Aking mahal, ako'y nagtatanong,
Tayo'y masaya naman sa loob ng mahabang panahon,
Ngunit bakit ako'y iniwan nang hindi inaasahan,
Ika'y agad na naglaho at sumama sa Kaitaasan.
Lahat ng ating pinagsamahan ay agad na naglaho,
Puno ng panghihinayang nang ika'y lumisan sa buhay ko,
Tadhanang kay sakim at kay lupit,
Buhay ko'y pinuno ng pighati't pait.
Sana'y masaya ka na sa iyong kinaroroonan,
Ako'y huwag alalahanin, ito'y aking malalagpasan,
Pangako sa iyo, ako'y muling ngingiti,
Aking makakalimutan ang iniindang pighati.

YOU ARE READING
Mga Natatanging Tula
PoetrySa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!