“HE WAS a vampire, Scylla. Get away from him.” Mariing babala ni Theron sa kanya.
Sinadya pa siya ni Theron sa opisina niya kinabukasan. Tumawag ito kagabi para kamustahin siya at sinabi na kailangan nilang mag-usap. Ngunit dahil windang na windang pa siya ay di niya nagawang lumabas para kitain ito. Kaya minabuti niyang ipagpabukas nalang ang lahat. At hayun nga, maaga pa lamang ay naroroon na sa opisina niya si Theron, giving her the biggest news of her life.
“Vampire?”
Anong sinasabi nito? Oo nga at aware naman siyang kakaibang nilalang si Lathan pero hindi naman niya ito nakitaan na natakam sa dugo ng mga tao sa paligid nila. At sa tagal nilang magkasama ni Lathan kagabi, sana man lang ay nag-attempt iyon na sipsipin ang dugo niya.
But he loves you. Of course he won’t do that in you…
“Yes. He was an astral vampire. Naalala ko na. Kaya pala ganoon nalang naging alerto ang senses ko sa kanya. Dahil ilang beses ko na siyang nakita na sumalakay sa mga astral planes na napuntahan ko. Matagal na rin kasi noong huli kaya halos nakalimutan ko na. But last night, ang mukhang iyon na paulit-ulit kong iniisip kung saan ko nakita, bigla kong naalala.” Pagpapatuloy ni Theron. “Sabi mo, kaibigan mo siya. Paano nangyaring naging kaibigan mo ang isang astral vampire na tulad niya.”
Naipilig niya ang ulo dahil nalilito siya sa mga sinasabi ni Theron. “I don’t get it. Anong astral vampire?”
Ipinaliwanag ni Theron sa kanya ang pakahulugan nito sa astral vampire. Nangilabot siya sa mga narinig at halos ayaw niyang paniwalaan subalit ilang bagay ang pumasok sa isip niya para mabuksan ang kanyang kukote sa mga katotoohanang inilalatag ni Theron sa harapan niya.
That pale complexion of his. That gothic style of fashion. And that really cold body of him. Nasa human form nga ito ngunit wala ang aura ng buhay mula rito. Hindi niya iyon pinapansin habang magkausap sila kagabi ni Lathan dahil walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang sagutin nito ang mga tanong niya at ang punan ang pagkasabik na makita at makasama si Lathan. Sa dalawang beses na nagsanga ang mga landas nila, parati iyong gabi o madilim. Hindi pa ba sapat ang bagay na iyon? Isa pa, nakilala ito ni Theron. Ayun pa nga kay Theron ay tuwing nasa astral form lang ito nakakakain at madalas ay sa mga astral planes kung nasaan ang mga astral travelers.
Iyon ba ang dahilan kung bakit pinapahinto na siya ni Lathan na pasukin ang mundo nito? Dahil ayaw nitong malaman niya kung ano talaga ito?Pero kung ganoon nga, nang mahalin ba niya si Lathan, hindi pa niya alam kung anong uri ng nilalang ito?
Hindi. Imposible. Dahil kahit ngayon na alam na niya, hindi naman nabawasan ang damdamin niya para kay Lathan. Katunayan, nasasabik pa din siyang makita muli ang lalaki. Gusto niyang makita ulit si Lathan at balak niyang mag-astral travel mamayang gabi para makita ito. Maski binawalan na siya nito.
Dahil may pakiramdam siya na tototohanin ni Lathan ang sinabi na hindi na ito magpapakita o magpaparamdam sa kanya, hindi na siya mapakali. Kung kinakailangang ipahamak niya ang sarili para lang makita at makasama itong muli, gagawin niya. Hindi siya papayag na matapos nitong ipaalala ang damdamin niya para rito ay basta nalang siya nitong bibitawan.
“Theron…” untag niya sa mahabang pagpapaliwanag ni Theron. Bumaling ito sa kanya at hinintay ang sunod niyang sasabihin. “Si Lathan, siya ang nilalang na hinahanap ko sa other world.” Pag-amin niya rito.
“Ha?” Tila nagulat si Theron pero hindi na niya iyon pinansin. Nagpatuloy siya.
“Yes. Siya yun. Hindi ko maalala ang lahat ng patungkol sa kanya. Pero magmula nang magising ako mula sa pagka-coma, maski sa isip ko ay kompleto ang alaala ko, alam ko sa puso ko na may nakalimutan akong bahagi ng buhay ko. At ngayong nakita ko na si Lathan, nararamdaman ko na nasagot na ang bahagi ng damdamin ko na dati, pulos katanungan.”
