ZAK'S POV
Sa wakas lunch na din. Hindi ko pa nakikita ang sweet monster ko simula kaninang umaga. Hindi ako nagtetext sa kanya dahil nagpapamiss ako. Hindi kasi ako nakaattend ng morning classes ko dahil sa pinuntahan namin ni coach para sa susunod kong magiging laban. Pero alam naman sa school yung ginagawa ko at dahil hindi naman affected ang grades ko kaya okay lang.
"Zak!" napalingon ako at nakita kong papalapit si Natalia. Hindi ko sya pinansin at naglakad ulit. "Zak wait!" at naabutan pa rin nya ko. "So where's your girlfriend huh?"
"Hindi mo makikita kasi nasa loob sya ng puso ko!!" mga walang kwentang tanong nitong babaeng 'to. Mabuti nga napagsasalitaan ko na sya ng ganito hindi tulad dati. Dati kasi mahal ko pa sya pero iba na ngayon.
"Masyado ka talagang korni. Yan ba epekto ng girlfriend mo sa'yo? Ang panget ha." Ano bang problema nito at nasabay pa sa'kin?
"Kung may panget dito ikaw yun. Tahimik na kami bigla-bigla kang manggugulo." Kung noon pa sana sya bumalik, noong hindi pa ko nahuhulog kay aswang baka natuwa pa ko.
"Hindi ako bumalik para manggulo. Gusto ko lang na magkabalikan tayo. I'm willing to do everything Zak. Nasa right age na ko at isa pa hindi na ko ipapakasal nila mommy." Nakaramdam ako ng galit dahil sa narinig ko. Ginagawa nya 'tong lahat dahil lang sa gusto nya.
"Tapos na tayo Natalia at kung hindi ka pa titigil sa pagsira sa'min ng girlfriend ko hindi ako magdadalawang isip na saktan ka!!" nagmadali akong maglakad papunta sa cafeteria. Baka makita pa kami ni aswang na magkasama nitong babaeng 'to baka awayin pa ko. Matapos ng confession namin kagabi gusto kong iwasan ang misunderstanding. Alam ko kasing ibang klaseng babae sya, hindi sya yung tipong nagagalit lang dahil sa maliliit na bagay. Walang drama, lahat totoo at yun ang gusto ko.
"Ako sasaktan mo? Paano mo napagsasalitaan ng ganyan samantalang dati takot na takot ka na kapag sumisigaw ako!!" napatigil ako sa harapan nya dahils sa sinabi nya.
"NOON YUN!! NOON!! Nung akala ko ikaw lang ang babae para sa'kin. Na kapag nawala ka katapusan ko na. Alam mo akala ko nga noon mamamatay na ko. Ang daming nagbago sa'kin dahil sa sakit na naramdaman ko! Nagalit ako sa mundo dahil yung taong akala kong kakampi ko at nakakaintindi sa'kin eh hindi ako iiwan pero hindi. Iniwan mo ko ng wala ka man lang ginawa. Pero salamat sa'yo, salamat sa'yo dahil naramdaman ko ulit kung paano maging masaya – at kay Alexa yun. Kaya pwede ba tigilan mo na kami. Tigilan mo na ko dahil hinding-hindi na tayo magkakabalikan!" nakita kong nagulat at nasaktan sya sa mga sinabi ko. Parang pinipigilan nyang umiyak.
"Alam kong sinasaktan mo lang ako. Gumaganti ka lang." tumawa sya pero halatang pilit lang. "Ka – kasi kung hindi mo na ko mahal bakit hindi mo pa nasasabi kay Alexa na mahal mo sya."
"Nasabi ko na sa kanya – kagabi lang. Ang sarap nga sa pakiramdam dahil mahal nya rin ako. Hindi sya maarte katulad ng iba. Espesyal sya hindi lang sa'kin kundi pati sa Sterke Geest. I'm sorry Natalia pero hindi na magbabago ang isip ko. Oo minahal kita pero noon yun marami ng nangyari at masaya na ko ngayon. I'm willing to do everything para lang protektahan si Alexa, hindi ako papayag na masaktan sya." At hindi na nga nya napigilang umiyak at nanakbo sya palayo sa'kin. Ayoko syang saktan pero nagsasabi ako ng totoo. Kung ano mang nangyari sa'min dati nakaraan na yun. At kung gaano ko man sya kamahal noon hindi na yun katulad ng nararamdaman ko sa kanya ngayon. Isang kaibigan na lang ang tingin ko sa kanya at hanggang dun na lang yun. I'm sorry Natalia. Ipinaglaban ko sya pero wala syang ginawa. Hindi ko naman sya sinisisi dahil nangyari na lahat. Isa pa hindi talaga ako papayag na sirain nya kami ng babaeng mahal ko.
Speaking of mahal ko mapuntahan na nga sya sa cafeteria. Namiss ko tuloy sya bigla. Nakakainis kasi 'tong Natalia na 'to eh istorbo. Nagmadali akong pumasok sa cafeteria at nakita ko silang lahat dun maliban sa kanya. Nasaan naman yung babaeng yun?

BINABASA MO ANG
Perfect Haters Book 1 (Part 2 Published under Pop Fiction)
Teen FictionThis is the second part of Perfect Haters book 1. This begins with chapter 38 where Zak and Alexa are officially in a relationship. Book 1 pa rin po ito ng Perfect Haters. Again this is still book 1. Marami kasing nagtatanong saan nagstart ang part...