Dedicated to: hunnydew
Hunnydew (not her real name) made 13 works and has been member of Wattpad 3 years ago. She is good in writing romance and one of her best story was the "HAT BABE" published under LIB Creatives. She also had her self-published book entitled "The Match" (A short Story).
***
Paano mo nga ba iha-handle ang dakila mong haters, ang napaka-demanding mong readers at ang sobrang tabil na dila ng inyong mga critiques? Well ito ay ang aking mga nabasa mula sa kanyang pananaw o opinyon na maaaring makatulong din sa inyo kung sakaling naka-encounter na kayo ng mga ganitong klase ng tao.
DEMANDING READERS.
Unang-una, dapat kang magpasalamat na may mga readers ka, demanding man yan o hindi. Dahil syempre, naglaan sila ng oras para tingnan at basahin ang ginawa mo. Effort yun dude kaya nararapat lamang na pasalamatan mo sila. Kung makaka-encounter ka ng demanding readers, basahin mo ang dine-demand nila at gawin mo ang gusto mong gawin. Either na papakinggan mo 'yung demands nila o kaya naman dededmahin mo lang na parang wala kang nakita o nabasang kahit na ano. Halimbawa na lang sa pag-a-update mo, kung nagrerekklamo sila dahil mabagal kang mag-update ng chapters, hayaan mo lang sila. Tiyak namang babalik at babalikan nila 'yun kung talagang nagustuhan nila. Hindi nila kailangan magdemand sa gawa mo dahil unang-una storya mo 'yan kaya diskarte mo kung paano iyan mapapaganda. Although kailangan natin ng mga readers pero hindi naman natin dapat i-please pa na basahin ang mga ginawa mo. Madami namang mga readers diyan na for sure ay magiging active readers mo. Hindi mo 'yun kawalan kung sakaling hindi na nila basahin ang stories mo. Kawalan nila kasi hindi na nila malalaman yung flow ng story na ginawa mo, diba?
'Wag kang ma-stress sa mga demands nila. Kung nakikita mong okay naman at para sa ikabubuti naman ng story mo, wala ding masama kung gagawin mo. Pero kung sobrang nagde-demand lang talaga, dedmahin mo na. Masarap magsulat ng walang iniisip na kung ano-ano mula sa ibang tao. Kaya go lang ng go! Sulat lang ng sulat!
HARSH CRITIQUES
Sabi nga nila, "Mabuti man o masama ang gawin mo sa ibang tao, may masasabi at masasabi sila sayong hindi maganda." Ganoon din sa pagsusulat, kahit gaano pa kaganda o kapanget ang mga stories na ginagawa mo, may magsasabi ng hindi maganda dito. So anong gagawin mo? Iiyak, magmumukmok o kaya naman ay magde-deactivate ng account sa Wattpad? 'Wag ganun! You're such an immature kapag ginawa mo 'yun. Sobrang childish! Ang dapat mong gawin ay close your eyes, calm your nerves, count from one to ten until your emotions subside then reflect on the critiques.
Lahat naman tayo gustong mapuri o maapprecitae 'yung mga bagay na ginagawa natin lalo na when it comes on writing the story. Pero hindi naman pwedeng ganun lagi. Sometimes you need critiques. Harsh man o hindi ang mga critiques nila sa story mo, makakatulong ito to improve your wwriting skills. Syempre sa una matataman yung pride, masasaktan at malulungkot ka dahil syempre pinaghirapan mo din 'yun ng ilang araw tapos lalaitin lang nila? Sino ba naman matutuwa. Pero normal lang 'yan! Wag ka munang defensive. Tingnan mo muna kung ang critiques ay troll lang o kaya naman may point din. Parang text lang 'yan, hindi mo alam ang sadya ng sender dahil nga walang emotions or feeling dun sa binasa mo. Madalas feeling natin na parang nakaka-offend dahil nga subjective ang nagiging response natin o interpretation dun sa message. Try to look for the other side, baka naman may point siya diba? Mas makakatulong 'yun para mapaganda mo pa lalo ang story mo lalo na kung hindi pa naman tapos at nagsisimula pa lang ang story mo. Mas magagamit mo siya on the other chapters. 'Wag natin gamitin lagi ang pagiging emotional dahil irrational 'yun madalas. Always have a learning attitude. Kawawa ka lang kung hindi. Hindi ka mag-go-grow! CHEER UP!
BASHERS/HATERS
Lahat naman dumadating sa puntong nagkakaroon ng mga haters or bashers. Pero parang Pilipino lang yung mga author na nagsasabi literally na "ayaw kong author si ganto o si ganyan" Nakakalungkot lang isipin na nabubuhay sila para mam-bash ng ibang tao.
Kailangan bang maghilahan pababa? Nakakalungkot lang dahil pinapairal nila ang kanilang crab mentality kesa sa bayanihan attitude ng Pinoy. Instead na magkaroon ng unity, nagsisiraan pa. Kadalasang nakaka-encounter nito ay mga sikat na writers/authors. I mean nakaka-encounter din ang ilan pero usually talaga kapag famous na personalities. Minsan below the belt na yung mga haters kung makapang-lait at wala na sa lugar kasi pati pagkatao ng author, sinisiraan na nila. Alam kong kanya-kanya tayo ng opinyon pero sana matutong lumugar. And I'm 100% sure na masakit iyon kung mismong mababasa ng author na pinapataamaan mismo. Minsan nga naka-tag pa talaga sa kanila as if na ang tapang tapang ng haters na 'yun!
Just in case na maging successfull writer ka at maging famous at nagkaroon na din ng madaming haters, 'wag niyong hayaang maapektuhan kayo ng mga pinagsusulat o pinagsasabi nila. Hindi nila kayo kilala. Kung meron mang nakakakilala ng TUNAY NA IKAW, yun ang pamilya at mga totoong kaibigan mo. Higit sa lahat, ay ang sarili mo. 'Wag niyong intindihin sila, opinyon nila yun at kung tinamaan kayo, saka kayo ma-mroblema. Normal lang na maka-encounter tayo ng haters at bashers. Tandaan na may dalawang side lang ang barya, either hahangaan ka ng mga readers o kaaayawan nila. You cannot please evryone kasi kahit nga si Jesus na gumawa ng kabutihan sa madlang pipol ay nagawa padin kutyain ng mga tao. Tayo pa kaya na mga ordinaryong tao lang diba? 'Wag kang ma-stress. Kung meron mang mga tao na sobrang nakaka-depressed dahil bina-bash ka, hayaan mo lang. ;Wag mong ipakitang nai-stress ka dahil pag pinansin mo, ikaw ang talo. Dont let them keep you down forever. Ipakita mong kahit ayaw nila sayo, magiging matagumpay kang writer. They dont shape your destiny. YOU WRITE YOUR OWN DESTINY!
At para sa mga haters... "MAIINIS KA LANG, PERO WALA KANG MAGAGAWA!"

YOU ARE READING
Read and Write
RandomMahilig ka bang mag-sulat? Mahilig ka bang humawak ng lapis at papel o di kaya naman ay mag-babad sa computer/laptop para isulat ang mga wala naman kasusta-sustansiyang bagay? Basta gusto mo lang mag-express ng nararamdaman mo, opinyon, saloobin, hu...