Rules in Writing a Mystery Genre

572 27 10
                                        

Ano nga bang pwedeng gawin para makabuo ka ng isang magandang Mystery story?

Ang mga ilan sa mga sumusunod ay aking nakalap sa mga batikang author na forte ang Mystery. Pero ang iba naman ay aking nakalap lang sa Google so PLEASE! 1 VOTE = 1 RESPECT. Hahaha :)) Eto na talaga guys. Sisimulan ko na :)


1. In mystery writing, plot is everything.

Ang pagbabasa ng mystery ay napaka-mapaglaro. Kailangan ng ibayong kaisipan at malawak na kaalaman para ganitong genre. Hindi naman siya katulad ng fantasy na kailangan talaga ng sobrang creativity at malawak na imahinasyon. Dito kasi sa genre na 'to, everything must be credible, reasonable and believable. Dapat kapani-paniwala. Dapat hindi mo hahayaang maging boring ang eksena. Kailangan, the more na tumaas ang chapter, the more na nagiging intense ang flow ng story.


2. Introduce both the detective and the culprit early on.

Sa story mo, dapat sa umpisa pa lang nailabas mo na ang bida syempre o kaya 'yung detective. Tapos as times goes by on your story, your readers must think kung sino ba ang culprit o yung may sala sa mga karumal-dumal na krimen na nangyayari. Madali nilang mahuhuli 'yun kapag na-feel nila na late na dumating ang antagonist na 'yun o kaya naman may something wrong or mysterious sa ginagawa 'nung character. Pero since you are the author, you have to think for a possible way pra mapaisip padin siya kung yun nga ba ang salarin o hindi. Play your story. Play your character and the plot as well.


3. Introduce the crime within the first three chapters of your mystery novel.

Dapat sa first three chapters pa lang ng story mo, may mga karumal-dumal na krimen na na nangyayari. Hindi man mismo sa bida pero dun sa mga taong nakapaligid sa kanya o sa mga lugar na napupuntahan niya. Kailangan mas marami ang crime scene since this is a mystery story. So before you write your story, think a lot of crime na pwede mong maipasok dito.


4. The crime should be sufficiently violent.

Since mystery ang ginagawa mong stories. Dapat kahindik-hindik ang krimen. Mas maganda sguro if that crime will be murder. Common pero may iba't ibang klase naman ng pagpatay so be creative padin. You have to describe every details para mas maging malinaw sa mga readers at ma-imagine tlga nila, how the crime happened. Pwede din namang rape, or whatever crime do you want. 


5. The crime should be believable.

Hindi maniniwala ang mga readers mo kung hindi mo gagawing realistic ang flow ng story mo especially the most awaited scene-- the crime. Kailangan kung paano mo na-describe 'yung mga characters mo sa story mo ng maayos, ganun din dpat sa krimen. Make sure na malinis ang pagkakagawa ng krimen para walang makikitang bakas ang mga readers mo na napaka-imposible o malabo o sa tingin nilang hindi related sa story ang nangyayari. Syempre para maging mysterious pa ang story mo at hindi agad mahuli ang culprit.


6. The detective should solve the case using only rational and scientific methods.

Syempre right after the crime scene, mag-iimbestiga na si detective. Gagamit yan ng kung ano-anong palaisipan o ideya na maaaring makatulong para malutas ang krimen. Ikaw bahala kung anong klaseng detective meron ka. Yung tipong mala-Detective Conan o tipong mala-detective na kalaban nila Lupin. Basta it's all end up on your decision as an author.


7. The culprit must be capable of committing the crime.

Dapat as an author, you must assure kung bakit ginagawa 'yun ng salarin. Ano bang dahilan kung bakit niya ginagawa iyon at anong pinagmulan kung bakit siya naging culprit. Most especially kung bakit niya balak tangkain ang bihay ng protagonist or 'nung bida. Kailangan naka-intact dito ang kanyang history pananaw, metally, emotionally and physically. Take note na hindi naman gagawa nang isang krimen ang culprit kung wala naman siyang mabigat na pinagdadaanan sa buhay.


8. In mystery writing, don't try to fool your reader.

Wag mong gawing tanga ang mga readers mo. Don't play with them! Don't make them fool. Syempre as you write you story, nag-iisip na din sila nang mga possibilities kung bakit at paano naganap ang krimen. And most of all, to know who is the culprit or the villain in the story. Kailangan mailabas mo lahat ng clues and possibilities na pwedeng mangyari sa krimen habang binabasa ng mga readers mo ang story. Malalaman nila iyon habang patuloy na ini-imbestigahan ng detective ang crime incident.


9. Do our research. Read and watch movies.

Kung wala kang masyadong kaalaman sa pag-gawa ng ganitong klase ng genre, mag-research ka muna. Magtingin tingin ka sa google ng mga Mystery books or Mystery movies para mas magkaroon ka ng malawak na kaisipan. Makakatulong din yun upang may madagdag sayong kaisipan na crime scene na pwede mong i-relate sa story mo. Take note, yo're not going to copy what you've watch or what you see. Just look it as your guide or as a pattern. Still, be creative and make your own style.


10. Wait as long as possible to reveal the culprit.

Katulad nga ng sinabi ko, the culprit must be found at out kapag matatapos na ang stories mo. Meaning to say, at least two or three chapters na lang ang natitira. Hayaan mo silang mainip kakahintay. As long as na maganda ang flow ng scene at ng crime, babalik-balikan nila ang story mo at mapapaisip talaga sila kung sino ang salarin. Kasi once na sa umpisa pa lang, or should I say, maaga mong binigay ang sagot kung sino ang murder, your readers will not continue reading your story anymore. Bakit? Nalaman na agad nila e! O di kaya naman, ang daling nahulaan sa mga scene. So dapat beware. Mag-ingat ka sa pagpa-plot ng story.


Dapat ang magiging reaksyon nila sa Mystery Story mo is something like this...

"Akala ko Siya ang Killer... HINDI PALA!"

Read and WriteWhere stories live. Discover now