Book 2 of Second Generation.
Highest Rank Achived: #12 in Teen Fiction as of 2017 by MsjovjovdPanda.
After 2 years, sa pagpapatuloy ng kwento nina Shimi at Dazu.
Book Cover by Tenmiracle
Kinabukasan, gumising ako ng maaga para ipaghanda ng makakain si Hubby. Nagpatulong ako sa katulong nila na ipagluto siya ng paborito niyang mga almusal sa umaga. Hopefully, makatulong 'to para kibuin na niya ako.
"Tapos na po Ma'am Shimi."
"Salamat po Manang." Kinuha ko na 'yong mga pagkain na nakalagay sa isang tray. Gusto ko kasi siyang sorpresahin paggising niya. May two hours pa naman kami bago pumunta ng school.
Dahan dahan akong pumasok ng kuwarto namin at nang makita ko siyang tulog pa rin, nilagay ko na muna 'yong tray sa lamesa at tumabi ako sa kanya. Dumapa ako at hinalikan siya.
"Hubby." Bigkas ko, It's already seven na kasi ng umaga kaya dapat lang na magising na siya.
"Umh." Narinig kong boses niya. Pero nakapikit pa rin siya.
"Hubby, sorry na." Nagpapacute kong boses. Sana lang tumalab. Hinalikan ko siya sa pisnge niya. "Hubby, I love you." Pero hindi pa rin niya minumulat 'yong mga mata niya. Kailangan ko 'tong tiisin para magkabati na kami ngayon. Ayoko kasing magtagal 'yong tampuhan namin kasi first time kaya 'to simula no'ng ikasal kami.
"I love you, Hubby." Hinalikan ko na siya sa lips niya. "Hubby, gising ka na. Pinaghandaan kita ng paborito mong mga pagkain." Pero wala pa rin. Palagay ko hindi na niya talaga ako kikibuin.
"Okay. Fine, kung ayaw mo akong kibuin sa condo nalang muna ako nila Ayesha matutulog mamay—" Nang bigla niya akong hilahin pahiga sa kama habang nakapikit pa rin siya. Nasa ibabaw niya ako. Napangiti tuloy ako.
"Hindi mo rin naman pala ako matitiis." Mahina kong sabi pero 'di pa rin siya nagsasalita. "Hubby, bakit ba kasi ayaw mong magsalita? Sorry na, pinapatawad mo na ba ako huh?" Umiling lang siya pero nakapikit pa rin.
"Ano bang gusto mong gawin ko para magsalita ka na?" Biglang dumilat 'yong mga mata niya sabay titig sa akin.
"Oh? A-Ano na naman 'yang naiisip mong ipagawa sa akin?" Ngumisi siya. "Para naman gagawin ko 'yang iniisip mo?" Aniko.
"Akala ko ba gusto mong patawarin kita?" Sabi niya. Sa wakas nagsalita na rin siya.
"O-oo pero ano ba kasi 'yong gusto mo?" Tinitigan niya ako mula mukha hanggang katawan. Alam ko na ang ibig sabihin no'n pero alam kong nan-ti-trip lang siya.
"Hoy Hubby! Papasok pa tayo sa school kaya bumangon ka na riyan. Kumain na ta—aaah!" Hinila niya ulit ako nang bumangon ako kaya napasigaw ako .
"Ibig kong sabihin 'yong damit ko parang nawiwili kang suotin 'yan." Sabi niya sabay upo. Naiwanan naman akong nakahiga sa kama.
"Akala ko naman may gagawin ka na sa akin, sayang bibigay na ako." Mahina kong sabi na siya niyang ikinatingin sa akin. Narinig niya pala 'yon. Tinitigan niya ako sabay napakagat labi siya. "'Wag mong intindihin 'yong sinabi ko, kumain ka lang nang kumain."
