Part 25

1.4K 28 1
                                        

ISANG MALALIM na buntong-hininga ang pinakawalan ni Scylla habang naglalakad sa overpass. Dapit-hapon na naman. Sa tuwing makikita niya ang takip-silim, muling nananariwa ang sakit. Hindi niya makalimutan ang sakit maski isang buwan na ang nakakaraan magmula nang makumpirma niya ang tuluyang pagtalikod sa kanya ni Lathan.
Ah, kung tutuusin, siya naman itong nananakit sa kanyang sarili. Pwede namang hindi niya makita ang takip-silim. Pwedeng umuwi siya ng mas maaga o umuwi ng mas gabi na. Hindi niya rin kailangang maglakad sa lansangan dahil may sarili naman siyang sasakyan. Pero dahil isa siyang masokista, gusto pa rin niyang makita ang papalubog na araw at ang pagsabog ng dilim sa buong paligid.
Bakit? Dahil mas madaling alalahanin nalang ang alaala nila ni Lathan kesa kalimutan ang mga iyon.
Napahinto siya sa paglalakad at minasdan ang papalubog na haring araw sa kanluran. Ang haring araw na isa sa mga dahilan kung bakit limitado lang silang kung magkasama ni Lathan dahil hindi nito kayang tumagal sa maliwanag na sinag noon.
Napabuntong-hininga na naman siya habang nakatalungko sa maruming bakod ng overpass at nilalanghap ang polusyon ng buong siyudad. Maya-maya ay kinapa niya sa bulsa ng bag ang kanyang planner. Nakasipit roon ang isang manipis na notepad. Ang notepad ay ibinigay sa kanya ni Theron. Naglalaman iyon ng orasyon para raw tantanan na siya ng masasamang elemento mula sa kabilang dimensyon ng daigdig. Para raw maging safe ang paglabas niya sa gabi.
Kung naroroon si Lathan sa tabi niya, sigurado siyang gugustuhin rin nitong mailayo siya sa mga masasamang elemento. Pero maski matagal nang naibigay sa kanya ni Theron ang notepad ay hindi pa rin niya isinasagawa ang orasyon. Malamang kasi na maitaboy rin ng orasyon ang mga tulad ni Lathan. Hindi man masama ang mga ito pero kaanib pa rin ng dilim ang mga astral vampires.
Ayaw niyang mawalan ng koneksyon sa mga tulad ni Lathan. She still wanted to be connected with them even though they had no intentions of connecting with her. Ang mahalaga, bukas pa rin ang koneksyon niya sa mga tulad nito.
Sa sandaling isagawa niya ang orasyon, ibigsabihin rin noon na permanente na niyang isinasara ang koneksyon niya sa kabilang mundo. She will be protected but she will never be connected with them. At hindi pa niya magawang magdesisyon.
Muling tinanaw ni Scylla ang lumulubog nang araw. Umihip ang malamig at maruming hangin at nilipad ang ilang hibla ng alon-alon niyang buhok kasabay ng paglipad rin ng laylayan ng kanyang half-thigh length dress. Nagmukha lang siyang naka-corporate dahil pinatungan niya iyon ng ladies coat.
“Maybe it is about time to let go. Pero kaya ko ba, Lathan?” Pumatak ang ilang butil ng mga luha mula sa kanyang mga mata. Ayun na naman ang sakit sa loob ng kanyang puso. Akala niya, namatay na iyon. Pero bakit ganoon? Bakit nasasaktan pa rin ang puso niya? Wala na ba talagang katapusan ang sakit? “Pagod na pagod na akong maghintay. Oo, naghihintay pa din ako maski alam ko na wala na akong hinihintay. Ang tanga ko di ba?” pabulong na pagkausap niya sa lumulubog na araw.
“Miss na miss na kita.” Umagos na naman ang mga luha niya. “Bigyan mo naman ako ng sign kung dapat na ba akong huminto. Kasi ang sakit-sakit na.”
Hindi niya alam kung gaano katagal siya sa ganoon. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan niya pa gagawin iyon. Basta kasi maisipan niyang lumabas ng dapit-hapon ay nagco-commute nalang siya para makakapaglakad-lakad siya.
Nang magsawa na siya sa pagtunganga sa overpass ay ipinasya na niyang umuwi. Kailangan na niyang umuwi dahil baka mag-alala pa ang kapatid niya kung magtatagal pa siya roon. Mabuti nga at hindi siya isinumbong ni Theron sa kagagahan na ginawa niya nang gabi ng kasal ng kapatid.