“But that was crazy! Why would you look for that dangerous astral vampire? Hihigupin lang niya ang energy mo. He might be seeing you as one of his source of food. Ganun naman ang tingin ng mga astral vampires sa mga astral travelers na tulad natin.”
“Pero hindi naman nila tayo pinapatay. Nakiki-share lang sila sa energy natin.” Pagdepensa niya kay Lathan.
“But he was still a parasite.”
“Sabihin mo na ang gusto mong sabihin Theron pero hindi magbabago ang isip ko patungkol sa kanya. Ngayong nahanap ko na siya, alam ko na kung saan ko siya pupuntahan.”
Nahampas ni Theron ang ibabaw ng mesa sa pagitan nila. “Are you out of your mind? Hindi natin siya kauri. Mapapahamak ka kung susundan at lalapitan mo siya parati. Much better if you stop doing an OBE.”
Sumama ang timplada niya. Pati ba naman si Theron ay ipagbabawal na din sa kanya ang bagay na iyon.
“No! Hindi mo ako mapipigilan, Theron. Ngayon pa na alam ko na kung sino o ano ang hinahanap ko at natapos na ang mahaba kong paghahanap?”
Malalim na bumuntong-hininga si Theron. “Tell me, mahal mo ba ang bampirang iyon kaya ganyan ka nalang kabaliw sa paghahanap sa kanya?”
“His name is Lathan and yes, I love him. I love him so dearly.” Mabilis na sagot niya.
Kahit kailan ay hindi pa siya naging ganoon kasigurado sa buong buhay niya. Pero ang katanungang iyon patungkol kay Lathan na mabilis niyang nasagot, walang duda sa nararamdaman niya. Kesehadong mag-away sila ni Theron o awayin siya ng buong mundo dahil sa damdamin niya para kay Lathan ay wala siyang pakialam.
Malungkot na hinarap siya nito. Nakipagtagisan ng titig sa kanya. “Pero hindi kayo magkauri. Gagawin ka lang niyang pagkain niya.”
“Wala akong pakialam. At alam ko na hindi niya gagawin sa akin iyon!” giit naman niya.
“How could you say so?”
“Nararamdaman ko.” Buong katapatang sabi niya.
Alam niya at nararamdaman niya na hindi siya sasaktan ni Lathan. Nagtitiwala siya rito. At nakikita naman niya iyon. Kahit noong hindi pa ito nagpapakita sa kanya, noong hindi pa sila nagkakaharap at nagkakausap, wala itong ibang ginawa kundi protektahan siya. Kaya imposible ang sinasabi ni Theron.
“Magkaiba kayo ng mundo. Hindi ka kabilang sa mundo niya.”
Napabuntong-hininga nalang siya. Hindi talaga paaawat si Theron. Nauunawaan naman niya ito. Nag-aalala lang ito sa kanya. Maski naman kailan lang sila nagkakilala, naging magaan na ang loob nila sa isa’t-isa. Nakatagpo siya ng bagong kaibigan sa katauhan nito. Kaibigang hindi siya pagtatawanan o huhusgahan dahil sa kakaibang takbo ng isip niya.
“Kung minsan, sa mundong di tayo kabilang, doon natin mahahanap ang tunay na kaligayahan.”
Wala nang ibang sinabi si Theron. Alam niya na naunawaan na siya nito maski paano. Nauunawaan na nito kung bakit ganoon nalang siya ka-desperada na tahakin ang kabilang mundo. Dahil ang kaligayahang hinahanap niya ay di niya mahanap sa mundong ginagalawan niya ngayon. At hindi siya matatahimik na hindi makamit ang kaligayahang hinahanap, maski ano pa ang kapalit.
***
“YOU ARE not going anywhere, Scylla.”
Handa nang lumabas ng silid ang nasa astral form na si Scylla nang marinig ang tinig ni Lathan. Sa pagbaling niya ay nakita niya ang lalaki na prenteng nakaupo sa single couch roon sa loob ng kanyang silid. Base sa nakikita niya, nasa astral form rin ito ngayon. Hindi na rin niya ipinagtaka kung paanong sa isang iglap ay naroroon na ito sa loob ng silid niya. Astral vampire ito, she expects all the unexpected in him.
Nakangiting nilapitan niya ang nakatiim-bagang na si Lathan.
“So, you were here. Hindi na pala kita kailangang hanapin sa mga astral planes.” Malambing na saad niya.
