Got7 17 - Kim

551 21 4
                                    

Got7 17 - Kim
Yugyeom

"Hyung sa pagkakaalam ko nagdisband na tayo bakit may schedule pa tayo?" Reklamo ko ng makita sa calendar na may performance pa kaming gagawin


"Ayaw mo ba yun? Hindi mo ba namiss magperform?" Bammy

"Eh wala na yung mga damit ko dati na pang perform. Si Momo na lagi ang nagsusuot"



Ng magdisband kami ay hiningi ni Momo ang ibang practice clothes ko. At karamihan sa mga nakuha niya ay mga sweatshirts na ginamit ko sa performance dati.


Naalala ko pa isang beses ng lumabas ang issue na may relasyon kami ni Momo. Siraulo kasi nagpicture ba naman ng suot ang damit ko at ipost sa sns. Wala naman kaming nagawa kung hindi umamin na lang

 Wala naman kaming nagawa kung hindi umamin na lang

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.


"Iba namang damit ang isusuot eh. Nagpagawa na kami kay Kassi" JB hyung


"So anong ipeperform natin?" Youngjae


"This love ng Shinhwa" Mark hyung


"Wow dabest yun!" Jackson hyung


"Ito yung lyrics ng kanta at nakahighlight na dyan ang mga parts niyo. Magrerecord tayo bukas so ayusin niyo yan at practice-in niyo. At tungkol naman sa radio guesting natin sa isang araw, may photoshoot muna sa umaga tapos sa gabi ang radio" Discuss ni JB hyung sa amin



May photoshoot muna kami bago ang guesting sa gabi. Ano ba yan pakiramdam ko tuloy idol pa rin ako sa sobrang daming schedule eh


"Wag ka mag-alala susubukan ko sumunod bukas sa check up mo ha?" Panglalambing ko kay Momo na nagiinarte nanaman dahil hindi ko siya masasamahan bukas




"Usapan na natin na sasamahan mo ako eh! Saka kaya nga ako umalis sa Twice para sa pamilya natin diba? Oppa!" Nagpapapadyak pa ito sa harapan ko na alam ko hindi niya gagawin kung hindi siya buntis


"Kain na lang tayo ng rice cakes ha? Bibigyan din kita ng pera bukas tapos magshopping kayo nila Dahyun ha? Wag ka na mainis sa akin" Hinalikan ko lang ito sa noo at pinatulog na siya




Second time na ni Momo na magbubuntis at sobrang saya kapag buntis siya. Para kasi itong bata kaya ako lagi ang nasusunod. Aba boss ako!




"Oppa pwede ba sunduin natin si Yuri bukas? Namimiss ko na siya eh" Si Yuri ang panganay namin ni Momo at nasa Japan siya kasama ng magulang ni Momo



"Ano ka ba Momo nasa Japan si Yuri. Hayaan mo susunduin natin siya sa susunod okay? Magpahinga ka na"




Ng makatulog si Momo ay inaral ko na ang lyrics ng irerecord namin bukas. Ng magdisband ang got7 ay nag-aral ako para may maipagmalaki naman ako sa mga magulang ni Momo. Ayaw kasi nila sa akin kaya nga nasa kanila si Yuri.



Tumulong rin ako sa JYP na mag-train ng mga dancing trainees para kahit paano ay may kinikita pa rin ako. Pero mukhang mahirap talagang pilitin na magustuhan ako ng magulang niya.



----
"Hyung buti hindi ka nahirapan sa mga magulang ni Mina?" Tanong ko kay Youngjae hyung habang hinihintay na magsimula ang recording



"Hindi naman ako nahirapan kasi mabait naman sila eh" Sagot ni hyung. "Bakit ayaw pa rin ba sayo ng magulang ni Momo?"



Hindi ako nakasagot at yumuko na lang. Ano pa bang kulang? Graduate na naman ako at may trabaho na. May sapat na pera na rin ako para buhayin si Momo, Yuri at ang magiging bago naming baby.




Tumingin sa akin si hyung at napanganga. "Seryoso ka dyan?" Napalunok pa ito ng ilang beses bago ako sinagot. "Aba walong taon mo ng nililigawan ang magulang ni Momo ha? At nabuntis mo na nga!"




"Ewan ko rin hyung eh. Napapaisip rin ako kung may mali ba sa akin"




"Bakit hindi mo kausapin ang magulang niya? Aba magkakaanak na uli kayo ni Momo at may karapatan kayo sa anak niyo"




Sinubukan kong mag-focus sa recording kahit na gusto ko na lumipad papuntang Japan para sa anak namin.




Sabihin niyo nga sakin, ano bang mali?




An
Poor Yugyeooom :(

Got7 7 Years After DisbandingWhere stories live. Discover now