And speaking of Theron, he was so persistent. Tinapat na niya ito na di niya alam kung kailan siya hihintong magmahal kay Lathan o kung posible pa iyon, pero hindi pa rin ito humihinto sa pagpapahiwatig sa kanya ng damdamin kaya sa huli ay pinabayaan nalang niya si Theron.
Tumunog ang cellphone ni Scylla bago pa man siya makasakay ng taxi pagkababa niya ng overpass. Sumakay muna siya bago hinagilap ang cellphone.
“Where the hell are you, Scylla? Kanina ka pa raw umalis ng office at iniwan mo na naman ang kotse mo. Saan ka ba talaga nagpupunta sa tuwing gagawin mo iyan?”
Napabuga siya ng hangin. Sinasabi na nga ba at napaparanoid na ang kapatid niya, maski kaunti pa lang siyang oras na nale-late pag-uwi.
“On the way na. I’m in a cab.”
“Okay.” Bumuntong-hininga ito. Tila na-relieve. “You take care ha? We’ll wait for you para sa dinner.”
Isa pa ang dinner issue na iyon.
“May I remind you na huwag mo nang lalagyan ng pampatulog ang pagkain ko kasi, I swear, hindi na ako nag-o-OBE. Maski itanong mo pa kay Theron.”
Pero siyempre, kasinungalingan iyon. Dahil sa opisina naman niya ginagawa ang mag-OBE. Matigas nga siguro ang ulo niya. Pero ano ba, nagmamahal lang siya. Nagmamahal at patuloy na umaasa.
Natuklasan niya ang ginagawa ng kapatid minsang palihim na nahuli niya ang paglalagay nito ng gamot sa inumin niya. Hindi niya ininom ang juice at hindi rin siya agad nakatulog. Nakumpirma niya na ang kapatid ang dahilan kung bakit noon ay madali siyang makatulog. Nagsawalang-kibo siya at inisip ang dahilan ng kapatid kung bakit ginagawa iyon hanggang isang umaga, pag-angat niya ng landline sa silid niya ay narinig niya sa extension phone mula sa ibaba na kausap ni Kuya Timothy si Theron at ang tungkol sa OBE ang pinag-uusapan.
So, alam na pala ng kapatid niya ang patungkol sa OBE. Hindi na siya mahihirapang ipaliwanag rito ang patungkol kay Lathan. Ang hindi niya lang alam ay kung bakit nito hinahadlangan ang pag-o-OBE niya.
“How did you know?” litong tanong nito.
“I caught you. Nagsawalang kibo lang ako.”
Bumuntong hininga si Kuya Timothy. “I am sorry. I just want to protect you. It is not safe to interlope with the other world. Lalo pa, may mga underworld creature ka na posibleng ma-encounter doon at-”
“Yeah, I know Kuya.” awat niya rito. “And I know my limitations. Don’t worry. Hindi ko na ginagawa iyon ngayon.” pagsisinungaling niya.
Hindi nagsalita ang kapatid. Alam niyang hindi ito lubos na naniniwala.
“Wala nang dahilan para gawin ko pa iyon.” dagdag pa niya.
“Ganoon mo ba siya kamahal para magsinungaling ka sa sarili mong kapatid?”
Nanlamig ang buong katawan ni Scylla. Kung ganoon, maski ang panakaw na oras niya sa office ay natutunugan rin nito?
Bumuntong-hininga ito. “Nagpalagay ako ng hidden camera sa nap room mo.” Tila paliwanag ng kanyang kapatid.
“Kuya…” Hindi tuloy malaman ni Scylla kung paano magpapalusot kay Kuya Timothy.
“All I want is for you to be happy. Oo, siguro nga masaya ka sa pagtawid mo sa kabilang mundo. Pero huwag mong asahan na hindi ako mag-aalala para sayo dahil mapanganib ang ginagawa mo.”
“Pero kaya akong protektahan ni Lathan, kuya. Naniniwala akong hindi niya ako pababayaan.”
Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanila ng kapatid. “Kung hindi ko lang nalaman na bampira si Lathan… baka…” Humugot na naman ito ng malalim na hininga. “…baka nagustuhan ko siya para sayo.”
“Ano ba ang kinakatakot mo kuya?” Inis na singhal niya sa kapatid. “Bampira siya, oo. Pero sa kabila ng katotohanang iyon, ni minsan, hindi niya ako pisikal na sinaktan. Dahil kung nangyari iyon, sana… sana wala na ako sa mundo, Kuya. Bakit hindi mo maintindihan na mahal niya ako. Mahal ko siya. Mahal namin ang isa’t-isa!”
Yun nga lang, sumuko na siya.
Hindi niya napigilan ang mapahagulhol. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na isinuko na siya ni Lathan.
“Stop crying, sweetheart. Alam mong ayoko nang umiiyak ka.”
“Kasalanan mo.”
“Sige na, umuwi ka na. Mag-usap tayo."

