Chapter Two: DOG

44.4K 905 54
                                    

CHAPTER TWO: Dog

Ayoko talagang makaharap ulit si Levi mula nung... basta mula nun! Kaya ginawa ko ang lahat ng puwede kong magawa 'wag ko lang siya makaharap at makausap.

Kapag hinahanap niya ko sa bahay, pinapasabi ko kina Mama o Papa o sa nakababata kong kapatid na lalaki na si Juni, na wala ako o 'di kaya ay busy ako. Kapag magkakakitaan naman kami minsan sa school, mabilis akong umiiwas. Buti na nga lang at magkalayo ang college departments namin kaya madalang kami magkakitaan.

Nagtataka na ang pamilya ko sa ginagawa kong pag-iwas kay Levi. Pero dahil alam nila na aso't pusa ang relasyon naming dalawa, hinayaan na nila ako. Hindi rin ako pinipilit makita ni Levi 'pag nagtatago ako sa bahay. Ayun pang pusandi na 'yun. Ang laki kaya ng takot nun sa tatay ko para guluhin ako sa bahay namin.

Dalawang linggo-- so far, ganyan katagal ko nang naiiwasan si Levi. Pero...hindi na nagtagal pa ang dalawang linggo na 'yun.

"Pst, askal."

Hindi na nagtagal, dahil isang gabi nang ma-late ako umuwi galing school, inabangan at sinalubong ako ni Levi sa may playground ng subdivision namin.

Medyo napanganga ako kasabay ng sobrang pag-panic ng puso ko nang makita ko siya. Hindi ko akalaing maiisip na abangan ako rito ni Levi. Aba, sa bobo ba naman ng pusandi na 'yan, naisip niya na gawin ito? At dito pa ah, kung saan malayo sa mga magulang ko?

Humakbang na siya palapit sa'kin, at dun na ko natauhan. Kumarap ako, at saka tumakbo palayo.

"O-Oy! Askal!"

Hinabol niya ko. Mas binilisan ko naman ang pagtakbo ko, pero sadya yatang mas mabilis tumakbo ang mga pusa kaysa sa aso. Naabutan ako ni Levi at hinigit ako sa pulso. Pilit niya kong hinarap sa kanya. Nakakunot noo siya at medyo hinihingal rin kagaya ko.

Wala akong masabi. Naiilang ako. Nahihiya ako. Ang makaharap siya nang ganito, ang maramdaman ulit ang pagdikit ng balat niya sa balat ko, binabalik ng mga ito ang bawat nangyari sa amin ng gabing 'yun-- na ayaw ko na ngang maalala pa!

Nakakahiya talaga... Bakit ba kasi ako bumigay nang ganun lang kadali sa pusandi na 'to? Feeling ko tuloy, napakalandi ko at napaka-easy-to-get kong babae...

"Millie," Tawag ni Levi pagkahinga niya nang malalim. Nakakunot noo pa rin siya at nakahawak pa rin sa pulso ko. "Uhm, halika nga muna."

Hinayaan ko siyang hatakin ako pabalik ng playground. Pinasok niya ko roon at pinaupo sa pinakamalapit na bench. Tumabi siya sa'kin, dahilan para patuloy akong mailang.

Ang hirap huminga. Hindi ko rin alam kung saan ibabaling ang tingin ko. Jusme namang buhay 'to.

Dumaan ang isa o dalawang minuto na walang nagsasalita sa'min. Para kaming nagpapakiramdaman na ewan.

Gusto ko sanang magsalita na para putulin ang katahimikan namin. Pero ano namang sasabihin ko? In the first place, may dapat ba akong sabihin?

"Bakit mo ba ko iniiwasan at pinagtataguan ah?" Kalmadong tanong ni Levi.

Bobo talaga 'to eh 'no? Kailangan pa ba niyang itanong 'yun? Kailangan ko pa ba talagang ipaglandakan ang dahilan ng pag-iwas ko sa kanya?

"Tsk. Layo ka nang layo, tago ka nang tago. May gustung-gusto pa naman akong itanong sa'yo."

Napayakap ako sa bag ko. Nahihiya at kinakabahan ako sobra sa gustung-gusto niyang itanong sa'kin. Paano kung itanong niya ang dahilan kung bakit ako bumigay sa kanya? Paano kung tanungin niya kung may nararamdaman ako para sa kanya?

A-Ayoko. Mahal ko nga siya pero hindi ko iyon magagawang sabihin sa kanya. Hindi ko kayang umamin. At ayoko talaga.

"Askal..." Simula na niya na mas nagpa-tensyonado sa'kin. "Uhm, may kilala ka bang Mimi sa school natin ah?"

Napakurap ako sa tinanong ni Levi.

