IETHM 3

2.1K 124 2
                                    


" Hay mommy kung nandito lang sana si dad, para siya nalang magtutulak nitong cart" sabi ni ate na mukhang pagod na pagod na dahil sa kakatulak ng cart. 

" Kayo talaga! busy pa kasi daddy niyo at nandoon pa siya sa Baguio kaya tiis tiis lang muna guys okay?"sabi naman ni mommy. 

" Hmmp! wala naman kaming magagawa eh " I said habang tinutulak yung cart tig iisa kami ni ate nang cart na hawak. Masakit na rin ang paa ko sa kakatulak, hanggang ngayon eh hindi pa rin kami tapos dito.

"Sandy!"  may babaeng tumawag  kay mommy. Napatingin ako kay ate na parang ewan at hindi mapakali sa tabi ko ngayon. Ano nanaman ba ang nakita na ang nakita nito? 

" Ate bakit? anong nangyari sayo, para ka nang mahihimatay oh! " sabi mo sakanya. 

" Hindi mo ba kilala yung kausap ni mommy? " tanong niya saakin. 

" Hindi, pero familiar yung little girl na yun oh " sabi ko sabay turo sa cute na bata na kasama ng kausap ni mommy. 

" Tanga! yan yung mommy ni Darren at siya yung kapatid nito! I can't believe this magkakilala pala sila ni mommy, nakakaasr di man lang sinabi ni mommy saatin!" mahabang sabi niya. Well, wala naman akong masabi. Nagkibit balikat lang ako. 

At dahil hindi na mapigilan ni ate yung landi niya ay pumunta siya kina mommy. No choice kaya sumunod na rin ako sa kanila. 

" OMG! Lynelle! " Sabi ni ate nang makalapit siya kina mommy. Natigil naman yung pag uusap nila mom dahil sa umepal na si ate sa kanila. 

" Tita, pwede po pa picture?" walang hiyang tanong ni ate sa mommy ni Darren daw. Um-oo namnan siya kaya ayun si ate, hindi na pinatagal at nagpapicture na siya sa kapatid ni Darren. Walang hiya talaga siya. 

" By the way, Yanna si Tita Marinel mo pala"sabi ni mommy saakin. Agad naman akong lumapit sa kanya at bumeso. Ang ganda parin niya kahit na dalawa na ang anak niya. Mukhang mabait naman yung mommy ni Darren pero bakit siya ang sama ng ugali? Jusko, saan kaya siya nagmana? Malamang hindi sa parents niya hahaha.


" Ang gaganda ng mga anak mo mare, may pinagmanahan din!"natatawang sabi ni Tita Nel kay mommy. Nakatayo lang ako sa gilid nila. 

" Lynelle, meet Yanna little sister ko!" rinig kong sabi ni ate sa cute na bata kaya napatingin ako sa kanila. 

"Hi!" bati ko sa kanya at agad naman niya akong nginiti an. Ang cute! 

"Tita! Asaan po si Darren?" eto nanaman ang magaling kong ate! 

" Nako anak, nasa rehearsals siya ngayon para sa mall show niya" sabi ni Tita Nel kay ate. 

"Ay ganon po ba? sayang naman, di bale makikita ko naman siya next time diba po tita?" Se, humingi pa talaga ng next time tong ate ko! 

"Oo naman hija!" sagot ni tita sa kanya dahilan para ngumiti si ate ng sobra. Tsk! parang tanga lang. 

"Paano ba yan, kailangan na naming umalis" paalam ni Tita sa amin. Pagkatapos nilang mag usap ni Tita ay pumila na rin kami para magbayad. Nakakapagod talga mag groceries jusko!


"Mi,  andaya mo di mo sinabi friend mo pala yung mommy  ni Darren "sabi ni Ate ng pauwi na kami. 

" Sorry naman, di ko naman alam na fan ka pala ni Darren eh" sabi ni mommy at tumawa ng bahagya. 

" Okay lang yun mom, di ko naman siya idol eh, ang sama nga ng ugali nun!" sagot ko sa usapan nila ni ate. 

" Who? " tanong ni mommy saakin, hindi niya siguro alam na naiinis ako sa Darren na yun. 

" Si Darren yan mi for sure! Kulo ang dugo niyan kay Darren eh " pag sagot ni ate. 

" Llyanna what's wrong? gwapo naman si Darren ah tsaka mabait yun!"  sabi pa ni mommy saakin, so kinakampihan niya si ate? 

" Ayan na naman kayo eh, pinagkaka-isahan  niyo nanaman ako" na iinis na sabi ko sa kanila, ano bay naman yan!

" Sus, kilalanin mo kasi muna bago mo i-judge! " sabi ni mommy. Bahala sila jan!


Ano ba ang meron sa Darren na yun? Pati si mommy ba naman, bakit nila sinasayang yung oras nila sa kaka push ng sarili nila sa asungot na yun, eh pwede namang maghanap  ng iba. Tsk! ang pangit naman ng taste nila!

I'm Engaged To My Hater Where stories live. Discover now