You'll also like

          

Bumuntong-hininga lang siya at nagpaalam.
Pagkauwi ay sumabay siya sa hapunan sa mag-asawa pero hindi na siya nakipagkwentuhan pa. Umakyat siya sa silid. Gusto na niyang magpahinga. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya maski wala naman siyang masyadong ginagawa sa trabaho.
Papahiga na si Scylla nang maalala ang maliit na notepad ni Theron. Kinuha niya iyon at ini-scan ang mga nakasulat. Maraming beses na inisip niya kung tama bang gamitin na niya iyon ngayon? Tuluyang mawawala ang koneksyon niya kay Lathan kapag ginawa niya iyon. Kaya ba niya?
Pero kung di niya gagawin, hanggang kailan niya pahihirapan ang sarili na umasa sa walang kasiguraduhan?
Tumayo siya at naghagilap ng lighter. Sabi naman ni Theron ay kopya lang iyon. May sarili itong kopya ng ganoong orasyon. Kaya, pwede niyang gawin ang kahit ano sa notepad.
Kung parating nasa kanya ang notepad ni Theron, parati siyang magdadalawang isip. Bakit kailangan niyang magdalawang? Wala namang pinakatamang desisyon kundi patuloy na magmahal. Dahil ang pagmamahal ay hindi naghihintay ng kapalit. Kundi naghihintay ng tamang panahon. Hindi man ngayon, siguro sa hinaharap. O sa kasunod na buhay.
Eksaktong nasunog niya ang notepad nang makarinig siya ng mahinang kaluskos mula sa balcony ng kanyang silid. Napatayo si Scylla. Hindi naka-lock ang sliding door ng balcony. Nakasanayan na niya iyon. Hinahayaan niya iyong ganoon dahil umaasa siya na isang gabi, dadaan roon si Lathan. Maski delikado, inihahayin niya ang pinto na iyon. Besides, para sa kanya, wala nang ibang mas nakakatakot sa karanasang wala sa kanya ang lalaking pinakamamahal.
Unti-unting bumukas ang pinto. Nakalatag ang blinds sa panel ng pinto bukod pa sa madilim sa balcony kaya hindi niya gaanong maaninaw ang bulto ng nasa labas. Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib. Pamilyar ang pagwawala ng kanyang puso. Alam niya, dumating na ang pinakahihintay niya.
“Nandito na siya.” nasambit niya.
Narito na si Lathan.
At nang sa wakas ay tuluyang iluwa ng pinto ang pinakaaabangan niya ay ganoon nalang ang tuwa niya. Hindi siya makapaniwala. Gusto niyang sampalin ang sarili. Baka nananaginip na naman siya.
“Lathan?” mahinang bulong niya sa hangin.
“Pasensiya na. Masyadong natagalan.”
Napakamot ito sa batok. Umagos naman ang masaganang luha sa kanyang pisngi. Narito si Lathan. Sa pisikal nitong katawan. At upang siguraduhin na hindi lang siya dinadaya ng paningin ay inabot niya ang gwapong mukha nito. Naramdaman niya ang malamig na temperatura nito. Nahahawakan niya ito, nakakausap. Sigurado rin siyang hindi siya nananaginip dahil papatulog pa nga lang siya.
Narito si Lathan at binalikan siya!
“Kinailangan ko pa kasing harapin ang sarili kong kaduwagan bago makapagdesisyon. Ayoko na na nasasaktan ka sa paurong-sulong ko kaya gusto kong kapag nagdesisyon ako, tama at kaya kong panindigan. Pero ang halos isang buwan na hindi ako makalapit sayo maski nasa astral form ako ay sapat na para mahanap ko ang tamang kasagutan. Hindi ko kaya na tuluyan kang iwan, Scylla. Para akong paulit-ulit na pinapatay. Paulit-ulit at walang katapusan. Ang mabuhay na wala ka, na talagang wala ka na at di na kita malalapitan, isa iyong walang katapusang parusa, Scylla. At ayoko nang parusahan ang sarili ko. Ayoko nang masaktan at ayokona ring saktan ka.”