"Wui." Siniko pa niya ko, dahilan para tignan ko siya.

"Uh eh, Mimi? Wala eh. Bakit?" Tanong ko rin.

Tinitigan niya ko nang ilang segundo bago tumingin sa ibang direksyon. "Kasi..."

"Kasi ano?" Naiinis na ko. Sino ba kasi ang Mimi na 'yun? Panibago ba niyang kalandian?

"Kasi, ano... Uhm..." Hinilot niya ang ulo niya. "Hindi ko siya matandaan masyado eh... Kasi, uhm, lasing ako nun, nung Valentine's day, tapos parang inuwi ko ang babaeng may ganung pangalan sa bahay... Tapos, uhm, alam mo na... Uhm, ano, may nangyari sa'min... Pero... uhm... pagkagising ko nung umaga, wala na siya..."

Napanganga lang ako.

Mimi raw? Eh ako kaya ang babaeng tinutukoy niya!

Pusang malandi talaga ang lalaking 'to oh. Ilang beses niyang binanggit ang pangalan ko the whole time na-na-na ginawa namin 'yun. Tapos ngayon, inakala niyang MIMI ang pangalan ko? Inakala niyang ibang babae ang nabola niya ng gabing 'yun?

Napangisi ako't tumingin sa malayong-malayo habang umiiling. Lasing nga pala siya nun. At nakakainis lang. Parang nasayang lang ang pagbibigay ko ng sarili ko sa kanya. Pero ano bang nasayang ang pinagsasabi ko?! Eh mula nun, talaga namang nasayang na ang pagkababae ko sa kanya!

Ugh. Kaysa mainis, mas dapat na lang akong matuwa. Wala na akong dapat ikahiya sa kanya eh. Hindi niya natatandaan na ako ang nakasama niya ng gabing 'yun. Puwede na kaming bumalik sa dati. Diba?

Ah, ewan. Tumayo na ko at umalis.

"Uy teka lang, Millie."

Hindi Millie pangalan ko! MIMI na! Bwisit 'to. "Ano?!" Inis ko siyang nilingunan. "Nasagot ko na ang gustung-gusto mong itanong diba?! Ano pang tine-teka-teka mo diyan?!"

"Ang high blood mo naman... Parang makikisabay lang ako sa paglalakad pauwi eh."

"Edi makisabay ka! 'Wag mo lang akong kausapin dahil naha-high blood talaga ako sa'yo!" At nagpatuloy na ko sa paglalakad.

Sinabayan nga ako ni Levi at talagang nasa tabi ko pa siya ah. Ang lakas lang talaga niya mang-high blood.

Pero, hindi naman ako naiinis. Parang... mas nalulungkot ako? Mas nanghihinayang?

Tsk. Naguguluhan ako. Ang gulo-gulo ng nararamdaman ko sa mga nangyari at kasalukuyang nangyayari sa'min.

"Askal, 'wag mo na ko iiwasan ulit ah?"

Nakakunot noo akong tumingin kay Levi na tulala naman sa dinaraanan namin.

"Alam mo naman, kulang ang araw ko kapag hindi ko nasisira ang araw mo."

"Tseh!" Tinulak ko siya at natawa siya. Saktong nasa tapat na kami ng bahay namin. "Umuwi ka na nga! Letse!"

Pumasok na ko ng gate. At nang isara ko ito, nakaharap ko pa si Levi na hindi pa pala umaalis sa tapat ng gate namin. Nakatingin siya sa'kin at nakangiti. Ngiti na... simple.

"Good night askal." Bati niya bago umalis. Gusto ko naman sana siyang habulin at pukpukin ng kahit anong matigas na bagay. Nakakainis pa rin kasi. Talaga bang hindi niya naalala na ako ang nakasama niya nung gabing 'yun?

Nagbuntung hininga na lang ako bago pumasok ng bahay. Pero... bakit biglang ganito? Bakit parang umiikot ang paligid ko?

"Uy, Milliana anak. Nandito ka na." Bati ni Mama na nanonood ng TV. "Kumain ka na ng hapunan ah? Sabayan mo na si Juni at kakauwi lang din ng batang 'yun."

"Opo." Nginitian ko siya. Pero patuloy na umiikot ang paligid ko. Dumidilim na rin ang paningin ko at nakakaramdam na ng panghihina ang katawan ko.

"Uy, Milliana?" Nag-aalalang tanong ni Mama pero hindi na ko naka-tugon. Kusa nang nagsara ang mga mata ko kasabay ng pagbagsak ng katawan ko sa sahig. "Milliana!" At ang sigaw na 'yun ni Mama ang pinakahuli kong narinig.

xxxxxx TBC~

Cat & Dog BabyWhere stories live. Discover now