~Sky.
Agad akong umuwi sa bahay para makapagbihis at makakuha ng ilang damit. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero isa lang ang gusto kong mangyari. Gusto kong mapagisa.
Hindi padin nagsi-sink in sa isipan ko na si Shin, yung sobrang mahal na mahal ko eh nagawa sa akin yung bagay na yon. Eto na siguro yung tinatawag na karma .. Nagawa ko na din sa kanya yon pero hindi ko ginusto! Pero bakit sya? Parang pinapamukha nya sakin na kasalanan talaga nya?????
Lord naman oh, Ganun po ba talaga yon? Kasunod ng puro saya ay ganito na ang mangyayari? Sobrang sakit na ng mga mata ko dahil hindi ko matigil tong pagiyak ko. Gusto kong isipin na panaginip lang 'to.. Gusto kong isipin na pinagtitripan lang ako!!
Nagdrive lang ako ng nagdrive ng walang pupuntahan.
SHIN.SHIN.SHIN. bakit?
Huminto ako sa isang grocery at bumili ng mga beer in can, eto nanaman ako .. Maglalasing. Paulit ulit nalang .. Paulit ulit nalang na nangyayari to!
Nang mapagod akong magdrive, iginilid ko ang sasakyan, nilabas ko lahat ng alak na binili ko.
"Ahhhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko. Parang dejavu shit .. Pumikit ako sandali saka ko nilagok yung alak na hawak ko.
Naisip ko, kung yung dating buhay ko kaya? Kung hindi ko pa nakikilala sila mommy? Kung hindi ko pa nakikilala si shin, masasaktan kaya ako ng ganito?
Gusto kong magsisi na ayaw ko. Hindi ko alam. Kinuha ko sa bulsa ko yung phone ko na kanina pa nagriring.
53 missed call.
30 msg.
Napangisi akong isipin na hinahanap na nila ako, oo nga pala..
Debut ko.. Best birthday ever! Yung girlfriend ko.. Nagkulong sa banyo kasama ng may gusto sa kanya. Ang galing.. Ano kayang ginawa nila don? Nagmake.out? Nag...sex?
Nakuyom ko agad yung kamao ko sa naisip ko. Bakit ganun nalang? Bakit shin... Bakit mo ginawa sakin to?!
Ininom ko lahat ng nabili ko..
Nang maubos ko na bumalik ako sa sasakyan.. Sobrang nahihilo na ako, pero kaya padin 'to uuwi nalang siguro ako kela nanay..
Pero nagulat ako ng may humarang sa akin na itim na sasakyan.. Masyado akong nataranta kaya pinreno ko agad yung sasakyan, pero masyado atang malakas kaya tumama yung ulo ko sa manibela hanggang sa dumilim na yung paligid.
--------
"Tulog padin eh.." Narinig kong sabi ng isang pamilyar na boses..
"Sky! Si shin nandito!" Sigaw ng isa pa.. Teka.. Shin...
"Tulog padin eh"
"Dito talaga magigising na yan!" Narinig kong sabi ni light.. Idinilat ko ang mga mata ko at nakita ko sa harap ko si light na akmang duduraan ako.
"Teka gising na sya!" Awat ni cloud. Bigla akong nakaramdam ng kirot sa ulo ko. Tinignan ko ang paligid... Hindi ako pamilyar pero pamilyar sakin ang mga nasa harap ko.
"Sky bakla! Akala ko dedo ka na! Omfg wag muna hindi mo makikita tong baby ko!!! Salamat naman sa dyos at ok ka lang" niyakap ako ni sunshine.
"Ano ba kayo guys. Sa ulo lang naman sya tinamaan, malayo sa bituka yon" sabi ni light.
"Oo nga no? Eh pano kung nabagok yung ulo ni sky? Malayo padin sa bituka? Bobo ka talaga!"
Agad na sabi ni blight. Inalalayan ako ni cloud na bumangon.
