"Walang Halaga, Walang Kwenta"

2.9K 9 0
                                    

-
Walang halaga,
Walang kwenta,
Yan ngayon ang naiisip ko sa twing maaalala ko ang nakaraan,
Yan ngayon ang dahilan ng pag kalungkot, pag iyak, pag tawa ko habang nanonood sa mga alaala na ating ginawa.
Kalimutan..kalimutan ang nakaraan, pag handaan ang kasalukuyan... Pero mahirap..mahirap itapon ang alaala ng kahapon, mahirap pumikit na parang walang nakita, mahirap mag panggap na wala ng pakielam, mahirap ngumiti habang may sakit pa'ng naiwan..
Mahirap makita ka na may kasama ng iba, may minamahal ng iba, at ako hanggang ngayon hindi parin makalimot sa sakit na dinulot mo sa akin...
Hindi ko alam kung hanggang kailan, kung gaano kahaba, kadami ang mga piyesa na gagawin ko para makalimutan ka lang.
Sabi nila madali lang..
Sabi nila saglit lang..
Sabi nila mawawala rin yan..
Bakit?
Nandito parin?
Nandito ka parin?
Sa bawat luha na pumapatak kasabay ng puso ko'ng sinasaksak ng mga halakhak mo'ng tiyak akong masaya ka..na kapiling siya..
Yung mahal mo,
Yung buhay mo,
Yung mahalaga sayo,
Yung ikamamatay mo pag nawala siya sayo,
Yung hindi mo iiwan kahit kailan,
Yung dating...ako
Kasi diba, yan ang mga linyang lagi mo sinasabi sa akin?
Lagi mong pinapaalala, lagi mong inuulit at ako naman tuwang tuwa..
Pero ang mga linyang yan na sobrang saya sa pakiramdam pag naririnig, pag sinasabi ng harapan ng personalan, ang saya saya.. Pero ngayon? Nakakabingi! Nakakarindi! Nakakahiya! Nakakatawa!
Mga pambobola mo na nakakasawa..
Pero kahit ganun hindi ko parin maiwasan hilingin sa bitwin na sana sabihin mo ulit sa akin ang mga yan, iparamdam mo ulit na hindi mo kaya mawala ako sayo, iparamdam mo ulit na mahal mo ako...
Walang halaga,
Walang kwenta,
Yan ngayon ang naiisip ko sa twing maaalala ko ang nakaraan,
Yan ngayon ang dahilan ng pag kalungkot, pag iyak, pag tawa ko habang nanonood sa mga alaala na ating ginawa.
Kalimutan..kalimutan ang nakaraan, pag handaan ang kasalukuyan...

Spoken Word Poetry(Tagalog)Where stories live. Discover now