-
Wag mong sabihin na mali ang pagmamahal, dahil lang ikaw ay nasaktan sa nakaraan na iyo'y pinag desisyonan.
Wag mong sabihin na mali ang magmahal, dahil lang sa mga taong ikaw ay binigo na iyo'y seneryoso.
Wag mong idahilan ang mga naging desisyon mo na hindi maganda ang kinalabasan.
Sabi nila nasa huli ang pagsisisi..
Kaya ano nga ba ang nasa una?
Ang una ay ang mga bagay na ginawang komplikado, ang mga tanong na may mag kasalungat kaya kailangan bigyan ng kasagutan.
At ang katawan ay ang pinili mong sagot, na dahilan sa pag babago sa paligid at mundo mo.
Lahat ng desisyon ay may bunga
Maaaring may mawala,
Maaaring may hindi na magtiwala,
Maaaring may mabulabog sa pag ibig na sinimulan,
Sa dugdug ng puso'ng tumitibok at sa kaba na pwedeng mag dulot ng kahinaan at katakutan.
Isa lang ang paraan para hindi masaktan sa ginawang desisyon, tanggapin ang magiging bunga, tanggapin na may mag babago, kung ano man yun...tanggapin.
At ang huli...
Ang maaaring at posibleng pagsisihan..
Hindi lahat ng dulo, huli,kasukdulan, wakas.. Ay masaya...
Mag uumpisa muna sa lungkot, sa pag layo, sa pag iwas, sa mga naka sanayan, at darating ang araw magiging maayos na ang lahat. Hindi man kasing ayos noon dahil may maiiwan paring bakas ng kahapon, bakas ng sakit at lungkot, pag iyak, pag punas ng luha ng kahapon. Pero... Magiging ayos din ang lahat..
Hanggang dumating ang panahon na handa ka na ulit mag mahal.

YOU ARE READING
Spoken Word Poetry(Tagalog)
PoetryMga nadarama na hindi masabi ng harapan at personalan kaya isinusulat na lang at gawing libangan. x (Currently editing) x ~ #1 in Poetry, April 7, 2018 #1 in Poetry, May 16, 2018 #1 in Spoken word, August 6, 2018