PH Part 2 - 58

38.7K 1K 70
                                        

58

ALEXA'S POV

Kumuha ako ng scented paper at pen then umupo ako sa table. Hindi ako makapag-isip kung ano bang isusulat ko. Baka kasi pagod na kong magsulat hindi ko pa nasasabi lahat ng gusto kong sabihin.

"Ang ganda ng sulat ni goon no?" napatingin ako sa tabihan ko at nakita kong nakatayo na dun si Mel.

"Wag ka ngang maki-goon. Ako lang natawag ng ganun sa kanya no!" I rolled my eyes.

"Fine." Umupo sya sa tabihan ko. "Pero alam mo ba na mas maganda ang love letters kesa sa mga emails or text messages." Tumingin ako sa kanya at nakatingin lang sya sa ceiling ng room ko. "Kasi sabi ng lolo at lola ko napapakita daw sa sulat kamay ng isang tao kung anong nararamdaman nya. Kasi nandun yung puso at yung effort kaya mas nakakatouch ang mga letters." Nakangiti lang sya na parang kumikinang ang mga mata. "Grabe, ang ganda naman ng love story nyo. Parang nangyayari lang sa sinaunang panahon."

"Ilang taon ka na ba at kung anu-anong mga naiisip mo dyan ha Mel?" napatingin kaming lahat kay Luke na nakahiga na sa sofa at halos makatulog na. Well akala nga namin tulog sya kasi nakapikit sya.

"Hoy bata pa ko no. Mas naappreciate ko lang talaga yung mga ganung bagay no." sumandal sya sa upuan at kinuha ang pillow sa tabihan nya tsaka niyakap. "I wish makahanap din ako ng tulad ni Zak."

"Wala na syang katulad." Magsisimula na akong magsulat ng biglang sumulpot ang mukha ni Mel sa tabihan ko. "Ano ba wag mo nga kong takutin!!!"

"So - sorry." Umatras sya ng konti. "Ano bang dapat mong gawin para makalabas ka na ulit ng bahay?"

I sighed. "Makipag-break kay goon. But duh!!!! Yun ang pinakahuling bagay na gagawin ko!!!!" ahhhh gusto ko na namang sumigaw. Di bale na kong makulong dito forever wag lang kaming magbreak.

"Then do it!!" nakangiting sabi ni Mel.

"Do what?" sabay naming sabi ni Luke. Nakita kong napaupo si Luke ng marinig ang sinabi ni Mel habang ako eh napatayo naman.

"Are you out of your mind?" tanong ko kay Mel. "Kakasabi ko lang nay un yung pinakahuling bagay na gagawin ko sa buong buhay ko tapos ipapagawa mo sa'kin ngayon!!!!!" Hindi ako makapaniwalang sasabihin nya sa'kin 'to. Don't tell me may gusto sya kay goon?

"Pwede ba wag ka ngang sumigaw. Relax." Hinigit nya ako paupo ulit sa upuan ko. "Hindi ko naman sinabing makikipagbreak ka talaga." Lumapit sya sa'kin at parang bumubulong lang magsalita. "Gusto mong makalabas di ba?" nagnod ako. "Gusto mong makita si Zak di ba?" nagnod ulit ako. "Gusto mong mahug si Zak?" nagnod ulit ako at napangiti. "Gusto mo syang i-kiss di ba?" nagsuper nod ako na parang nahihiya. "Gusto mong makipagmake love kay Zak di ba?" nagnod ako ng bongga ng bigla akong napatingin sa kanya. "Joke lang. Sinusubukan lang kita."

"Baliw ka talaga!!" grabe ako naman oo lang ng oo. Hindi naman ito ang right time para isipin ko yun. "Kung wala ka ng ibang sasabihin tumahimik ka na lang at hayaan nyo muna akong magsulat ng sarili kong love letter."

"Hephep!!" iniharang nya ang kamay nya sa scented paper sa harapan ko. "No no no no!! Makinig ka muna." Sumandal ako sa inuupuan ko at tumingin ako sa kanya. "Tulad nga ng sinabi ko sa'yo, kung gusto mong magawa lahat ng mga sinabi ko - except yung last part syempre kasi masyado pa kayong bata para dun and for sure mas lalong magfi-freak out ang parents mo kapag may nabuo tapos baka kung ano pang masamang gawin nila kay Zak tapos hindi na sya makikilala ng mga kamag-anak nya tapos ikaw ipapalaglag nila ang baby kasi kahihiyan sa family tapos malulungkot ka at magpapakamatay tapos - mmmmm mmmmm mmmmmm" wow tinakpan ko na nga ang bibig nya salita pa rin sya ng salita.

Perfect Haters Book 1 (Part 2 Published under Pop Fiction)Where stories live. Discover now