Tumayo ito at sinalubong siya na madilim pa rin ang gwapong mukha. Pahaklit na inabot nito ang kanyang braso. “Why are you doing this, huh? Bakit ba ang tigas ng ulo mo?”
“Sinabi mo na lulubayan mo na ako. Na hindi ka na magpapakita sa akin o magpaparamdam man lang. Nagsinungaling ka.” Mahinahon ngunit gusto nang mag-alsa ng dibdib niya.
Bumuntong-hininga si Lathan saka siya pinakawalan. “Paano ko gagawin iyon kung hindi mo naman sinusunod ang payo ko?”
“Bakit ko susundin ang payo mo kung ang ibigsabihin noon ay hindi kita makikita at makakasama?”
“Nakalimutan mo na ang patungkol sa akin. Walang paraan para maalala mo iyon. Kaya bakit mo pa ginagawa ito? Bakit hindi ka nalang makontento at matahimik sa mundo mo?”
Sandali siyang nawalan ng imik. Bakit nga ba? Para lang ba ma-satisfy ang curiousity niya?
No.
Hindi. Alam niyang hindi iyon ang dahilan. May mas malalim na dahilan siya. Gusto niya itong parating makita at makasama. Sabi nga nito, mahal niya ito. At nararamdaman niyang tama ito. Mahal niya ito, sapat nang paliwanag iyon sa mga bagay na gusto at nararamdaman niya patungkol rito.
“I want happiness.” Matapos ang ilang sandali ay saad niya. “At wala sa mundo ko ang bagay na iyon. Nasa mundo mo. Sayo. Ikaw.” Napailing siya. “Hindi mo alam kung gaano ako kasaya nang magharap at magkausap na tayo, finally. Pakiramdam ko, nang mga sandaling hawakan mo ako, parang noon lang muling naibalik sa akin ang isang napakahalagang bagay na matagal na nawala sa akin. At hindi ako makakapayag na mawala ulit iyon, ang mawala ka ulit sa akin. Hindi na, Lathan. Kaya kahit anong masakit na salita ang ibato mo sa akin, kahit ipagtabuyan mo ako ng paulit-ulit, hindi ako hihinto sa pagsunod sayo, kahit saang dimensyon pa iyan ng mundo at kahit gaano pa iyan kapanganib.”
Unti-unti, nakita niya ang pagsuko mula sa bughaw na mga mata ni Lathan. Tila patunay iyon na tinatanggap na nito ang desisyon niya. Na wala na rin itong magagawa sa pagpupursige niya.
Lathan moved slowly and gentle grab her on her waist. She felt the familiar feeling of him near hers. Damdamin na kahit kanino ay di niya naramdaman. Kakaibang ligaya ang hatid ng pagkakadaiti ng mga astral bodies nila.
They were on their astral forms but the warmth made by each of their bodies bring an awesome sensation she never thought she would feel. Kakaibang kiliti ng sensasyon ang lumulukob sa kanya ngayon. At base sa reaksyong nakapaloob sa napakagwapong mukha ni Lathan, alam niyang pareho ng nararamdaman niya ang nararamdaman nito.
“You were just the same Scylla I met, three years ago. Persistent, brave and unstoppable. Kapag may naisip kang gawin, gagawin mo talaga. Not even afraid of what you might discover, and most of all, can’t be stopped once you decided to do such things. Kaya nga prinovoke nalang kita noon para bumalik ka na sa katawan mo. Dahil kung hindi ko gagawin iyon, hindi ka magdedesisyong bumalik na sa katawan mo. Ayoko nang pahirapan ka pa sa pagdedesisyon. I knew you were torned between coming back to your real life and being with me. Being with your brother and being with me.”
“Are you saying na nakilala kita when I was in state of coma?”
Tumango si Lathan. Napatanga nalang siya rito. So, that explains why she couldn’t remember him. Naalala niyang sinabi ng doctor niya, her psychologist, na ang mga na-comatose ay naglalakbay din ang kaluluwa. Hindi na nga lang iyon maaalala kapag nakabalik na iyon at naka-recover ang katawan.
Kaya pala sinabi ni Lathan na nakatadhanang makalimutan niya ito. Pero kahit nakalimutan ito ng isip niya, nag-iwan naman ng malaking espasyo sa puso niya si Lathan. Espasyo na dahilan kung bakit pakiramdam niya, hindi na siya buo. Dahilan kung bakit parati niyang nararamdaman na may kailangan siyang hanapin.
Napangiti si Scylla nang ma-realize ang isang bagay. At ang ngiti ay nagkaroon na ng tunog na ikinakunot naman ng noo ni Lathan.
