About
The Malitangtang Bridge, in Cantilan, Surigao del Sur, is said to be the home of many unknown beings. Well, its just an urban legend.
Actually, even those person who had been there once, give respect to the bridge for unknown reason. When you see it personally, you'll just think it was a simple bridge, but behind the innocence of the structure, there lies the stories of the unknown. Some people are scared passing through the bridge. They are worried of what might suddenly appear in front of them.
Engkantos are very mysterious being. They will curse you once you done something unpleasing for them. They are unpredictable! You'll find them beautiful as you see them, but they're actually wearing a mask hiding something.
Malitangtang Bridge is far different to Biringan City in terms of engkanto manifestations. Although the two are similar in some aspects - example: being the passage way to another world, Malitangtang Bridge is real and you can even set foot on the place, unlike Biringan which is completely invisible.
Stories
[From an Interview:]
Umaga ng oras na iyon, halos wala pang liwanag sa kalangitan. Naisipan ni Mang Narding (hindi niya tunay na pangalan) na ibyahe na ang jeep niya sa rutang galing Cantilan papuntang Parang. Habang binabaybay niya ang daan, nagkaroon siya ng apat na pasahero. Normal pa naman noong hindi pa nila nadadaanan o nararating ang Malitangtang Bridge. Yung iba sa mga pasahero ay natulog muna, yung iba naman ay nakatingin lamang sa labas ng bintana.
Patuloy sa pagmamaneho si Mang Narding ng may bigla siyang napansing misteryoso sa mga pasahero. Sa oras na iyon, lumagpas na sila sa tulay ng Malitangtang. Napansin niyang parang may dumagdag sa mga pasahero niya, ni hindi nga siya tumigil para magpasakay ng isang tao. Basta na lang may dumagdag na isa.
Lima na ang kanyang mga pasahero sa jeep noong oras na iyon. Hindi siya kumibo, marahil dahil sa kaba at takot. Tinitingnan niya kung sino ang dumagdag sa kanila. Habang inisa-isa niya ng tingin ang kanyang mga pasahero, napansin niya ang isang magandang babae. Maputi at mahaba ang buhok. Tinitigan niya ang babaeng ito, ngunit sa kanyang pagtitig, may nahalata siyang isang bagay. Wala siyang guhit sa ilalim ng ilong. Hindi lang siya kumibo kahit pinagpapawisan na siya sa takot. Biglang nagsalita ang babae, "Manong, ibaba niyo na lang ako sa isang tabi." Tinuro ng babae ang lugar na pagbababaan niya. Noong makababa na siya, sinilip ni Mang Narding ang babae kung saan siya pumunta, ngunit hindi niya ito nakita na. Humarurot na siya ng takbo ng jeep.
[From an Interview:]
Mayroong magkakaibigang nakasakay sa motor. Galing sila sa Silop (isang swimming pool resort) at pauwi na sila sa Cantilan. Habang binabaybay nila ang Malitangtang Bridge, may nasagasaan silang isang matandang lalaki. Ni hindi nila nakitang may isang tao sa harap nila. Waring biglang may lumitaw sa harap nila mismo. Tumigil sila para saklolohan ang matanda, ngunit laking gulat nila. Tumayo ito na parang walang nangyari, naglinis lang ng kanyang damit sa mga alikabok na dumikit.
"Lolo, baka gusto niyo pong dalhin namin kayo sa ospital? Para mapacheck-up ka namin." Sabi nang isa habang inaalalayan ang matanda.
"Wag na mga iho. Hindi kasi kayo nagdahan-dahan eh." Sabi na matanda.
Naglakad ang matanda patungo sa isang bahay. Sinundan nila ng tingin. Ngunit sa awa na rin, pinuntahan nila ang bahay para alukin ang matandang magpaospital. Pagdating sa bahay, nagulat sila ng tanungin ang may bahay kung naroon ang matanda. Ang sinagot lang sa kanila, walang matanda roon.
Kumaripas sila ng takbo patungo sa motor nila, at diretsong umuwi.
There is another story similar to these, but they said it was an old lady, not an old man.
[From an Interview:]
Noong nagkakabit ng linya ng kuryente ang grupo ng isang engineer, napanaginipan niyang sinabihan siyang wag niyang itutuloy sa lugar nila dahil madadaanan ang kanilang lugar. Dapat ay ilihis nila ito ng ibang direksyon. Ngunit hindi siya nakinig, ipinagpatuloy nila ang kanilang balak na direksyon. Kinaumagahan, nadatnan na lang nila ang isang buong pulupot ng kuryente na nakapulupot sa isang poste ng kuryente. Imposible iyon na gawin ng isang tao, dahil ang wire ng kuryente ay kasing laki ng braso ng isang tao. At sa sobrang haba at bigat niyon, paanong napulupot niya iyong mag-isa. Marahil kagagawan iyon ng mga engkanto roon. Dahil doon, pagkatapos nilang tanggalin ang pagkapulupot, nilipat nila ng direksyon ang linya ng kuryente.
pang kwento ay tungkol sa pag-aayos ng tulay. Napanaginipan naman ng in-charge na engineer kung paano dapat ito gawin. Sabi sa panaginip ng engineer, dapat taasan ang tulay para hindi sumanggi ang barko nila, sa tuwing dadaan sila sa ilog.
Other Infos
The mountain near the Malitangtang Bridge is said to be the dwelling place of the engkantos (not the bridge itself) who only appear on the bridge. Some people saw cocoa trees on the top of the mountain. No one owns those plants. So who planted those trees? No body knows. I remember the story of Maria Cacao in this one.
Another strange thing connected to the bridge is the river under it. It was said that the river was endless. No one knows the end as well as the starting point.

ESTÁS LEYENDO
Urban Legends
De TodoIm sharing these Urban Legends with you. These are NOT MINE. :) Credit goes to the Rightful owner. Cover Photos by : xhinitoprinz IAmMissImperfectLady