c. FIFTY

184 3 0
                                    

Trystan's Point of View 

2 weeks ng lumipas since nangyari yung bakasyon namin dun sa Cebu Westtown Lagoon. At bukas, na din ang huling araw ng pagkakagrounded ni Ana ko. 

At may surprise ako sa kanya. Na alam kong magugustuhan nya. 

Actually, kanina ko pa hinahanda ang lahat. At sa tingin ko, mukhang ready naman silang lahat para bukas. 


** 

Ito na. Ito na ang araw na pinakahinihintay ko. Sa wakas, ito na rin ang huling araw nang panliligaw ko sa kanya. Dahil nakakasiguro ako, na mapapasagot ko sya nito. 

Pinuntahan ko pa talaga si mamu sa bahay nila pero sinigurado ko pang tulog pa si Anasthasiah. 

"Good morning mamu." 

sabay halik ko sa pisngi nya. 

"Oh, good morning din hijo. Anong sadya mo? Aba, namiss kita ah, bakit di ka man lang nagpapakita sa akin?" 

si mamu talaga. 


"Naging busy po kasi ako lately. Sorry po. Sya nga po pala, nandito po ba si Anasthasiah?" 

syempre, di ko pinahalatang alam kong grounded sya. 

"Andun sa taas, tulog pa ata yun. Ano palang kailangan mo sa kanya." 

confident akong humarap kay mamu dahil alam kong di nya ako tatanggihan.

"Mamu, pwede ko po ba syang hiramin mamayang gabi?" 

nanlaki bigla ang mga mata ni mamu. Tss. Alam ko na kung anong iniisip nito e. 

"Haha, it's not what you think mamu. Ang dirty minded nyo talaga." 

pabiro pa akong hinampas ni mamu ng news paper. Parang bagets lang 'tong si mamu e. 

"Uy ikaw apo ah. Di naman. Oh, give me a reason kung bakit mo naman hiramin ang apo ko sa dis oras pa ng gabi? Yung valid ah?" 

okay, siguro. Okay lang naman magsinungaling kay mamu. Kahit ngayon lang. 

Pero ayokong magsinungaling. 

"Wag kang magsinungaling sa akin apo." 

pagbabanta pa nya. Bumuntong hininga pa talaga ako. 

"Hmm, ang totoo po kasi nyan mamu. Wag po kayong magagalit ah?" 

"Depende. Ano ba yun?" 

sasabihin ko ba talaga? 

"Kasi po mamu. G-gusto ko po kasi yung apo nyo." 

napayuko tuloy ako. Baka kasi di ako payagan. 

"Oh? Di ba may fiancé ka na?" 

"Yun na nga po e. Pero, yung apo nyo po kasi ang nagustuhan ko." 

naramdaman kong uminom muna ng kape si mamu. Nakayuko pa rin ako. Pumayag ka mamu please. 

"Alam mo, nakakatuwa talaga maglaro si tadhana." 

sa sinabi nya, agad akong napaangat ng tingin. Bakit naman? 

"Po?" 

ngumiti naman sya saka nagsalita. 

"Kasi, kahit anong pilit naming pagmanipula sa inyo. Nauuwi pa rin kayo sa isa't isa." 

hindi ko talaga naiintindihan ang sinabi ni mamu. 

"Ano po bang ibig nyong sabihin?" 

takang tanong ko sa kanya. 

"Alam naming mga bata pa lang kayo, gusto nyo na ang isa't isa, kahit hindi halata. Kahit hindi mo alam, lagi kung nakikita si Anasthasiah na laging nakatingin sa'yo mula sa malayo. At ganun ka din. Lagi mong hinahanap sa yaya nya si Anasthasiah. At alam mo namang magbestfriend kami nung lola mo at wowa ni Danica di ba?" 

uminom muna sya ng kape. 

"So, yun, naisipan naming lagyan naman ng 'agony' ang pagmamahalan nyo. Para mas masaya. Dahil alam naming tatlo na uuwi pa rin kayo sa totoong mahal nyo." 

dapat ba akong magalit? Dahil all this time, pinaglalaruan lang pala kami nila? Nag-away pa kami ng papa ko dahil dito? Naikuyom ko tuloy ang mga palad ko. Bakit ang sama nila? Sa tingin ba nila, nakakatuwa yung ginawa nila? 

"Wag kang magalit. Dahil pag magalit ka, sige ka, hindi mo makakasama si Anasthasiah mamayang gabi." 

so, okay na nga lang! Ang masaya nito, para sa akin talaga si Anasthasiah, ay hindi para kay Aj na yun. 

Ang saya ko! Akala ko kasi bawal ang relasyon namin. 

*** 

Gabi na at nandito na ako sa tapat ng bahay nina Ana ko. 

Masaya talaga ako ngayon. Lalong lalo na na yung first love ko at mahal ko ngayon ay iisa! Idagdag pa nating, kami pala talaga ang para sa isa't isa. 

Hindi nga talaga mahahawakan ang tadhana. Dahil, kahit anong gawin mong paglayo sa dalawang tao, sa huli, sila pa rin. 

"Hey, ano namang pakulo 'to?" 

sabi ni Ana ko na nakangiti. Ang ganda nya talaga. Bagay na bagay sa kanya yung dress na suot nya. Mukhang ngayon ko lang ata sya nakitang nagsuot ng ganyan? 

"Basta. Tara na?" 

** 

11:30 na pala ng gabi. At ngayon papunta kami ng Tops. Alam kong gusto nyang bumalik dito. Kaya ito, sinunod ko yung gusto nya. Maganda naman talaga ang ambiance ng lugar na yun. 

Bago nga pala kami pumunta dito, ay pumunta muna kami dun sa bar na lagi naming tinambayan. Namiss ko rin dun e. At alam kong ganun din sya. 

So, ngayon, talagang kinabahan ako. 

Ilang minuto nalang, mararating na namin ang Tops. Pinatulog ko muna sya, para may thrill naman, di ba? 

Alam kong masusurprisa talaga sya sa gagawin 'kong 'to. 

** 

Pinark ko na ang sasakyan at nilapitan naman ako nung nagbantay dun. 

"Handa na po ang lahat, sir." 

sabi nya na nginitian pa ako. 

"Maraming salamat." 

sinuklian ko rin sya ng ngiti. 

"I'm sure, magugustuhan po talaga ito ng mahal mo." 

yeah, nasisiguro ko din yun. 

*see yah! :)

Casanova's Tale 1: The Meeting ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon