Got7 1 - Tuan

1.1K 30 2
                                    

Got7 1 - Tuan
Kassandra Andrei Liu- Tuan

"Hoy Andrei anong ginagawa mo dyan sa kwarato ng noona mo?! Ikaw talagang bata ka!" Saway ko sa panganay ko na nahuli kong natutulog nanaman sa kwarto ni Areum

"Mommy miss na miss ko na si noona eh! Kailan ba siya babalik dito sa LA?" 14 years old na si Drei at 17 na si Areum. Dito pa rin siya nakatira kaso ng matapos ang school year na ito, bumalik ito sa Korea at duon na daw mag-aaral.

"Hindi na nga babalik si Areum dito ilang beses ko bang sinabi sayo yan? Naku ikaw talaga!"

"Mommy si Haddi oh!" Agad naman akong tumakbo pababa ng marinig ko ang sigaw ng isa sa mga bunso ko na si Haden

"What happened?!"

"Nothing mommy nagpapacute lang siya hihihi" nasabunutan ko ang sarili ko dahil sa sobrang pagod. Nasaan naman ba si Mark?!

"Haden, Haddi, go to your room na and take a bath. Susunod si mommy dun hahanapin lang si daddy" agad namang sumunod ang mga anak kong feeling duck sa kakapout at kakatikwas ng puwit nila

"Haden! Haddassa!" Saway ko sa mga ito ng makitang nagkakanya-kanyang twerk ito sa hagdan. Jusko naman bakit ba ang kukulit ng mga batang to?


"Sorry mommy!" napabuntong hininga na lang ako sa sobrang pagod

"Mark naman nakahilata ka nanaman dyan!" Sigaw ko ng mahuling nakatambay nanaman ang asawa ko sa may pool area at nagsusun-bathing.

"Baby masyado na akong maputla eh I need some tanned skin" sagot pa nito at nagpose na kala mo modelo

"Hoy Mark tumigil ka nga ng kakafierce mo dyan! Bumangon ka at maghugas ka ng plato dun! Sasapakin kita eh" tumayo na ako at pinabayaan itong mag-inaso sa labas.


Mga 9 na ng mapakain at mapatulog ko na ang mga bata. Si Drei ay ayaw magpapigil at sa kwarto nanaman ni Areum natulog. Nilockan pa ako ng pintuan para hindi ko siya maistorbo.

"Hayy kapagod" napahiga ako sa kama at napatitig sa kisame. Ilang taon na kaming ganito.

Si Mark ay ilang taon na ring hindi nagtatrabaho. Bakit? May sapat na pera pa naman daw siya para buhayin kami. Bumabawi lang daw siya sa mga panahon na hindi niya kami nakasama.

Ayos lang sana eh. Kaso nagbabalak kaming bumili ng bahay sa Korea at tiyak na mauubos ang ipon namin pareho. Paano na ang mga anak namin na nag-aaral na? Malaki rin naman ang kinikita kong pera sa negosyo ko pero iba pa rin pag dalawa kami ni Mark na nagtatrabaho.


"Nai-stress ka na ba? Gusto mo bang magbakasyon?" Suhestyon ng asawa kong nakalingkis nanaman sa akin na parang sawa

"Hmmm saan naman?"

"Sa Korea! Bisitahin natin sila sa Korea. Alam kong namimiss na rin ng mga bata ang mga kalaro nila"

"Titingin na rin ba tayo ng bahay sa Korea?"

"Baby pwede bang wag na muna tayo bumili ng bahay? Wag ka mag-alala pag nagkatrabaho na kami, bibili talaga tayo ng bahay! Kahit mansion pa!"

"Hmm sige. Basta promise yan baby ha?" tinignan ko ito at nginitian

"Promise" sagot din nito at ngumiti.

Got7 7 Years After DisbandingWhere stories live. Discover now