rufaidaLumz
Lumaki si Hanna Pascual na walang yakap ng magulang, sa piling ng kanyang lola't lolo. Tahimik, pero sa likod ng katahimikan niya ay may tinig na gustong sumigaw-ng tanong, ng sakit, at ng pangarap na sana... hindi siya naiwan.
Habang lumalaki siya sa mundong puno ng kakulangan, matutuklasan niya na ang tunay na lakas ay hindi laging makikita sa ingay, kundi sa tahimik na pagbangon sa bawat umagang puno ng pangungulila.
Paano ka lalaban kung simula't sapul, kulang ka na?
May pag-asa pa bang buuin ang pusong matagal nang wasak?