Mabilis na itinapon ni Scylla ang sarili kay Lathan. Kung ganoon ay pareho sila ng pinagdadaanan ng mga panahong hindi nila kasama ang isa’t-isa? Akala pa naman niya ay tuluyan na siya nitong tinalikuran.
“Bakit kasi kailangan mo pa akong iwan? At bakit hindi ka kamo makalapit sa akin?”
Nagpalinga-linga ito sa paligid ng kanyang silid. Huminto ang mga mata ni Lathan sa isang ceramic base. Doon niya sinunog ang notepad ni Theron. Nilapitan nito iyon.
“Ito, ito ang dahilan.” Turo nito sa abo ng mga papel na sinunog niya.
“Ha?”
“Isinumpa ni Theron sa harapan ko na gagawa siya ng paraan para hindi na kita malapitan at hindi na kita maipahamak. Mabuti at sinunog mo na.”
“Teka, hindi ko pa naman nagagawa ang orasyon na iyan.” taliwas naman niya.
“Pero may spell siyang ginamit diyan. Hangga’t nasa pag-iingat mo iyan, hindi kita malalapitan o ng kahit na anong nilalang mula sa dilim. At kung ginawa mo ang orasyon, tuluyang mapuputol ang koneksyon natin sa isa’t-isa.”
Napasinghap siya. Maigi nalang pala na hindi niya ginawa. Tama ang desisyon niyang sunugin iyon.
“Pasensiya ka na kung kailangan kitang iwan. Gusto lang kitang protektahan. Aaminin kong parati akong pinanghihinaan ng loob sa tuwing ipapamukha ng magkaiba nating mundo na hindi tayo pwede. Na hindi tayo para sa isa’t-isa. Na parating may mapapahamak kung magpapatuloy ang ugnayan natin. At sa lahat ng pinakaiingatan kong mangyari ay mapahamak ka. Ilang beses na ba akong sumuko pero bumabalik pa din sayo? Tama si Theron. Sa paurong-sulong ko, hindi kita binibigyan ng katahimikan. Sinasaktan kita dahil paulit-ulit kang umaasa at nabibigo. Ganoon din naman ako Scylla. I’m sorry. Sorry na ginawa ko iyon. Pero this time, buo na ang desisyon ko. Babalik ako sayo at hindi na kita muling iiwan pa.”
Niyakap niya ng mahigpit si Lathan. “Hindi ako huminto sa pag-asang babalik ka. Na isang gabi ay makikita ulit kita, sa panaginip man o sa madilim na parte ng ka-Maynilaan. Napagod siguro akong maghintay, pero hindi ako sumuko. Namahinga lang ako. Nang magdesisyon akong sunugin ang notepad ni Theron, alam ko sa puso ko na tama ang ginawa ko. Hindi ko kayang putulin ang koneksyon nating dalawa. We will stay connected until the end. You and I, we will work all these things out together... sa mundo ko man o sa mundo mo. Besides, pwede naman tayong magsama kahit anong mundo pa ang piliin natin. I can give up my world just to be with you. Until the end.”
He smiled at her and kissed her forehead. “No. Hindi natin kailangang i-give up ang mundo ng isa’t-isa, Scylla. Marami naman tayong paraan para magkasama. Like now, pareho tayong nasa pisikal na katawan. We can always transform into astral form too. Hindi ba?” Sunod-sunod na nakangiting tumango si Scylla.“We will be connected until the end. And I will love you until forever.”
Agad na tumingkayad siya at ikinawit ang mga braso sa batok ni Lathan saka ito siniil ng marubdob na halik. Matagal din siyang nagtiis na hindi matikman ang masarap na halik na iyon. At tapos na ang paghihintay. Narito na ulit ito sa tabi niya at nangangakong hindi siya iiwan. At alam niyang gaano man kapanganib ang magkaibang mundo nila para sa isa’t-isa, malalagpasan nila iyon ng magkasama.

***



#GazchelaAerienne

Connected (Completed-Published)Where stories live. Discover now