Habang nasa loob ng bahay sila Sam at Julia may nakita silang note na nakadikit sa ref .
*Note : Sam - Julia .Ngayon na ang pagkakataon nyo para matapos ang inyong task. Pwede kayong maghanap sa kwarto pero... hindi nyo pwede galawin ang mga gamit sa loob ng drawer .
Julia : So ano Sam ?
Sam : Tara sa Girls Room
Si Julia naghahanap sa bed ni Kathryn . At si Sam naman ay sa bed ni Mara .
Habang naghahanap si Sam sa kama ni Mara . May nakita itong maliit na notebook . Kinuha to ni Sam .
Sam : Julia , may nakita ako .
Lumapit si Julia kay Sam .
Julia : Ano yan ?
May nakalagay sa middle part ng notebook na M-Y D-I-A-R-Y .
Julia at Sam : Diary ni Mara !!!
[Yen's POV]
Kinakabahan ako sobra .
Kaylangan namin magawa tong task na'to .
"Oy Neil ! Bilisan mo ha ."
Neil : Grabe naman to . Hirap kaya tumakbo sa tubig .
"Kahit na basta galingan natin "
"Oy Guys . Galingan natin ah . We have to win this task ."
Enrique : We can do it !
Kiray : Naman ! Keri natin 'to .
Mara : Just give our very best Guys ..
"Dj . Ingatan mo yang si Kath . Di yan marunong pumasan "
Kath : Ate yen ???
"Diba ? nung last time nga diba ?"
Kath : Na out of balance lang ako nun ate .
Kiray : Asus ! palusot ka pa ! If I know nagka phobia ka na .
"Hmmmmm ... :)"
Big brother : Housemates , Humanda na kayo . Isa , dalawa , tatlo , gooooo !
Nauna sila Yen at Neil .
Infarenes kay Neil ah ! Mukang sanay ng mag balance ng babae :)
Pangalawa naman sila Kiray .
Yung dalawang 'to talaga . kahit saan laging nag aasaran !
Eto na , si Quen at Mara .
Quen : Mara , pasan ka na . Malapit na sila Kiray ..
nag nod lang si Mara at pumasan na kay Quen .
Dj : Kathryn , Pumasan ka na din sa likod ko . Para di tayo magahol mamaya .
Sabi nga ni Ate Yen , di marunong si Kath sa pag pasan . kaya sa hindi sinasadyang pangyayari ------------------
[Dj's POV]
pinasan na ni Enrique si Mara . Aaminin ko nagseselos ako . Nabubuwisit ako . Kaya sinabi ko na din sa Kathryn na ' to na pumasan na sya .
Bababa na ng pool sila Enrique at Mara . Biglang mahulog si Kathryn sa likod ko . Kumapit sya sa braso ni Mara . Kaya sabay silang nahulog sa pool . Pinuntahan ko agad si Mara . May dugo sa bandang kaliwa ng forehead nya . Dahil nauntog sya sa gilid ng pool . Tinulungan ako ni Enrique at Neil para iahon sI Mara sa tubig .
[Kath's POV]
"Mara , sorry ! Di ko sinasadya ..."
Nahawakan ko sa braso si Mara . Kaya nahulog din sya sa pool . Tumama yung ulo nya sa bato . Sobrang kaba ko di ako makagalaw , di ako makakilos . Natatakot ako baka kung ano yung nangyari sa kanya ...
