Kabanata 22

50.5K 1.4K 26
                                    

|Chantal Leigh POV|

         He's a married man for Pete's sake, Chantal! biglang kastigo ng isang bahagi ng isip ko. Bigla naman akong natauhan. Mabilis kong inipon ang lahat ng aking lakas at tinulak siya. Dahil sa hindi niya inaasahan, napaatras siya at mabilis naman akong umalis sa kinatatayuan ko palayo sa kanya. Marahas na paghinga ang ginawad nito bago humarap sa akin na ngayon, dalawang metro na ang layo sa kanya. 

Tumitig lang ito sa akin at hindi ko parin mabasa ang tinatakbo ng isip niya. "I'm sorry, I shouldn't kiss you,.." huminga ito ng malalim ulit saka napabuga ng hangin. "but I'm not really sorry for kissing you. I miss you so much, Leigh." Mas lalong sumikdo ang dibdib ko ng marinig ko ang deklarasyon niya. Napakasincere nito.

My jaws involuntarily clenched. Anong gusto niyang palabasin? Na maging kabit ako? "I told you I have a boyfriend, Tristan and you are a married man!" I reminded him. Ang kanina'y sakit na nakalarawan sa mga mata niya, biglang naglaho. Saka ito biglang humalakhak na lalong ipinagtaka ko kung anong nakakatawa sa sinabi ko. Ramdam na ramdam ko ang pagdidikit ng aking mga kilay.

"Anong nakakatawa?" inis kong tanong saka pinakrus ang kamay ko. Ng namatay ang malakas nitong tawa, umikot ito sa mahabang mesa niya saka naupo sa swivel chair niya.

Then, he leaned forward, propping his elbows on his desk and then clasp his hands, with his mesmerizing eyes trained on me. "Have you check on my fingers? Because that's what I did as soon as I saw you," nakangiting sabi nito. Pagkasabi palang niya, awtomatikong lumipad ang mga mata ko sa mga daliri niya. Wala nga itong singsing. "I'm not married. I can't just marry anyone, Leigh. I only want you to be the mother of my children," sinserong sabi nito.

Bigla naman akong natameme. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Kasi parang nablock na ang utak ko sa tindi ng tambol ng puso ko. Nakatitig lang ako sa kanya.

Ang sakit na akala ko hihilom sa panahong lilipas pero hindi pala. Andito parin sa puso ko ang sakit, hindi nagbago, sariwa parin. Parang kahapon lang. "You know I gave you chance to call me and explain everything, but you did not." Naguumpisa na namang nanubig ang mga mata ko ng maalala ko ang nangyari. "I even came to see you, para malaman mismo sa bibig mo kung wala na ba tayo, but you flew to the US, with ..." nanggigil na ako sa galit ng parang tubig na dumaloy sa aking isipan ang nangyari na siyang dahilan para umalis ako. "with Tamara." I grit out. Kumuyom ang mga kamao ko ng hindi ko nalalaman. Ang inis at galit sa dibdib ko, kinakain na ang buong sistema ko. 

"But I wasn't!" biglang protesta nito. Tumayo pa ito at namulsa pero ang mga mata hindi humihiwalay sa akin. "Pagkatapo ng party ko ng gabing iyon, nakilala ko ang step sister ko. Kapatid ko sa ina. Ang mommy ko, ay hindi pala ang inang kinalakihan ko. My mom were in California, grieving and in pain dahil sa pag-aakalang patay na ako." Pagpapaliwanag niya. Bigla naman akong nakaramdam ng awa sa kanya ng makita ko ang galit at sakit sa kanyang mga mata.

Hindi ko masyadong nakuha ang sinabi niya dahil nakatuon parin ang atensyon ko sa sinabi niyang hindi pa siya kasal. "I came back after a month, ang yes, I was a fool that I waited for that long, pero I was too eager to know who was my real mother. And knowing that she's dying, I can't waste any second to meet her. That's why I flew the next day with ate Donette. It took me a month before ako bumalik and you were gone. My life since then was dull and lifeless. Oo nga, parang ang saya-saya ko, parang kompleto ang buhay ko, but deep inside me, it's dead. When I realized I can't see you again, my heart died that moment." Tuloy-tuloy nitong sabi. Mas lalo tuloy akong nagugulumihan dahil ang matagal ko ng inasam-asam na paghihiganti ay wala palang silbi.

We were both a victim of an unfortunate circumstances. 

Still, he didn't do anything to find me. He knew I was in Brazil and my family were very well-known in Brazil, he could come anytime if he really does care! He knew where to find me, but he didn't. Thirteen years I've been dreading to get a revenge. Thirteen years torturing myself, suffering from our un-clear break-up. "You know where I am, Tristan, yet you didn't even care. You could have come to see me in Brazil if you really want to patch it up, instead, you let me go, completely." Gusto ko sanang patawarin siya, pero thirteen years, kung hindi pa ang meeting na ito, I wouldn't see him. I wouldn't know what really happened. Wala talagang itlog ang talinpadas na ito.

The Devil's Angel |Montoya Series 1|Where stories live. Discover now