Charm 36 ❀ Feelings

64.7K 1.3K 119
                                    

I still believe in destiny, that you and I were meant to be.

***

"It's... It's Kyle." O to the M to the G! Pano na si Bella? Natulala ako sa harapan ni Vien hindi ko alam kung nabigla lang ba ako ng sobra o hindi ko inaasahan iyon. Wait, paraheas lamang iyon. Basta. Si Kyle? As in si Kyle na may cute na dimples na gwapo? No way.

"Omy gosh? Omy gosh!" Hindi mapakaling wika ko. Napatitig ako kay Vien at nakayuko siya na mukhang kahit siya hindi din matanggap ang sinabi niya.

"I'm sorry. I'm sorry." Paulit ulit na sabi pa nito, saka ito tumingin sa mga mata ko. I can see a glint of sadness in there. Parang nakakapanlambot ang kalagayan niya ngayon. Alam kong hindi niya ito ginusto.

"Si Prince Kyle Clifford ba talaga? Iyong nanliligaw kay Bella?" I asked, habang umaasa na sasabihin niyang ibang Kyle. Ngunit, marahan siyang tumango sa akin.

"Ayisha, please help me. Hindi namin alam ni Kyle kung paano sasabihin sa barkada."  Nanlulumong pahayag niya.

"Pero, Vien hindi ba pwedeng huwag ka magpakasal?" Tanong ko, baka naman kasi may ibang solusyon ito.

"Kung may choice ba na pwedeng hindi ako magpakasal. Iyon pipiliin ko, but it's stated that to be a princess, sila ang kailangan pumili ng pakakasalan namin. Lahat ng Princess iyan ang sinusunod. It's a rule here in Charm World, no one dares to disobey that rule because you will be thrown in Umbra."

"Sila ang pumipili dahil para na din sa mas ikalalakas ng mga lands dito, para maging maganda ang kinabukasan. Oo, maganda naman iyong patakaran, pero ayoko nitong akin. Hindi puwede, masasaktan si Bella at Kyle parehas, ayoko maging kontrabida sa relasyon na namumuo sa kanila. Kung kailan umamin na si Kyle ng nararamdaman niya kay Bella saka pa naging ganito." Malungkot na sabi ni Vien. Parang bumigat ang loob ko dahil dito. Aish.

"Teka sa mga prince? Pipili din ba ng pakakasalan?" I queried curiously, kasi kung ganoon dapat pala mag-handa na din ako ng sarili ko dahil mukhang hindi ko na puwedeng magustuhan pa si Louie.

"Hindi, sa prince ang gagawin ay selection. Iyong parang paligsahan, iyon ang para sa nga prince. Sumali ka, kahit wala ding kasiguraduhan iyon. Pero malay mo, you're the elemental guardian puwede kang mapili." She said. I sighed. Ano ba iyan, mga problema bigla bigla na lamang sumusulpot.

"Huwag kang mag-alala matagal pa ang selection, sa ngayon, can you help me?" She inquired. I nodded my head eagerly, kahit naman hindi niya hingin ang tulong ko, gagawa pa din ako ng paraan para matulungan siya.

"Alright." I said while giving her a warm smile. As I ask, "Wala na ba talagang choice kundi si Kyle lang?" Baka kasi puwede pang mapalitan.

"Wala si Kyle kasi ang isa sa pinakamakapangyarihan na charmer. Kung may asawa ba si Kyle, hindi na nila iyon ipagpipilitan."  Vien stated gloomily.

"Kung may asawa ba si Kyle hindi na nila iyon ipagpipilitan." Noong sabihin niya iyon para akong nagakroon ng idea. Isang masama o sabihin na nating kalokohang idea. Pero, agad agad akong napa-iling, saka pa ako nakaisip ng ganito, kung kailan seryoso ang sitwasyon.

Napabuntong hininga na lamang ako, bahala na. Mama, papa tulungan niyo po sana si Vien. I thought silently. Matapos noon, hinila ko na si Vien pabalik sa bahay niya. Pagkadating na pagkadating namin doon sinalubong nila kami. "Guys, I need to tell you something." I stated seriously, mukhang nagtakha sila doon, ngunit hindi ko na iyon pinansin. Noong lumingon ako kay Vien nakita ko ang kaba sa muka niya, kaya ngumiti ako para iparating na magiging okay din ang lahat.

Naglakad ako papunta sa second floor balcony dito. Umupo ako sa upuan doon, mayroon namang table na pabilog doon at mga upuan kaya makakapag-usap kami ng maayos. Nag-si-upuan na din sila kahit clueless sila sa ginagawa ko. Tumabi sa akin si Louie at sa kabilang tabi ko ay si Vien.

My Enchanted TaleWhere stories live. Discover now