(A/N): pag pasensyahan nyo na po kung pangit 'to. Kasi po, wala talaga ako sa mood ngayon, masakit yung puson ko ee. Hehehe, alam na.. xD
************************************
Adrian's Point of View
nasa Canada ako nung pinatawag ako ni wowa sa Thailand para daw pag-usapan namin yung tungkol sa fiancee ko. Napag-sunduan raw ng bestfriend ni wowa na two months from now, ma-meet ko na yung fiancee ko sa Pinas. Pero bago ko sya ma-meet pina-imbestigahan ko na sya, dahil gusto ko syang makilala muna bago pa 'ko magpakasal sa kanya.
Nalaman ko kung taga saan sya, saan sya nag-aaral. At pati na rin yung condo nya sa manila na pinasunog ng mamu nya at pinatira sya sa cebu. Nalaman ko rin ang pakay nya na gusto na nyang maging isang independent.
Nagulat nalang akong malaman ko yung isa pang pagkatao nya.
"And, ahm, sir Adrian, isa po syang Casanova Princess sa school nila."
"Paano?"
"Ayun po sa isang kaklase nila, di po raw sya ganyan noon."
"Bakit?? Anong dahilan at naging Casanova Princess sya?"
"Yun ay, di ko po alam sir. Pasensya na po kayo."
"Ahh I see. Okay, thank you Jason. Ahh, nga pala, next month, pupunta ako dyan. Para i-meet sya."
"Okay po sir. Hahanapan muna kita ng matitirhan mo dito."
"No need. May bahay naman kami dyan, kaya dun nalang din ako titira."
"Sige po sir."
"Okay. Hintayin mo nalang ang kasunod na ipagawa ko sa'yo."
"Okay sir. Bye."
tapos, ini-end call ko na.
Simula ng araw na yun, nacurious na ako sa pagkatao nya. Ano ba ang nangyari at nagkaganyan sya?
Pagkarating ko sa NAIA agad ko naman syang hinanap. Ako ang unang nakahanap sa kanya dahil mukhang may kakaiba sa titigan na namamagitan sa lalaking nasa harapan niya.
Kaya nilapitan ko sya, at yung babaeng katabi ni Anasthasiah ay nasa braso na ng lalaking katabi ko ngayon.
Unang kita ko palang sa kanya, kakaiba na ang nararamdaman ko. Bumilis ang pagtibok ng puso ko. Yung tipong hihiwalay ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.
Nagulat nalang ako ng bigla nya akong sinaway. Grabe talaga, di ko naman kasi akalain na ganito pala sya kaganda sa personal.
Sa picture pa lang nya, nagandahan na ako. Pero itong kaharap ko, ito na ata ang pinakamagandang babae sa buong mundo.
Di ko ginustong magpanggap na bading sa harap nya, pero naisip ko rin na kong magpanggap akong bading baka ito ang paraan para magkalapit kami sa isa't isa at malaman ko rin ang dahilan kong bakit sya naging Casanova Princess.
*lunes*
may alitan kami kahapon kaya, di nya gustong kaharap nya ako.
At ito ako ngayon, pinagmasdan ang mga kilos nya sa malayo.
Ngayon ko lang nakita ang kanyang other side. Totoo ngang isa syang Casanova Princess. Nakita ko kasi kaninang umaga na may kahalikan sya sa likod ng school, tapos sa loob naman ng classroom.
Grabe talaga sya, tapos pag sinaway naman sya ng ibang mga babae, tinatarayan nya.
"Ahmm, kilala mo ba sya?"
biglang tanong ng katabi ko.
"Ha? Sino?"
"Si Anasthasiah."

BINABASA MO ANG
Casanova's Tale 1: The Meeting ✔
Romance"Casanova Prince meets Playgirl Princess" Alyssa Anasthasiah Antonette Alberca is a Playgirl Princess meets Tyrstan Clifford Roosevelt a Casanova Prince. Discover how their world collide. How they enjoy the ride of their journey. And how they end u...