Palimos po

64 5 3
                                        

                      Dahil umabot sa 200 yung reads, sabi ko kasi kay @justsimpleYRAM, kapag umabot nga ng 200 reads, gagawa ulit ako ng panibagong random thoughts. Kaya eto nanaman ako nagsusulat, hindi ko din kasi alam kung may mga nagbabasa ba talaga nito e. anyway, anyhow or anywho, masusulat padin ako kasi ito yung nakakapagpasaya sakin e.this is a free country I can do and say what I want. Freedom of speech. Ay ano na daw yung pinaglalaban ko? haha. Sabi ko din kay @TheInnocentAuthor na isusurprise ko siya. So here is my surprise to you :) hope you like it. Isang way ko din to para tulungan ang mga tao na makilala nila ang mga kagaya natin.

                        Okay, eto yung thoughts ko, actually madami kaya naguguluhan na ako kung ano baa ng isusulat ko kaya medyo sabaw nadin ata tong ginagawa ko ngayon pero kasi kanina, nagbabasa ako ng update ni Ms. AlesanaMarie. Well, lahat naman tayo kilala siya di ba? Sino baa ng hindi makakakilala sa kanya sa mundo ng wattpad? Siguro yung mga ibang lahi pero malay natin di ba? Anyway, eto kasi yun. Nagupdate siya kanina about dun sa book niya na dear ex-boyfriend. Nung pagkapost niya nun, parang 1 minute ago palang yung nakalagay sa newsfeed ko tapos binasa ko yun. Siempre mga 5 palang yung reads nun kasi maaga nung nagpost siya nung update. Pero nung pagkarefresh ko, biglang 1K+ reads na agad?!?!! LIKE WHAT THE HECK! O_O <- I was like this, with my shocked face. 1K? pucha, imba. Sorry for the word pero hayup sa galing yun ah. Ako nga yung isang libro ko na may 13 parts na sandamakmak ang dami nang words, inabot ng 3-5 months bago umabot ng 1.5K reads e, at hindi na umangat pa. e siya isang update at katiting na update boom! It was like…BANG! Parang yung nakita ko yung cover palang niya nun tapos nakasulat na parang SOON. Nabaliw na ata ako dahil umabot ng 50.8K reads  1.4K votes 309 comments, mapapasabi ka nalang ng…(sorry for the word) WHAT THE FUCK!?!?! e. hays…

                        Pero kahit na ganun, kahit na hindi nababasa at napapansin ang mga gawa ko ng ibang tao, okay lang, masaya padin ako kasi nailalabas at naisusulat ko ang mga nais kong malaman ng iilang tao. Pero siempre andun padin yun sana dumami yung reads nung gawa mo. Kahit nga reads nalang e, kahit hindi na votes at comments. Haha. Pero okay lang din talaga kahit hindi mabasa, ang akin lang ay yung may mapaglagyan ako ng mga gawa ko kaya ko pinopost dito. Malay mo, malay ko, mamaya makatulong pala tong mga walang kwenta kong ginagawa sa mga buhay buhay ng mga taong nakakapansin nito. :) Masaya ako kasi may pumapansin pa talaga nito. Alam niyo bang napapakilig niyo ako? ang bakla lang. haha. Pero seryoso, salamat po sa lahat ng nagbabasa nitong crappy works ko. hehehe.

                Syempre, hindi lang naman ako basta gumagawa ng random thoughts na walang kapupulutang aral. This is somehow like a “motivation”/ “motivator” message for everyone who is just like me or para sa mga baguhan palang sa larangan ng pagsusulat.

Una, wag kang magsulat para sa ibang tao…magsulat ka kasi yan ang gusto mo at yan ang nagpapasaya sayo.

Pangalawa, magsulat ka para makapagmotivate din ng ibang tao, I mean…paano ba…ahm, when you write something, make sure at the end of every page or end of the book, your readers will get something good out of your work. Parang may matutunan sila kahit papaano. Kunwari, share a quote na nakapagpainspire sayo, malay mo dahil dun mainspire din sila mula dun di ba? Malay mo lang naman.

Pangatlo, hayaan mo kung may pumansin ng gawa mo or wala basta ang mahalaga, at nakapagsulat ka at naging effective writer ka. Huwag kang mainggit sa ibang writer na sikat na, kaya din naman din sila naging sikat kasi nga nagpursigi sila at maganda ang mga gawa nila. So dapat, siguraduhin mong maayos din ang gawa mo. :) hindi lang basta post. Proof read din muna bago magpost.

Pangapat, Imahinasyon…isa sa mahalagang instrumento para makalikha ka ng magandang takbo ng kwento. Malilikot ang mga imahinasyon ang syang kayang makapagpahumaling sa ibang tao. Pero hindi lamang ito ang kailangan mo para makagawa ng magandang istorya. At ang pinakaguli at ang pinakamahalagang bagay sa pwede mong rason sa pagsusulat…

Panglima, WRITE WITH YOUR HEART IN IT. Kapag nagsusulat ka, isulat mo kung ano yung nararamdaman mo, isulat mo nang may puso. Puso lang ang nakakaramdam kaya yan ang gawin mong instrumento sa pagsusulat mo ng mga kwento o kahit ano pa man yan. Hindi ba’t nakaklihka tayo ng napakagandang kwento o bagay base sa nararamdaman natin. Kunwari masaya ka, write a happy thought about it. Kunwari kinikilig ka, edi ishare mo din yang kilig mo sa iba sa pamamagitan ng paggawa ng one shot love story. Kung bitter ka, edi ilabas mo lahat ng hugot mo sa pagsusulat ng move on quotes. Mga pakiramdam na pwede mong paghugutan upang makalikha ng napakagandang babasahin.

                Para sa mga nanglilimos ng votes, comments… hindi dapat ang mga bagay na yan ang hinihingi niyo, dapat ang blessings. Mas mahalaga ang blessing ng buhay kaysa sa awa at limos ng votes, comments at reads. Hayaan niyo na kung walang pumansin sa mga gawa natin basta ang mahalaga…

May panibagong buhay tayo kaya dapat MASAYA TAYO DAHIL MAY ISA AT BAGONG ARAW NANAMAN TAYO PARA MAKAPAGSULAT TAYO. 

***read their works, the ones i mentioned in my work. magaling din silang mga writer :)

Boredom Strikes AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon