My Tag 14
Sitti's POV
"Ano?! Bakasyon?!"
[Kailangan mo ba talagang sumigaw kapag kausap mo ko?]
"Paano ako di sisigaw eh bigla ka na lang nagyaya ng bakasyon." Sabi ko. "Wala akong pera!"
Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya. [Baliw ka. Wala kang babayaran. Libre iyon.]
"Paano naging libre ang bakasyon? Pamasahe nga sa jeep ng mga estudyante ginugulangan pa ng mga driver eh! Ito pa kayang bakasyon?"
[Huh?]
Teka! Ano bang pinagsasabi ko?
"Ah basta! Hindi ako sasama! Wala akong pera!"
[Sumama ka na. Kasama silang lahat.] Sabi niya sabay may narinig ako na kakaibang tunog. Siguro nagdabog siya o ano. [Pati 'yung Margaret na 'yun kasama.]
Kaya pala. Nagdabog nga siya. Alam niyo naman kung gaano pa rin kainis si yabang kay Margaret di ba?
"Wala nga akong pera! Taghirap sa bahay namin ngayon. Saka aalis kami ni Mama."
Matapos nang naging "epic fail" birthday party ni MM at 'yung epic fail na pagkakasakit ng isang Kaizer Buenavista, bigla na lang siyang nagyaya na magbakasyon daw kami.
Masarap sana sumama sa bakasyon nila lalo na at isang linggo na lang ay pasukan na naman namin. Alam niyo naman 'yung school namin di ba? Abnormal. Parang 'yung mga nag-aaral lang doon—syempre di ako kasama!
Kaya lang madami rin akong dahilan kung bakit hindi ako makakasama.
Una, wala akong pera. Pangalawa, wala akong pera at pangatlo at pinaka importante sa lahat...
Wala akong pera.
[May sasakyan naman tayo eh! Kaya sumama ka na.]
"Wala nga akong pera! Bakit ba ang kulit mo? Bakit mo ba ako pinipilit?!"
Nakakainis na kausap 'to ah! Ay hindi pala! Matagal na pala siyang nakakainis kausap.
[Magbabakasyon ako kasama ng mga kaibigan ko at isang asungot tapos hindi ko makakasama TG ko? Anong klaseng bakasyon iyon kung hindi ko naman kasama magsaya sa beach 'yung girlfriend ko?]
Bigla akong pinamulahan ng mukha sa sinabi ni Kaizer Buenavista.
Kakainis! Bakit niya ba kailangan i-mention 'yung pagigng magboyfriend-girlfriend namin? Pwede namang kahit wala ng ganoon di ba?
'Eh sa girlfriend ka naman niya talaga. Ano bang ni-rereklamo mo Felicity Sandoval?'
'Eh kasi nga na...nakakailang!'
'Mas mailang ka kapag pasukan na dahil dudumugin ka na naman ng mnga fan girls niya.'
Bigla akong napabuntong-hininga sa huling sinabi ng boses sa utak ko saka ko binagsak 'yung katawan ko sa kama ng kwarto ko.
Alam niyo sa totoo lang, hindi ko aakalain na magiging ganito ang buhay ko nang dahil lang sa maling tag ko sa status ko sa Facebook sa pinaka sikat na lalaki sa school namin.

YOU ARE READING
My Tag Boyfriend (Season 2)
Teen FictionNagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer Buenavista. At ngayong magboyfriend at girlfriend na sila, ano pa kaya ang pagbabagong mangyayari sa buhay ni Sitti ngayong bumalik na rin...