

"Yohan, iyong Third ba na iyon ang bumili niyan?"

"Yes po." sagot niya habang nakatuon ang atensyon sa kotse-kotsehan.

"Saan kayo galing kanina?"

"Mall."

"Ahh... iyong Third ba pinupormahan ang Mommy mo?" Pagkakataon na ito para magtanong.

I just want to make things clear. I have a lot of questions. Tanong na maaaring ang anak ko ang makasagot. Sabi nga hindi raw nagsisinungaling ang bata.

"I don't understand you. What do you mean by pinupormahan? What is it, Daddy?"

"Ahm... Pinupormahan means courting a girl. Does he court your Mommy?"

"Ahm... nope!"

"Eh bakit parang close na close siya sa inyo ni Mommy mo?"

"Ninong Third is my Mommy's bestfriend for years. And also he is my favorite Ninong. He always visit us in our old house in Ninong Daisy's Apartment. We always go to the park and Mall. He's a kind person that's why he's my favorite." he explained.

Nalinawan ako sa mga ikinuwento ng anak ko. Pero kahit ganon kailangan ko pa ring bakuran ang asawa ko. Alam kong galawan ng mga lalake. I need to secure this family..

"Baby Yohan, diba gusto mo ng baby sister?"

"Yes po! Yes po!"

"Ahm... pwede naman kaso baka ayaw ni Mommy mo."

"Ahm... why not you try to court her Daddy? Like what you told me early."

"Ligawan ko ang Mommy mo?" Tumango-tango siya "Daddy, pwede gala tayo? Tayong tatlo nina Mommy. Please Daddy please..."

"Hmm... maybe that's a good opportunity to court your mom. Sige anak bukas magli-leave ako sa trabaho. Tapos gagala tayo."

"Really Daddy?"

"Sure! Kahit saan mo pa gusto."

Isa pa tama ang anak ko dapat nga siguro'y suyuin kong muli si Christine. Kailangan ko ring humingi ng tawad sa mga nagawa ko noon.

"Mommy!" Tawag ni Yohan.

Pumasok si Christine dala ang trey na may lamang isang basong gatas.

"Baby secret lang natin iyong pinag-usapan natin kanina ha." bulong ko sa anak ko

"Yes, Daddy."

I still love Christine. So I have to fight for my love and for the sake of this family.













-Christine's POV-

"Mommy! Mommy! Wake up!" Naalimpungatan ako nang marinig ko ang boses ng aking anak.

Resilient InamorataWhere stories live. Discover now