Biernes ng umaga kaya maagang nagising si Larissa. May kasunduan kasi sila ng amo niyang si Nick na samahan itong mag-shopping. Sanay naman siyang magising ng madaling-araw pero hindi siya sanay na maligo dahil napakalamig ng tubig. Kapag kasi nagtitinda siya ng mga banana que at iba pa, hindi muna siya maliligo. Hihintayin niyang maubus ang paninda niya kaya tuwing alas nueve o alas dies na siya matatapos at doon pa siya maliligo.
Bakit ba siya maliligo ng maaga kung usok ang makakaharap niya? Mas mabuti nang tapos na ang lahat bago siya makapagpaligo. Kaya ngayon, ngitngit na ngitngit niyang tiningnan ang isang balde ng tubig habang mahigpit ang kaniyang hawak sa maliit na tabo. Huminga siya ng malalim. Kailangan niya talagang maligo ngayon dahil alam niyang maiinitan na siya pagsapit ng tanghali. Pikit-mata na lamang niyang ibinuhos ang tubig sa katawan habang paulit-ulit na minumura si Nick sa kaniyang isipan.
“'Tay, Lemar, pasok na ako sa trabaho!” Sigaw niya mula sa kusina. Inilagay niya sa lababo ang pinag-inuman ng kape.
Wala siyang narinig mula sa dalawa kaya alam niyang tulog-mantika pa ang mga ito. Hindi na lang siya nag-abala pang gisingin ang mga ito dahil alas cinco pa ng madaling-araw. Nakapaghanda naman siya ng makakain ni Lemar sa agahan bago ito pupunta sa skwelahan.
May tricycle naman sa mga oras na ito kaya madali lang siyang nakasakay patungo sa subdivision kung saan nakatira ang kaniyang amo. May sarili siyang susi sa bahay na iyon kaya hindi na siya nag-abala pang mag-door bell. Magluluto muna siya ng agahan para rito at maglinis.
Nakahinga siya ng maluwag nang makapasok na siya sa loob dahil ang ginaw na nararamamn niya sa labas ay wala na. Binuksan niya ang ilaw sa tanggapan pati na rin sa kusina. Kahit paulit-ulit na niyang nakikita ang loob ng bahay na ito ay hindi niya mapigilang humanga. Kailan kaya siya magkakabahay ng ganito?
Napailing siya sa tanong ng kaniyang isip. Hangga’t nananatili siyang helper, hindi siya magkakaroon ng ganitong klaseng bahay. Wala naman siyang ibang mapagkikitaan.
Binuksan niya ang fridge at kinuha doon ang hotdog, bacon at itlog. Hindi pa naman niya alam kung anong klase itong mag-breakfast kaya basic lang ang kaniyang ihahanda. Magluluto rin siya ng fried rice.
"You’re early!”
Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig niya ang boses na iyon. Lumingon siya sa may entrance ng kusina. Nakita niya si Nick na naka-puting sando at shorts lang. Magulo ang buhok nito at pipikit-pikit pa. Grabe, hindi niya man lang namalayan ang paparating na yabag ng paa nito.
“Y-Yes! S-Shopping?”
Tumango ito at hinagod ang mga mata habang humikab. Napataas ang kaniyang kilay. Kung palagi niyang makikita ang bagong-gising look nito, siguradong mai-inlab siya. Ang pogi nitong tingnan kahit hindi pa nakapanghilamos.
“Ah, yes! Later! I’ll just wash my face,” wika nito at tumalikod na.
Napasandal siya sa counter. Para siyang nanghihina. Hindi niya maipaliwanag kung ano ‘tong kaniyang nararamdaman. Napailing siya at hinarap na lamang ang kaniyang niluluto. Nakapaghanda na siya sa mesa ngunit hindi pa bumabalik ang kaniyang amo. Napaismid siya dahil ang tagal nito. Eh, wash the face lang naman ang sinabi nito.
Tinakpan na lamang niya ang pagkain at nagsimula na siyang magwalis sa sahig. Hindi naman masyadong madumi kaya madali lang siyang natapos sa sala. Lumipat siya sa kanang bahagi ng bahay at nagsimula sa pinakadulong bahagi ng hallway. Naagaw ang kaniyang pansin sa bahagyang nakabukas na pintuan sa kaniyang gilid. Unti-unti siyang humakbang roon para lumapit. Idinikit niya ang tainga para marinig ng maayos kung anuman ang nasa loob.
“Yes, Mr. Lorenzana! I will do that after my vacation,” rinig niyang sabi ni Nick mula sa loob.