Hanggang sa hinanda ko 'yong mga pagkain sa lamesa. "Hubby, hindi ka na galit sa akin?" Hindi ulit siya kumibo. "Hubby, iiyak na ako. Miss ko na 'yong lambing mo sa umaga. Sorry na." Pagkasabi ko no'n tumingin na siya sa akin.
"May tatlo akong kundisyon. If you say yes ng walang reklamo papansinin na kita." Magkatitigan kaming dalawa. Hala, may gano'n pa talaga?
"A-Ano 'yon?"
"Say yes first."
No choice ako kaysa naman hindi niya ako pansinin. "Okay. Yes."
"Una, hindi ka makikipaglaban ng hindi ako kasama. Pangalawa, ayoko ng babanggitin mo yung words na binanggit mo kahapon. Pangatlo, sabay tayong maliligo ngayon. Naiintindihan mo?"
Napanganga ako. Para kasing mas kinabahan ako ro'n sa huling condition niya. Awkward akong ngumiti sa kanya. "Makakatanggi pa ba ako~"
Matapos naming kumain nagpahinga lang kami ng kaonti tapos naligo na kami ng sabay. Mabuti nalang wala siyang kahit anong ginawa sa akin do'n.
Matapos ang ilang minuto ng pag-aayos paalis na kami. "Let's go." Aniya sabay bitbit sa bag naming dalawa. Yung sa kanya backpack at 'yong sa akin shoulder bag. Nakahawak lang ako sa braso niya habang naglalakad kami pababa ng hagdan.
Pagbaba namin nagulat kami nang makita namin si Russel na nasa sala at nakasuot din ng uniform ng katulad sa amin. "Anong trip 'yan?" Tanong ni Hubby sa kanya nang makalapit kami sa kinauupuan niya.
"No choice, niyaya rin ako ng mga Prince. Tutal na miss ko rin ang mag-aral kaya ito." Ang cool niyang tignan sa suot niyang uniform. Pero mas cool si Hubby. Loyal ako sa kanya e.
"Ano namang course ang kinuha mo?" Ani Hubby.
"Engineering. Yung chemical."
"Aww, sakit sa panga niyan, Insan."
Ang sakit sa bangs no'n, engineering ba naman. Nakakaloka kaya ang math. Palibhasa ba naman kinuha namin ni Hubby Bussiness ad. (BSBA). Kasi nga 'di ba isa rin kami sa maghahandle ng mga bussiness na pamana ng mga magulang namin sa amin soon. Isa pa, magkaklase kami. Paalis na sana kami nang biglang palinga linga 'to si Hubby na akala mo may hinahanap.
"Nasaan si Kazu at Chloe?"
"Oo nga, nasaan na ba 'yong dalawang 'yon?" Singit ko naman. 'Yung magpinsan na 'yon talaga.
"Hindi sila umuwi. Alam n'yo na." Sagot ni Russel habang patuloy kami sa paglalakad palabas. Nasa gitna namin si Dazu at pareho naman kaming nasa gilid ni Russel.
"Kung gano'n magkakasama silang natulog sa condo nila Ayesha?" Muli kong tanong.
"Oo, pati si Chloe at Jenrick nando'n din."
Grabe, nagbabahay-bahayan na sila. Natawa si Hubby. "Sana nagpakasal nalang din sila." Aniya sabay iling.
"Sakay na tayo. Hinihintay na nila tayo ro'n." Hayag ni Russel.
"What do you mean?" Tanong naman ni Hubby sa kanya.
"Tayo nalang kulang. Nando'n na sila sa school kanina pa."
"Ang aga naman?" Sabay pasok namin sa loob ng sasakyan. Katulad kanina nasa gitna namin si Dazu. Hindi excited ang mga tropa namin. Ang aga nila ro'n e. At pati rin pala si Chloe nag-enroll na rin. Siguro si Jenrick 'yong dahilan.
Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
(Book 2) Written by MsjovjovdPanda 2016 All Rights Reserved 2nd Generation of KANG SERIES