CPMGP_Chapter 35

27.2K 864 9
                                    

"Sir Dazu, sumama po kayo sa amin!" Nagpapanic na sabi ng isa sa mga rescuer. Natigilan ako sa pagwawala ko dahil sa sinabi niya.



"Anong nangyari? Magsalita ka?" Gusto ko agad malaman kung bakit parang nagpapanic ang lahat ng rescuer. Halos mapakunot noo ako sa ginagawa nila. Bakit ayaw nilang magsalita?



"Ang mabuti pa po sumama nalang kayo." Sagot nito sabay takbo kaya nagsipagtakbuhan din kami at sinundan siya.



Kung ano man 'yon hindi ako naniniwalang may nangyaring hindi maganda. Please, Shimi, I need you. Iparamdamam mo sa aking buhay ka. 'Wag kang bibitaw pakiusap.



Nang makarating kami sa sinasabi ng lalaki nagulat kami sa nakita namin. Puro bangkay ang nakahilera at nakahilata sa lupa. Halos manglambot ako nang makita ko ang mga old Black Sapphire Gang dito, mga ka-Gang nila Mommy Kimi at Daddy Shin.



"S-Si U-Unnie Mizty?" Saad ni Alex.



"Unnie Mira?" Bigkas naman ni Jamaica. Gulat na gulat kaming nakatingin sa kanila.



"Totoo ba ang lahat nang 'to?" Hindi makapaniwalang sabi ni Chloe. Halo halo na ang pumapasok sa isip ko.



Kung 'yong mga old Black Saphire Gang ay namatay, sana naman hindi si Shimi o si Daddy Shin. Halos mataranta akong inisa-isa ang mga nakahilata. Puro kaba at takot ang nararamdaman ko ngayon.



"Please... Please... Shimi..." Pabulong kong bigkas. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may mangyaring hindi maganda sa kanya. Habang buhay kong pagsisisihan 'yon.



"Damn it! Shimi, magpakita ka na! Please!!!"



"Dazu! Si Shimi!" Turo ni Jenrick sa kalalabas lang na mga rescuer kaya napatingin kami roon lahat pero nagulat ako dahil ang dami niyang galos sa katawan at tila hindi na gumagalaw. Bitbit siya ng mga rescuer kaya dali dali kaming lumapit sa kanya.



"Shimi! Shimi!" Wala akong pakialam kung magkandarapa ako. Ang mahalaga mapuntahan ko kaagad siya. Pero agad agad din naman siyang isinakay sa ambulansya kaya sumabay na rin ako rito kasama si Jenrick.



Hinawakan ko ng sobrang higpit ang kamay ni Shimi at nagdasal ako. Sobrang maaga pa para kuhain n'yo sa akin ang asawa ko. "Please Shimi, 'wag kang bibitaw. Nandito lang ako sa tabi mo. Please, mahal na mahal kita."








JENRICK'S POV

Nararamdaman ko 'yong bigat na dinadala ngayon ni Dazu, pero tanging dasal lang ang kailangan naming gawin sa ngayon para mabuhay si Shimi at ang mga magulang niya. Nang bigla namang nagtext si Chloe at sinabi nitong tatawag daw siya kapag may balita na kay Tito Shin. Nang maya-maya naman biglang tumawag si Tito Ozu at nagulat ako sa binalita niya.



"D-Dazu..." Sambit ko kaya napalingon siya sa akin. Pinunasan niya ang luha niya. "S-Si Tita Kimi." Sambit ko.



Nang bigla ulit nagvibrate ang cell phone ko at si Chloe naman ang tumatawag habang gulat lang na nakatingin sa akin si Dazu pero si Chloe muna ang inuna ko. Agad kong sinagot ang tawag niya.



"Babe, si Tito Shin, nakita na siya." Aniya sa kabilang linya.



"T-Talaga? Pero anong lagay niya?"



"Hindi ko masabi ang lagay niya pero papunta na kami riyan sa hospital. Magkita-kita nalang tayo riyan." Ibinaba na niya 'yong call.



"K-Kumusta si Daddy? Okay lang ba raw siya?" Naluluhang tanong ni Dazu kaya tumango lang ako.



"Tingin ko rito rin dadalhin si Tito Shin sa hospital. Hintayin nalang natin sila Chloe." Tumango lang siya at nagsibabaan na kami nang makarating kami rito at agad na isinugod si Shimi sa E.R. Nandito kami sa labas habang hindi naman mapakali 'tong si Dazu.



Paano ko ba sasabihin sa kanyang malabo 'yong chance na mabuhay si Tita Kimi? S*** lang!



"Dazu! Jenrick!" Narinig naming boses ni Tito Ozu kaya napalingon kami sa kanya. Nandito rin pala sila at kasama niya si Tita Crystal at Tito Prince, ang Daddy ni Soongwo.



"Ma, Pa," Sabi ni Dazu sabay yakap niya kay Tita Crystal habang umiiyak siya.



"Dazu, anak. Nandito lang kami ng Papa mo. Tibayan mo lang ang loob mo. Alam kong mabubuhay si Shimi. Malakas siya, okay? Pero 'yong Mommy niya anak..."



"Po? A-Ano pong nangyari kay Mommy Kimi?"



"Kailangang masalinan ng dugo si Kimi kaya napadaan kami rito. Basta anak nandito lang kami ng Papa mo para sa 'yo at tutulungan namin ang pamilya ni Shimi. Okay?" Wika ni Tita sabay na umalis na sila ni Tito Ozu at Tito Prince.



Sabay naman nito siyang dating ng iba pang nasugatan sa insidente at isa na ro'n si Soongwo. "Kung gano'n buhay siya?" Sambit ni Dazu. Habang kami nakatingin lang kung saan siya dadalhin at maya-maya sina Chloe na 'yong nakita namin. Nandito ang buong Gang. Tapos nilapitan ni Dazu si Tito Shin.









DAZU'S POV

"Daddy..." Saad ko sabay hawak sa kamay niya. Nakahiga siya sa stretcher at nagmamadaling isugod sa kabilang kuwarto sa E.R.



Nakamulat 'yong mga mata niya pero hindi siya gumagalaw. Nakatingin lang siya sa akin at naluluha. "Please Daddy, 'wag po kayong susuko." Aniko.



Habang nakatingin ako sa kanya parang may gusto siyang sabihin na hindi ko naman maiintindihan. "Sir, hanggang dito nalang po kayo." Sabi no'ng nurse kaya sumigaw na ako.



"Hindi ko po pababayaan si Shimi Daddy! Pangako!" Ito 'yong huli kong sinabi sa kanya. "Please, 'wag po kayong bibitaw." Bulong ko sa hangin. Halos mapaupo ako sa bench. Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng 'to? Kasi kung panaginip lang 'to please gusto ko nang magising ngayon.




 Totoo ba talagang nangyayari ang lahat ng 'to? Kasi kung panaginip lang 'to please gusto ko nang magising ngayon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕



-------------------------------------------------

Author's Reminder
Please po—wag po kayong maguguluhan sa next chapter na mababasa ninyo. Basta basahin nyo lang ng mabuti at intindihin. Palawakin n'yo nalang po 'yong imagination n'yo sa pagbabasa. Marami pong salamat at pasensya!
Pls. continue reading.

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon