CPMGP_Chapter 17

43.2K 1.3K 278
                                    

DAZU'S POV

Sa paglabas namin ng kuwarto habang hila ko si Shimi nagulat ako nang makita namin ang pareho naming mga magulang dito na tila kanina pang naghihintay sa paglabas namin.



Pero imbes na bitawan ko si Shimi mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay niya dahilan para mapatingin siya sa akin.



"Dazu, anak," Bigkas ni Papa habang nakangiti. Pero ako blangko lang 'yong reaksyon ko habang nakatingin sa kanya. "Inayos na ng Mama mo ang magiging kasal ninyo ni Shimi next week. Pumapayag na ako sa gusto mo." Lumapit siya sa akin at niyakap ako.



Pero ako hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Para akong naging bato sa kinatatayuan ko. "Dazu, alagaan mo ang anak ko." Bilin naman ng Daddy ni Shimi sa akin nang lumapit din siya sa kinatatayuan namin.



May isang minuto siguro bago ako bumalik sa katinuan ng pag-iisip ko. Nakikipagkamay siya kaya inabot ko agad ang kamay ko sa kanya. "Makakaasa po kayo." Nilapitan niya si Shimi at niyakap kaya nagkangitian kaming dalawa.



Mabilis lumipas ang ilang araw at kinabukasan ay kasal na namin ni Shimi. Nagkita muna kami ngayon sa isang restaurant kasama ang mga kaibigan namin. Nakapalibot kami sa isang napakalaking lamesa dahil sa dumami na kami. Ang anim na Prince kasama ang tatlong kaibigan ni Shimi at nadagdag pa si Russel, Hanna, at siyempre si Chloe.







CHLOE'S POV

Nandito kami ngayon sa isang restaurant at kasama ko ang mga bago kong mga kaibigan at siyempre ang mga pinsan ko at girlfriends nila.



The day after ng pag-uwi namin noon dito sa Pilipinas kinausap ako ni Tito Ozu. Hindi ko alam na si Shaira pala ay isang Korean Mafia Daughter at 'yong Daddy niya ang dahilan ng pagkawala ng pendant noon ni Tita Crystal.



No'ng una, hindi ako makapaniwala sa pagkatao niya dahil bestfriend ko siya. Hindi ko alam kung bakit nilihim niya sa akin ang tungkol sa pagkataon niya. Maybe kung ginamit niya lang ako.



"Babe, ayos ka lang ba?" Tanong ni Jenrick sa akin kaya tumango ako sabay nginitian ko siya.



Yup boyfriend ko na siya at mag-one week na kami. Actually, noon pa lang naghihintay na siya sa akin. Sa pagkakataong 'to wala naman sigurong masama kong subukan ko ang pag-ibig ng isang sexy hyung at kilalang isa sa mga chickboy na Prince.



Sa paglipas ng ilang araw sinubukan ko rin ang pakikipagkaibigan sa mga kaibigan ni Shimi and of course kay Shimi na magiging asawa na ni Insan Dazu bukas. Naging masaya naman akong kasama sila at tinuturing ko na silang mga tunay kong mga kaibigan.



"CHEERS!!" Sigaw ni Kazu kaya nakipagcheer ang lahat gano'n din ako. Sobrang saya ng gabi namin ngayon. Nagkuwentuhan kami pero may limit dahil nga bukas kasal na ni Dazu.







*****

SHIMI'S POV

Parang ang bilis naman yata lahat ng pangyayari. Ngayon na 'yong araw ng kasal namin ni Dazu. Sa totoo lang hindi pa rin ako makapaniwala. Oo, dalawang taon na ang nakakalipas ng magkahiwalay kami at higit isang linggo naman nang muli kaming magkita.



Nasa tamang edad na kami pareho kahit hindi pa tapos ang college ay ayos lang naman daw sa mga magulang namin. Ang pakiramdam ko ngayon sobrang kaba. Naglalakad ako ngayon sa isang carpet habang papalapit sa lalaking nasa dulo nito at hinihintay ako.








DAZU'S POV

Sa wakas magiging akin na sya at wala nang makakapigil pa at hindi na kami magkakahiwalay. Dati magkaaway lang kami pero ngayon magiging asawa ko na talaga sya. Medyo naluluha ako habang nakatitig sakanya habang naglalakad papalapit sakin. Hindi ko lang talaga lubos maisip na ito na yung tamang pagkakataon para makasama sya habang buhay.

(now playing : stay : blackpink)

Naluluha ko siyang tinignan nang makalapit siya sa akin. Inako ko ang kanan kong braso saka naglakad kami papunta sa altar kung saan mangangako kami sa isa't isa. Nakita ko rin ang luha sa gilid ng mga mata niya kaya nagpunasan muna kami ng luhang dalawa.



Matapos ang sumpaan binati kaming lahat ng mga magulang namin, kapatid, pinsan at mga kaibigan. Mula sa simbahan nakarating na ang lahat sa reception at dito tinuloy ang kasiyahan.



Nakita naming nagsasayawan ang lahat habang nandito lang kami ni Shimi sa lamesa naming dalawa. Nang mapatitig naman ako sa mukha niya napatitig din siya sa akin.



"May problema ba?" Mahinahon niyang tanong pero umiling lang akong nakangiti sa kanya.

"I love you." Turan ko kaya napangiti siya. "Hindi lang ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon." Dugtong ko pa.



"Dazu Kang..." Bigkas niya. "I love you too." Matapos niyang sabihin 'yon agad ko siyang niyakap. Naluluha ako at 'yon ang totoo.



Ilang minuto ang lumipas at natapos na rin ang reception, agad kaming sinundo ng isang puting kotse papunta sa isang malaking resort kung saan nilaan ito ng isang linggo para sa aming dalawa.



Habang nasa kotse kami hindi namin maiwasang hindi magkangitian ni Shimi. Sa tingin ko tears of joy dahil naging madali ang lahat ng gusto kong mangyari.



May higit kalahating oras din ang itinagal ng biyahe namin sa pagpunta rito. Binuhat ko siya nang pang bridal papasok sa magiging kuwarto naming dalawa.



Agad ko siyang hiniga sa kama namin at iniwan siya ro'n dahil nilocked ko muna ang pintuan. Naalala ko 'yong mga kantsaw sa amin kanina pero we need to do this. Kasal naman na kami at wala nang masama na gawin namin 'to.








SHAIRA'S POV

Napangisi ako habang nakatingin sa kawalan. Ibinaba ko ang hawak kong wine.



Magpakasaya na kayo ngayon. Tignan natin kung saan kayo pupulutin sa pagbabalik ko. "Humanda kayo Shimi Park and Dazu Kang tss."




(Book 2)Written by MsjovjovdPanda2016 All Rights Reserved2nd Generation of KANG SERIES

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

(Book 2)
Written by MsjovjovdPanda
2016 All Rights Reserved
2nd Generation of KANG SERIES

Votes | Comments | are highly appreciated

Thank you so much, JOVinians

—Miss Jov 💕

Campus Prince meets Gangster Princess (Book 2)Where stories live. Discover now