My Tag 21

271K 4.7K 1.4K
                                    

My Tag 21

Sitti's POV

            "O? Saan ka na naman pupunta? Dito ang daan!"

          Biglang hinila ni Kaizer 'yung isang braso ko nang bigla na lang ako lumihis ng daan doon sa daan na pupuntahan namin.

          "Ayoko ngang puntahan 'yung unveiling-unveiling na 'yan eh! Ayokong makita ang mukha ko sa poster!"

          "Ano ka ba naman , TG! Halika na!" Sabi niya sabay hinila na naman 'yung kamay ko.        

          "Ang kulet mo rin ano? Sabi ng ayoko nga eh!" Sabi ko sabay bawi na naman doon sa kamay ko.

          Wala na akong pakialam kung pagtinginan pa kami ng mga schoolmates ko na wala ng ibang ginawa sa College life nila kundi pagtsimisan kami ni Kaizer Buenavista na prinsipe nila at wala na rin akong pakialam kung umaarte na ako na parang bata sa harapan ni yabang dahil sa kakulitan ko.

          Eh sa ayokong makita 'yung pagmumukha ko sa AD poster na iyon eh! Bakit ba hindi maintindihan ni Kaizer iyon huh? Bakit? Porque maganda siyang nilalang at ako hindi? Huh! For sure excited na naman siya na ipagyabang sa akin na ang gwapo-gwapo niya doon sa poster AD namin.

          Argh! Dapat kasi 'yung sa amin na lang ni MM 'yung ginamit nila eh! Bakit pa 'yung sa amin ni Kaizer! Nakakainis ka Patty! Bakit mo ginagawa sa akin 'to!

          "Pwede ba TG? Wag ng matigas ang ulo mo. Halika na. Mali-late na tayo sa opening ceremony."

          "Ayoko nga sabing pumunta eh!"

          Malas! Malas! Malas! Malas! Ang malas ng pagsisimula ng new semester ko sa Eastton! Third year na ako pero puro kamalasan pa rin ang mararanasan ko sa school na 'to?

          Please new semester, maging mabait ka naman sa akin at sunugin mo na lahat ng AD poster meron ang school namin. Nakakahiya makita ang mukha ko sa buong pader ng school!

          Lalo na 'yung sa billboard! Please lang! Idisintegrate niyo na ang bagay na iyon!

          Ayokong makita ang mukha ko sa poster! Waaaaah! Ayoko!

          "Isa! Kapag hindi ka pa umayos dyan, buhatin na talaga kita!"

          Bigla akong kinabahan doon sa pagbabanta ni Kaizer. Naalala ko tuloy 'yung ginawa niyang biglang pagbuhat sa akin noong nasa mall kami.

          Paano kung seryoso na nga siya doon sa sinasabi niya at buhatin na naman niya ko? Di magiging usap-usapan na naman ako ng mga tsimosa kong schoolmate dito? Di hindi na naman matatapos 'yung walang katapusan nilang pagbubulungan tungkol sa akin sa semester na ito?

          Waaah! Dapat talaga lumipat na ako noon pa lang eh!

          Napalingon-lingon ako sa paligid at lihim na binibilang 'yung mga nanunuod sa amin at saka palihim na rin akong nag-iisip kung paano ako makakatakas sa kamay ni Kaizer Buenavista.

          Biglang nagbrain blast 'yung utak ko nang parang nung kay Kimmy Neutron saka ako nakaisip ng isang brilliant idea.

          "Kaizer!" Sabi ko sabay turo ng daliri ko sa langit. "May alien! Yung spaceship ni Matteo Do!"

          "Huh?" Litong sabi ni Kaizer sabay lumingon at tumingin sa langit.

          Dahil doon sa ginawa niya, mabilis akong tumakbo palayo sa kanya habang busy siya doon sa spaceship ni Matteo Do.

Magugustuhan mo rin ang

          

          Hahahaha! Uto-uto pala iyong si yabang eh! Saka naniniwala din pala siya sa mga alien! Hahaha! Sinong baliw sa amin ngayon?

          Nung nakalayo na ako sa lugar ni Kaizer at nang makalayo na ako sa iba pang papasok na estudyante sa Eastton, bigla akong napatingin sa langit.

          Ano bang malay niyo di ba? Baka nga nasa langit ngayon 'yung spaceship ni Matteo Do.

          "Ahm... Excuse me."

          Biglang nawala sa langit 'yung atensyon ko saka ko hinanap 'yung nagmamay-ari ng boses na iyon.

          At sa paglingon ko, nakakita ako ng angel. Ay hindi! Ng dyosa pala! Ay hindi pa rin!

          Nakakita ako ng isang napakagandang babae.

          "B-Bakit po?"

          Muntik ko ng mabatukan ang sarili ko nang bigla akong mautal doon sa babae.

          Sino ba naman kasing hindi mauutal eh ang ganda talaga ni Ate na nasa harapan ko. Saka parang ngayon ko lang yata nakita 'yung mukha niya dito sa school namin.

          'Baka transferee.' Sa isip ko.

          "Alam mo ba kung saan 'yung registrar?" Tanong sa akin nung babae sabay napatingin doon sa papel na hawak niya na sa tingin ko ay 'yung schedule list niya. "Kanina pa kasi ako hanap ng hanap sa registrar pero hindi ko pa rin siya nahahanap."

          Sandali muna akong napatingin sa mukha nung babae na iyon saka ako mahinang sinampal 'yung pisngi ko.

          Grabe! Sobrang ganda talaga niya! Paniguradong magwawala na naman si Kris kung sakaling siya 'yung nasa katayuan ko at paniguradong mababatukan na naman siya ni Patty dahil doon sa pambababae niya sa unang araw ng bagong semester.

          "Pumasok ka lang sa main building tapos 'yung unang room sa kaliwa ang registar." Sabi ko sabay turo sa kanya ng main building namin.

          "Doon ba?" Tingin nung babae sa building bago niya binalik ang tingin niya sa mukha ko. "Salamat nga pala, Miss?"

          "Wag mo na akong tawaging, Miss!" Nahihiyang sabi ko sabay wagayway ng kamay ko sa harapan ko. "Ako nga pala si—"

          "FELICITY SANDOVAL!!!"

          Oh-oh. Boses ni yabang iyon ah!

          "Lagot ako." Sabi ko sabay harap ulit sa babae. "Sige Ate mamaya na lang. Pasok ka na lang dyan sa main building." Dagdag ko pa sabay tumakbo papalayo sa direksyon ng babae na iyon nang makita ko na 'yung mga fan girls ni Kaizer na pinagtuturo kung saan ako nagtatago.

          Ano ba namang simula ng araw 'to oo! Bakit ba hinahabol na naman ako ng mga babae ni Kaizer dito?

          Saka bakit ba ako tumatakbo? Parang may kasalanan lang ako sa kanila ah!

          Ah basta! Ayokong makita ang mukha ko doon sa AD poster na iyon! At hinding-hindi ako aattend sa opening ceremony na 'yan!

          Pero ang ganda talaga nung babae kanina huh?

          "Sino kaya 'yun?"

***

            Ito na ang araw na pinaka hindi ko inabangan talaga.

My Tag Boyfriend (Season 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon