SPECIAL CHAPTER
THIRD PERSON
"So anong plan nyo ni Val pagkagraduate?" naglalakad sa mall ang magkaibigang Jezhi at Alexa dala-dala ang mga napamili nila.
"I don't know. Siguro sya magmanage ng company nila tapos ako magtatayo ng sariling company." Tumigil sya at humarap kay Alexa. "But one thing's for sure – magpapakasal kami at magpaparami ng lahi." Ang laki ng ngiti nya habang pinapakita ang magandang singsing sa kaibigan. "I checked this ring and guess what – it's so expensive." At nagsisigaw sya sa sobrang saya. Isang kumikinang na diamond ring ni Jezhi na halos kitang-kita ang kinang sa buong mall.
Tiningnan ni Alexa ang singsing na bigay sa kanya ni Zak at itinago na lang nya yun sa bulsa nya. "Parang medyo nagugutom ata ako." Nakatingin sya sa restaurant at naglakad papunta dun. "Basta wag mo kong kalimutang iinvite sa wedding. Baka mauna ka pang ikasal sa'kin." Hindi nya ipinakita na medyo nailang sya sa usapang pagandahan at pamahalan ng singsing.
Habang kumakain sila dumating naman si Val. "Hi baby!" he greeted sabay lapit kay Jezhi at hinalikan 'to. Umupo sya sa tabihan ng girlfriend.
"Baby I told Alexa about my ring and she was speechless." Hindi naman umimik si Alexa sa sinabi ni Jezhi at kumain na lang 'to.
"May pupuntahan pa ba kayo after this?" tanong ni Val.
"Wala na. Pwede mo ng dalhin yang girlfriend mo. Papunta na rin naman si goon so I'll be fine." Itinulak na talaga ni Alexa ang dalawa para makaiwas sa pagkainggit dahil sa magandang singsing.
"Okay sis. Ingat ka na lang dito." Nagbeso si Jezhi sa kaibigan. Kinuha naman ni Val ang mga pinamili ng girlfriend at umalis na sila.
Naiwan mag-isa si Alexa habang hinihintay ang pagdating ni Zak. "Miss, pwede bang makipagkilala?" isang boses ng lalaki ang narinig ni Alexa galing sa likuran nya. Ngumiti sya at tumingin sa lalaki.
"No. I'm already taken." She giggled.
"Oh ang swerte mo siguro sa boyfriend mo no?" sagot ng lalaki at umupo sya sa tabihan ni Alexa.
"No! Sya ang swerte sa'kin – on the second thought parang mas hot ka!" she grabbed the guy and kissed him. "What took you so long goon? And what's with this stranger move?"
"Wala lang. Kasi naman padating palang ako nakasimangot ka na so I tried to change your mood." Hinawakan nya sa cheek ang girlfriend. "At mukha namang effective."
Hinawakan ni Zak ang kamay ni Alexa at hinalikan 'to pero wala pa ring reaction ang dalaga. Tiningnan sya ni Zak at hinawakan nya ng dalawang kamay ang cheek ng girlfriend. "What's bothering you? No – teka nagbago na ba ang isip mo? Ayaw mo ng magpakasal sa'kin? No no no!!! Sinasabi ko sa'yo aswang magpapakamatay talaga ko!! Tatalon ako sa building o kaya – o kaya magpapakabangga ako or – or maglalason or – " kinuha nya yung knife sa table, " – maglalaslas ako!" Nilagay nya ang knife sa may pulso nya. "Teka – stainless ba 'to? Baka matetano ako dito ah."
Bigla namang napatawa si Alexa. Tuwang-tuwa syang pagmasdan ang hindi maipaliwanag na reaction ni Zak. "Magpapakamatay ka di ba? So what kung matetano ka? Mas mapapabilis ang pagsu-suicide mo."
"ABA TALAGANG GUSTO MO KONG MAMATAY NO!! SIGURO PINAGPALIT MO NA KO!! GRABE KA!! ILANG MINUTO LANG TAYONG HINDI NAGKITA NAKAHANAP KA NA AGAD NG KAPALIT!! HOY SINASABI KO SA'YO!!! IDADAMAY KITA PAG NAGPAKAMATAY AKO!! AKALA MO BA – MMMMM" tinakpan ni Alexa ng kamay nya ang bibig ni Zak.
"Ano bang sinasabi mo? Hoy listen very carefully, never ever akong magbabackout sa kasal natin. Second, hindi ako nanlalalaki dahil hindi ko yun gawain." Sumeryoso ang mukha nya at tsaka tumingin ng diretso kay Zak. "Goon – nambababae ako."

YOU ARE READING
Perfect Haters Book 1 (Part 2 Published under Pop Fiction)
Teen FictionThis is the second part of Perfect Haters book 1. This begins with chapter 38 where Zak and Alexa are officially in a relationship. Book 1 pa rin po ito ng Perfect Haters. Again this is still book 1. Marami kasing nagtatanong saan nagstart ang part...