ThirtyTwo-Forever and always

39.6K 807 44
                                    

Chapter Thirty Two

"uuyy, blooming ah?" nakangising bati ni Sammy sakin paglabas ko palang ng elevator.

lumabi lang ako saka ngumisi. ayan nanaman kasi sya. umandar nanaman ang pang aasar nya.

"Mukhang nadiligan ang palay." natatawang sabi nya saka lumayo sa hampas ko.

"Samantha!" naeeskandalong sabi ko.

"Guilty much?"

"Shut the fvck up!" nakasimangot na sabi ko saka inirapan sya.

"Sinunod mo advice ko? namiss ko.yang smile mo." umupo sya sa harap ko saka ngumiti. "Ang ganda mo, parang ang ganda ng personality mo ngayon. para kang nasa better side of the world. kaya kahit hindi ako boto kay Miguel hindi kita mailayo sa kanya eh. para kang lantang flower kapag wala sya."

"Sam-"

"Basta, Tiff. kung san ka masaya okay?"

hinawakan ko yung kamay nya saka ngumiti ng totoo. "Thank you, Sam."

"and?"

"And what?" nakakunot ang noong tanong ko.

"Where's the i-dont-know-what-to-do-without-you part?" nakangising sabi nya. hinampas ko nalang sya saka niyakap.

"i dont know what to do without you, Sam." i whispered.

"I know!" nakangising sabi nya saka kumalas sa pagkakayakap ko.

"Hoy, Tama na yan. drama nyo." nakasimangot na sabi ni Andrea samin. kalalabas lang nila ni Anton ng unit nung huli.

"oh? asan yung dalawa?" tanong ko. tinext lang kasi nila ako na pumunta dito para icheck yung gagamitin ni Tiff. andito din daw si Ven saka si Alex.

"bumili ng pizza. nagugutom na ko eh." sabi ni Andrea saka hinawakan pa yung tyan nya.

"Buntis ka?" tanong ko sa kanya.

"Hala? ano? immaculate conception?" nakasimangot na sabi nya saka inirapan ako. natawa ako ng mahina saka umiling.

"Ganda ng smile mo, hija. kamusta puso mo?" tanong ni Anton saka ngumisi.

"Mabuti naman, Anton salamat sa pagtatanong." nakasimangot na sabi ni Sam saka inirapan si Anton. "nakita na nga eh. gaya gaya ng linya."

"Di ka kausap." natatawang sabi ni Anton bago tumabi sakin at niyakap ako. "Mahal kita. ganda mo ngayon."

"matagal na!" nakaingos na sabi ko saka ngumiti. "Dyosa ako girl."

"Welcome back." Anton smile genuinely at me. "we missed the old you."

"yeah, welcome back to me." nakangiting sabi ko saka niyakap silang lahat.

"We missed you!" sigaw ni Ven na kararating lang. nakisali sila ni Alexis sa group hug namin.

***

"Sweetheart, where are you?" tanong sakin ni Miguel nung sagutin ko yung tawag nya.

"Nasa FT ako, i'm with the girls. kumain ka na ba?" sinipat ko yung relo ko. alas dose na kasi.

"Not yet. actually i'm down here to fetch you. lunch?"

i bit my lips to stop myself from smiling.

"Are you asking me out?"

"yeah, you can say that. i'm waiting Mrs. Lee."

"Alright. bababa na ko. see you, Mr.Lee." ngumiti ako saka pinatay yung tawag.

My Summer Love ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon