When we first met...
***
"Matagal mo ng alam na ako iyong nakilala mong bata noon?" Tanong ko sa kaniya. Tumango naman siya, kaya natahimik na lamang ako.
Nandito kami ngayon sa isang ice cream parlor, nakain ng ice cream. Medyo na-naiinis din ako ngayon, dahil nga naalala ko na, na nagkakilala na pala kami dati pa. May atraso pa itong mokong na ito. Siya pala iyong batang nang-iwan sa akin basta basta.
"Paano mo ako nakilala?" Tanong ko pa ulit, kasi kung nakilala niya na ako dati pa, bakit hindi siya nagpakilala sa akin? Hindi agad sumagot si Louie sa tanong ko dahil kumain muna siya ng ice cream.
"Tanda mo? Noong napagtripan ka noong first day mo dito? Noong ilaglag ka basta basta sa stage at nasambot kita? Doon kita nakilala, kasi ganun na ganun din iyong nangyari dati. Nasambot din kita noon bago ka malaglag." Agad akong napatango-tango dahil sa sinabi niya.
"Kaya pala alam mo full name ko noon." Pagsasalita ko. Nagtataka kasi ako dati noon kung paano niya alam ang full name ko gayong, Ayisha lang naman ang sinabi noong mind reader, akala ko naman may kung anong telepathy power ito, iyon pala kasi nakilala niya ako.
"Hindi ka pa din nagbabago, ang daldal mo pa din at duwag ka pa din." Agad akong napa-roll eyes dahil sa sinabi niya, saka ko siya binatukan.
"Para saan iyon?" Tanong niya dahil sa ginawa ko.
"Una, para sa pagsasabi mo na duwag ako, samantalang kanina sabi mo ang tapang tapang ko. Sa totoo lang? Pabago bago ng statement? Pangalawa, oo alam kong madaldal ako, pero nabawasan na kaya. Shy type ito 'no." Pagmamayabang ko pa sa kaniya. Feeling ko mas naging komportable ako sa kaniya, ganito ko din naman siya kausapin dati.
Dahil sa sinabi ko, ako naman ang nabatukan niya. Hindi iyon masakit o kaya'y malakas, kaya sinamaan ko lamang siya ng tingin, pero natawa lamang siya ng marahan. "Shy type? Huh. Nakikipaglokohan ka na." Napaka talaga nito, hindi na lang maki-sakay sa trip ko e. Joke lang naman iyon.
"Ay teka may sasabihin pa pala ako, at siyempre kung may una, pangalawa, may pangatlo. Ang pangatlong rason ay dahil iniwan mo ako na lang ako basta basta noon." Sabi ko sa kaniya then I snorted.
"Pft. Kung alam mo lang, hindi talaga kita iniwan noon." He countered. Napataas naman ako ng kilay doon. Hindi ako iniwan? Sus, iniwan niya kaya ako noon. Takot na takot pa naman ako nung gabing iyon. Loko-lokong bata kasi.
"Mga iniisip mo Ryleen. Hindi ako loko-loko. Lagi kaya kitang pinagmamasdan noon, ang ingay mo pa nga lagi." Natatawang sabi pa niya.
"Anong pinagsasabi mo dyan? Crystal clear kaya sa ala ala ko ngayon na iniwan mo na lang ako. Akala ko pa naman may pag-asang maging friends tayo. Tapos sabi mo hindi ka nakikipagkaibigan sa mga taong bobo." Asar na banggit ko pa sa kaniya.
"Bakit? Totoo naman ah. You are still an idiot after a long time." Pakiramdam ko uminit ang tenga ko sa inis dahil sa sinabi niya. Ang sama talaga ng ugali, ang lakas manlait.
Ang totoo nyan, nagalit talaga ako kay Louie noong bata pa kami, kasi nga nakikipagkaibigan ako sa kaniya noon tapos tinanggihan niya ako dahil ang 'idiot' ko daw, tapos bigla na lang akong iniwan basta basta.
Pero ngayon, ewan ko ba, wala naman akong nararamdaman na galit sa ginawa niya, parang simpleng inis lang at wala ng hihigit pa doon. Saka past is past, uso naman siguro mag-move on sa simpleng bagay na iyon at ang mahalaga ngayon, hindi man niya aminin na kaibigan niya ako, nararamdaman ko naman iyon ng sobra sobra, kahit pa talaga ang hangin at ang sama sama niya minsan.

YOU ARE READING
My Enchanted Tale
FantasyMY ENCHANTED TALE EDITING AND REVISING. "Ayisha Ryleen Heartlock a simple girl who dares to defy fate. Will she succeed and find her true happiness or will she suffer the pain of the consequences?"