xiv. aiolos
Nakalahad 'yung palad ng babaeng na-kuryente ko dati rito sa cafeteria. Yep, bumalik na naman ako sa cafeteria dahil sa nag-iisang rason. Ahuh, chocolate milk. Pero hindi ko inaasahang makikita ko 'tong pokemon na 'to rito. My gods, kalalabas niya lang ng ospital tapos hinahamon na naman niya ako? Hindi na ba siya natuto?
"O? Asan na?" Tanong niya sa'kin habang nakalahad pa rin 'yung palad niya sa harapan ko.
Nginitian ko siya ng peke, "Sigurado ka bang gusto mo ulit idampi--" Hindi ko na natuloy 'yung sasabihin ko kasi bigla niyang binawi 'yung palad niya nang sinubukan ko 'yung hawakan.
Eh takot nga siya sa'kin, bakit pa siya lumalapit? DUUUH? Pati ba utak niya naapektuhan nung electrocution?
"Just send me the money in my ATM." Tyaka na siya tumalikod tas nag-flip hair kasabay nung mga alipores niya.
Okay. Kasi ganito 'yun, hinihingian niya ako ng pera para raw sa 'damages' na nagawa ko sa kanya. Lul! Bagong panyo nga hindi ako makabili tapos pati pinangpa-ospital niya ako pa magbabayad? Ako ba 'yung humawak sa pinaka-fab na demigod sa balat ng earth (at Olympus)????? Di ba hindi?! Gods!
And speaking of gods, syempre may iisang god na nakakapagpalungkot at nakakapagpasaya sa akin at the same time ng bonggang-bongga. Pero sa kasamaang palad eh wala siya rito. Yep, Apollo my baby. Huehue, akala ko pa naman tutulungan niya akong mahanap 'yung susi para makuha ko 'yung immortality ko tapos 'yun pala wala lang din siya. Huehue, grabe ang dami na niyang utang sa'kin--hindi pera, kundi date. Charot, letche. Basta miss ko na talaga siya <///3
Paalis na sana ako ng school kasi nga half day kami ngayon nang bigla akong harangin ni Cy. Napabuntong hininga na lang ako ng marahas atyaka siya inirapan. Hindi ko na sana siya papansinin at dadaanan na lang siya ng bigla niya akong hinigit sa pulso. Pinilit kong magpumiglas pero masyadong mahigpit 'yung hawak niya sa'kin.
"I'm sorry." Sabi niya sa'kin.
"Oo na! Bitawan mo na 'ko!" Iritado kong sabi habang nagpupumiglas mula sa pagkakahawak niya.
Nagulat na lang ako nang biglang bumaba 'yung hawak niya mula sa pulso ko hanggang sa kamay ko. In-intertwine niya 'yung kamay niya sa'kin. In other words, magkaholding hands kami. Tyaka niya ako nginitian ng usual smile niya.
???????
Anong problema niya sa'kin?!
Alam ko talaga galit ako eh pero ayaw lang talagang makisama ng puso kaya ang lakas ulit ng tibok. Yep, unti-unti nang nagiging normal sa'kin 'yung pagbilis ng tibok ng puso kapag malapit ako kay Cy. Syempre, powers niya. Ano pa ba? Tsss.

YOU ARE READING
Demigoddess - Daughter of Zeus
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab-est of them all.