Shane POV
Lumapit na kami ni Lance, Keith ako sa isa sa mga malaking cottage dito at naabutan namin ang iba na kumakain. Nandito na nga din si Katie at Sig eh.
"hey Shane come here. And kain na you--I forgot what's the tagalog for 'you'?" sabi ni Shane at nagtanon pa kay Sig.
"ikaw"
"ihkay" nahihirapang sabi ni Katie.
"ikaw" ulit ni Sig.
"ihkaw?"
"better" at ayon nagkulitan na ulit ang dalawa.
"ah sandali lang ha" sabi ko at tumalikod na.
"oy babes! Kain ka muna" sigaw ni Lance pero dineadma ko lang badtrip pa rin ako sa kanya eh.
Tumakbo na ako papunta sa bahay na tinutuluyan ni Nana Cristy. Naka hiwalay kasi yon dito sa mismong resort eh pero malapit lang naman. Binilisan ko ang pagtakbo pero nagulat ako ng matanaw ko si Kristof papunta sa bahay ni Nana.
Anong ginagawa dito ni Kristof. Hayy! Shane kausapin mo na kasi si Kristof. At hindi ko na nga napigilan ang sarili at lumapit na ako kay Kristof at sinabayan na sya sa paglalakad.
"hmm. S-san ka punta?" tanong ko ng hindi tumitingin sa kanya.
At mukha naman syang nagulat sa presensya ko. "Shane ikaw pala..hmm tatawagin ko sana si Nana Cristy para kumain" sagot nya at hindi rin nag abalang tingnan ako. Nakaka asar ha!
"hmm. Ganun ba? Bumalik ka na don sa cottage ako na ang susundo kay Nana Cristy" sabi ko at finally humarap na sa kanya.
Napakamot naman sya sa batok nya at ngumiti. "Samahan na kita"
Lumakas ang tibok ng puso ko ng ngumiti sya. Ito talaga ang epekto ng perpektong ngiti ni Kristof.
"ikaw bahala"
Tahimik kaming naglakad ni Kristof. Walang imikan at walang tinginan. Nakakabinging katahimikan. Awkward.
Pumasok kami sa loob ng bahay. Agad ko namang tinawagan si Nana.
"NANA CRISTYYY!!" sigaw ko pero wala pa ring tumutugon.
"baka naman may ginagawa..puntahan na natin sa loob" suggest ni Kristof.
"sige..tara!"
Pagpasok namin duiretso na kami sa kusina baka kasi nandon si Nana. At hindi nga kami nagkamali andun sya sa kusina at naka akyat sa lababo mukhang may inaabot sya sa taas ng cabinet.
"Naku Nana! Anong ginagawa nyo dyan? Bumaba na po kayo baka kayo malaglag" sigaw ko at inalalayan namin ni Krirtof si Nana pababa. Nag aalala ako kasi may katandaan na din kasi si Nana eh..baka mapahamak pa sya.
"Nana ano po bang ginagawa nyo sa taas??" tanong ni Kristof.
"ah kinukuha ko kasi yong dishwashing liquid don sa taas hindi ko maabot eh" sabi ni Nana.
"naku Nana Cristy ako na po ang kukuha nun...pero pumunta na po kayo sa cottage nakahanda na po ang pagkain dun" sabi ko.
"ah sige susunod na ako" sagot naman nya.
"no Nana. Mauna ka na dun susunod na lang kami ni Kristof kami na lang po ang kukuha nun dishwashing liquid don sa taas"
"sigurado kayo?" tanong ni Nana.
"opo!" sabay na sagot namin ni Kristof.
"oh sya sige..kayo na ang bahala dito ha. Uuna na ako sa inyo"
"sige po"
At naiwan nga kami ni Kristof dito at nagtinginan na lang kami.
"ako na lang ang kuktuha sa taas ng cabinet" sabi ko.

YOU ARE READING
Mission Against Love
Teen FictionWill they able to do their own mission if they will fall in love to each other?? Mission? or Love? ------ "Mission Against Love" by: emo_kesha This is my 2nd story. Hope you like it. Sorry for the typos and wrong grammar.