v. son of hades, i wish
Hindi pa rin ako maka-get over dun sa sulat ni Cy. I mean omgs. Pwede naman niyang isulat 'yun ng "sorry" talaga. Bakit kailangang naka-greek pa? Hmmm... hindi kaya may pinapatunayan siya sa'kin? Nagmamayabang ganun? 'Yung baka sinasabi niya sa isip niya eh: "Akala mo ikaw lang marunong mag-greek? Haha, asa." Di ba?! Baka ganun!
Tsss.
Tapos gusto niya 'yung love story pa nila Orpheus at Eurydice 'yung i-roleplay namin. Wow, yabang ni koya! Kaya niya bang kumanta?! Magaling ba siya run?! Kaya niya kaya?!
Atyaka bakit naman sa dinami-dami ng scenes sa Greek Myth eh 'yun pa napili niya? Love story? Lol. Hindi kaya gawin siyang torta ni Popsy? Alam niyo naman 'yun, sobrang protective sa'kin. Palibhasa maganda akesh. Hihi /flips hair
"Dani."
"AY TORTA!" Nasambit ko dahil sa takot. Paglingon ko eh si Popsy lang pala. "Utang na loob naman, Popsy! Gusto ko pang mabuhay ng matagal! 'Wag mo naman akong ginugulat!" Sabi ko sa kanya habang hawak-hawak ko ang dibdib ko na nagboomshakalaka dahil sa gulat.
"Ano, nahanap mo na?" Tanong niya sa'kin.
Nasa kusina kami ngayon. Siya nakaupo sa may hapagkainan ako nasa tapat ng ref.
"Popsy naman! Agad-agad?! Kakatanggap ko lang, mahahanap ko kaagad?! Wow, ang galing ko naman! Pwede na akong maging private investigator slash taga-hanap ng mga nawawala sa Olympus!" Daldal ko sa kanya.
"Hades cannot wait." Seryosong pahayag ni Popsy.
Napanganga naman ako. Like, omgs?! Siya na nga 'yung humihingi ng pabor sa'kin tapos... tapos siya pa 'yung demanding?! Wow ha!
"Siya 'yung may kailangan. Matuto siyang magtiis!" Sabi ko agad-agad sabay inom ng tubig sa baso.
"He gave you one month."
Dahil sa sinabi ni Popsy eh naibuga ko sa kanya 'yung iniinom ko. Sorry naman daw. Nagulat eh -____-
"WHAT?!!! Bakit one month lang omgs asdfghjkl-" Ayun, nagwala na ako.
"Because Dani... Persephone, you remember her?" Agad akong tumango.
Persephone is the vegetation goddess. In other words, tagatanim siya. Okay charot 'yun, alam kong lame. Tsk, anak siya ni Popsy sa kapatid niyang si Demeter, goddess of harvest. (lol taray! May taga-tanim, may taga-ani rin hahahaha!) Oo alam ko eww kasi magkapatid sila ni Popsy pero duuh, magkapatid din naman sila ni Goddess Hera. Mahilig sa incest si Popsy kaya 'wag na kayong magtataka kung kanino ako nagmana't gusto kong tirahin si Apollo--wait ang pangit ng term na "tirahin" uhmm... gusto ko siyang mahalin. Ayayay!

YOU ARE READING
Demigoddess - Daughter of Zeus
Teen FictionDemigoddess Trilogy - 1/3 ϟ Summary? Oh, I got the lord of the gods as my father and the gods as my half siblings. I'm a teenage demigod and the fab-est of them all.