Mahal, kapit lang;
Huwag na huwag kang bibitaw.
Ating pangako'y tuparin lang,
Anumang pag-subok sa ati'y nilaan.Malaya tayong magsasaya
Walang iisipin na kahit isa
Sapagkat kamay mo lang ay sapat na
Para labanan ang hadlang sa ating dalawaKakapit sayo ng mahigpit
Sarili ko'y patuloy na ipipilit
Hanggang sa ating masungkit
Ang pinapangarap nating pagibig.Mahal, tanging hiling ko lang
Kumapit ka ng mahigpit at huwag lumisan
Pagmamahalang labis ay ating patunayan
Ipakita sa buong mundo ang tunay na walang hanggan.
