Shane POV
"eto nga pala ang tutuluyan nyo muna. Pumayag naman ang may ari nito kung may titira pansamantala" sabi ni Nana Cristy sa amin habang dinala kami dito sa mga rooms ng hotel.
"Nana Cristy thank you very much" sabi ni Katie kay Nana habang magkatabi kami.
"Oo nga Nana Cristy ang bait bait nyo po. Walang duda na mag ina kayo ni Babes. Ano nga babes? *wink*" at umakbay pa sa akin si Lance.
Agad ko naman syang siniko. Nag uumpisa na naman sya. At tinawanan nya lang ako. Baliw talaga ang lalaking to.
"ah yon ba? hindi talaga ako ang tunay na nanay ni Shane. Ulila na si Shane at ako na lang ang nagpalaki sa kanya" -Nana.
Ito ang plano namin. Mas mabuti ng hanggang dito na lang ang nalalaman nila.
At agad naman akong yumakap at humalik kay Nana. "kaya mahal na mahal kita Nana eh"
"tss. Lets stop this drama, so nasan na ang magiging room ko?" maarteng sabi ni Taghangin. Ang epal lang!
At isa isa na kaming hinatid ni Nana sa mga magiging room namin. Matapos namin silang maihatid sa mga magiging room nila agad kong kinausap si Nana Cristy.
"Nana Cristy salamat po talaga at pinagbigyan nyo po ako!"
"okay lang yon Azula este Shane pala haha. Nakakatuwa ka naman ang laki na ng pinagbago mo..tingnan mo dalagang dalaga ka na. Parang kelan lang nung buhay pa ang Mommy mo" at biglang nalungkot si Nana.
"oo nga Nana eh. Miss ko na si Mommy at kahit hindi ko alam kung ano ang dahilan ng pagkamatay ni Mom eh nandito ako para bigyan ng hustisya ang pagkawala nya"
"alam ba to ng Daddy mo?"
"actually Nana sya pa ang nagutos sa akin at nagplano ng lahat ng ito! Besides sya naman ang tunay na nakaka alam kung sino talaga ang pumatay kay Mom eh" sagot ko.
Parang namutla si Nana at tinanong ako. "y-yan ba ang sabi ng Daddy mo n-na pinatay ang Mommy mo?"
Nagtaka naman ako sa reaksyon ni Nana. "opo! Yon naman daw po talaga ang nangyari diba po? Kahit na hindi ko maalala ang pangyayaring yon."
"a-ah o-oo! Sige mauna na muna ako. Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka" sabi ni Nana at umalis na.
"sige po salamat ulit Nana"
Pumasok na ako sa magiging kwarto ko nagtataka ba kayo kung bakit hindi ko matandaan kung bakit namatay si Mommy? Kahit ako hindi ko alam wala akong matandaan sa mga nangyari 8 years ago. At kahit si Daddy ang sabi sa akin kaya daw ganun kasi na-trauma na ako.
Nawala ako sa iniisip ko ng may biglang kumatok sa pinto. Agad ko naman tong binuksan at nakita si Katie. Magkatapat nga lang pala kami ng kwarto.
"hi Shane" masiglang bati nya.
"oh Katie ikaw pala. Pasok ka. Naku pasensya ka na ha makalat pa hindi pa ako nakakapag ayos ng gamit ko" sabi ko sa kanya.
"its okay Shane. If you want I will help you to fix your things" sagot nya at naupo sa kama ko.
"Naku wag na. Kaya ko na to! Bakit ka nga pala napapunta dito may kailangan ka ba?" tanong ko.
"oh I just drop here to say thank you. Thank you Shane for bringing me here in your province. You know what this is my first time in province. Im just amuse with the scenery its all breathtakingly beautiful and I love the fresh air here unlike in Manila, you know." nakangiting pag kukwento nya.
Nasabi ko na ba sa inyong ang ganda ni Katie? At ang bait pa san ka pa. Kaya ang swerte naman ni Sig kung pupormahan nya si Katie.
"oo Katie ito ang gusto ko sa probinsya eh. Gusto mo bang ilibot kita dito?" ang nasabi ko na lang sa kanya.

BINABASA MO ANG
Mission Against Love
Teen FictionWill they able to do their own mission if they will fall in love to each other?? Mission? or Love? ------ "Mission Against Love" by: emo_kesha This is my 2nd story. Hope you like it. Sorry for the typos and wrong grammar.