“What was really funny, huh?”
Umiling-iling siya. “Wala. It just that… I never thought na sa kasagsagan ng krisis sa paghahabol ko sa aking buhay, nagawa pang lumandi ng puso ko.”
Oo na, ang corny ng pagkaka-deliver niya ng linya pero iyon ang lumabas sa mga bibig niya. At iyon rin naman ang totoong laman ng isip niya.
“Love came in unexpected time talaga, no?” dagdag pa niya.
Ngumiti si Lathan. “Hindi ko din alam na nag-eexist pala talaga iyon sa mga tulad ko. I mean, ang tagal ko nang nabuhay sa mundo at di ko naman naramdaman ito. Until you came. At binulabog mo ang natural na takbo ng buhay ko.”
“Pinagsisisihan mo ba na nakilala mo ako?”
Bilang tugon ay muli siyang hinapit ni Lathan sa kanyang bewang at siniil ng masarap nitong halik. Tulad nang dati, kakaibang sensasyon ang hatid noon sa kanyang kabuuan. Damdamin na maski yata sa pisikal niyang katauhan ay hindi niya mararamdaman o mararanasan. Kakaibang sarap ang dulot ng bawat paghagod ng mga labi nito sa kanya. Ang malamig na kamay ni Lathan, ngayon ay tila bumubuo ng sariling init habang humahaplos sa balat niya. Kakaibang sensasyon ang dulot noon habang malumanay at marahan ang paghagod sa kabuuan niya.
Napaungol si Scylla habang nagpapasasa sa masarap na halik na ibinibigay ng mga labi ni Lathan. Bumaba pa iyon sa kanyang leeg. Sunod-sunod na napasinghap siya. Until Lathan’s lips came to her earlobe. Marahang sumimsim iyon roon na halos magpabaliw sa kanyang kaibuturan. Parang nais niyang takasan ng ulirat sa ginagawa ng mga labi nito.
She couldn’t help but held her breath while enjoying every moves of his lips and hands on her astral body. Namalayan nalang niyang marahang humihimas ang isang kamay ni Lathan sa isa niyang umbok habang ang mga labi naman nito ay bumababa sa kabila. Mababaliw yata siya sa kakaibang sensasyong dulot nang ginagawa nito.
“Oh…” kumawala ang masasarap na ungol mula sa kanyang bibig.
May pakiramdam siya na tila lumulutang sila sa alapaap. Nang sandali siyang magmulat ng mga mata ay napatunayan niyang tama nga siya.
Nakapaibabaw na si Lathan sa kanya habang pareho silang nakalutang sa ere. They were floating without wearing even an under garments.
They were both naked!
Hindi niya alam kung paanong ganoon kabilis na nawala ang mga saplot sa kanilang astral bodies. But who cares? Napakasarap ng pakiramdam niya, napakagaan.
Longing and passion were on Lathan’s eyes as he gazed on hers.
“You were so beautiful, Scylla.”
And he was so gorgeous.
Aggressive, she snaked her arms around his nape and pulled him towards her and their lips met once more. Sunod-sunod na ungol na ang pinakawalan niya habang patuloy na nananalakay ang masasarap na labi nito. Sandali nitong inabandona ang mga labi niya at muli na namang bumaba sa mga dibdib niya. Nahigit ni Scylla ang hininga. She felt like something from her wanted to explode.
“Down, Lathan… Down…” ungot pa niya habang pinipigilan ang sarili na sumabog sa matinding pagnanasa.
Masunuring bumaba naman nga ang mga labi nito sa kanyang puson, ngunit hindi natapos roon. Inabot niya ang ulo ni Lathan. And guide him were to. His lips finaly found the center of her thighs. Napaungol siya. Mas malakas, mas masarap ang tunog ng mga ungol niya. She really love what he was doing… there.
“You were so sweet…” paanas na sabi nito as his lips were roaming around her body. Making wonders on it.
“I love you, Lathan…” tila nahihibang sa sensasyong hatid ng mga galaw ni Lathan na saad niya.
She was not speaking but her heart. She spokes up her heart out. Alam niyang hindi lang dahil sa masarap na idinudulot ni Lathan kaya niya nasambit ang mga kataga kundi dahil iyon naman talaga ang nilalaman ng kanyang puso.
“Mas mahal kita, Scylla.”
And Lathan’s lips sealed hers. Giving her the delicious sensation she knew she would never ever experience if it wouldn’t be coming from Lathan’s lips.
#GazchelaAerienne