Napatango-tango siya. Ito pala ang kuwarto ng kaniyang amo. Ano ba ang trabaho nito at dito pa talaga ito nagbakasyon? Hindi kaya naghahanap ito ng babaeng Filipina na puwedeng mapangasawa? Pero hindi pa naman ito matanda. Kung tutuusin kaya pa nitong magkaroon ng limang girlfriend ng sabay. Ang gwapo kaya nito at saka malaki pa ang ‘kuwan’. Napahagikgik siya sa huling naisip.
“What are you doing?”
Napatili siya at nabitawan ang walis. Lumikha ito ng tunog na ikinangiwi niya. Napalunok siyang tiningnan ito. Salubong ang mga kilay nito at masama ang tingin sa kaniya.
“S-Sweep the f-floor,” wika niya. Ano ba iyan? Parang siya na iyong nag-uutos, ah!
“Then why are you eavesdropping?”
Bigla siyang nataranta. Eavesdropping? Ano iyon? Parang ngayon lang niya narinig ang salitang iyon, ah!
“S-Sir?”
“Why are you eavesdropping? What are you prying for? Are you some sort of a spy?”
Mas lalo siyang nataranta sa sunod-sunod na tanong nito. Hindi na niya ito maintindihan sa sobrang bilis.
“I d-didn’t p-pray, sir!”
Kita niya ang mas lalong pagkainis nito sa naging sagot niya. Mukhang kailangan pa niyang mas matutong mag-English kasi ang dami pa pala niyang hindi alam.
“Whatever! Forget it! Is my breakfast ready?”
Nakahinga naman siya ng maluwag sa tinuran nito. Ngumiti siya at tumango. Lihim siyang nagpasalamat at hindi na nito pinalaki ang isyu.
“Yes, sir!”
“C’mon,” yaya nito sa kaniya.
Agad naman niyang pinulot ang walis na kaniyang nabitawan at sumunod na rito. Mamaya o sa ibang araw na lang siguro niya ipagpatuloy ang paglilinis. Nasa dining room na silang dalawa. Nakaupo na ito sa harap ng pagkain habang siya ang nakatayo lang.
May papel itong inilahad sa kaniya. “Read that and tell me if you’ll agree or not,” wika nito bago sumubo ng pagkain. Tiningnan muna niya ang reaksiyon nito. Tumango-tango ito na para bang nagustuhan nito ang lasa.
Ibinaling niya ang tingin sa papel na nakapatong sa mesa. Nakasulat sa gitnang itaas ng unang pahina ang salitang “Kontrata” kaya napatingin siya rito.
“You know Tagalog, sir?”
“No, I just made my workmate translate that one,” wika nito nang hindi man lang tumitingin sa kaniya. Nakapukos ito sa pagkain na kaniyang inihanda.
Napailing na lang siya at hinila ang isang upuan sa mesa para doon na rin magbasa. Ano kayang klase ng kontratang ito?
TERMS:
1. Kailangang anim na araw sa loob ng isang linggo magtrabaho.
2. Sa loob ng isang araw ay walong oras dapat ang trabaho.
3. Ikaw bahala sa araw ng day-off mo.
4. Dapat dito matulog.
5. Ochenta pesos kada oras ang sweldo.Nanlaki ang kaniyang mga mata sa nabasa. Kung ganiyan ang sweldo niya kada oras, sa isang buwan ay may mahigit quince mil siya. Mas mahigit pa ang kikitain niya kaysa sa pagtitinda ng kamote at saging tuwing wala siyang pasok dito. Okay rin na dito matulog kaysa doon sa bahay nila. Hindi maipagkakailang mas komportableng tulugan dito. Pero makokonsensya naman siya sa kapatid at ama niya.
“I think about it, sir!”
Sandali itong napahinto sa pagkain. “I want your decision now. If you won’t agree to the terms and conditions then you better leave. I will find another helper,” wika nito.
Napalunok siya sa sinabi nito. Himala na naintindihan niya ito ng buong-buo. Huminga siya ng malalim. Sa perang makukuha niya, mas maaayos na niya ang bahay nila. Konting tiis lang 'tay at makakatulog ka na rin sa malambot na higaan.
“I a-agree, sir!”
“Okay! Sign that later after we go shopping for my clothes,” wika nito.
Tumango siya at napasandal sa kinauupuan. Sana hindi niya pagsisihan ang anumang desisyon niya ngayon.

YOU ARE READING
Agent X
ActionRomnick Clamonte is a British FBI agent. He is ruthless when it comes to his job. He is merciless when it comes to his mission. And he always hates the Philippines. But destiny keeps teasing him. After doing a good job in completing his assignment i...