Tunay na kaibigang masasandalan,
Ako'y daramayan kung kinakailangan,
Laging nasa aking tabi,
Sa araw man ng kasiyahan o pighati.
Kasama ko sa bawat araw,
Kasabwat sa bawat kalokohan,
Nagsisilbing aking tanglaw,
Sa tuwing ako'y naguguluhan.
Kaibigang labis kong pinahahalagahan,
Bukod sa aking pamilya, siya'y nariyan,
Alam kong ako'y hindi iiwan kahit na ano'ng mangyari,
Dahil siya'y tunay at alam kong mananatili.
Lubos na ipinagpapasalamat ko,
Ang pagdating niya sa aking mundo,
Sa akin ay huwag nang babawiin,
Kaniyang pagkawala'y baka 'di ko kayanin.

YOU ARE READING
Mga Natatanging Tula
PoetrySa paggawa ng tula ako'y masaya, Tunay na ako ay naipapakita, Aking talento'y aking naibabahagi, Habang mga gawa ko'y kanilang pinupuri. © PLEASE DO NOT COPY WITHOUT THE AUTHOR'S CONSENT!