[7] How to be an Otaku

7 1 0
                                    

This chapter should be "Stepping stones to the anime world" o "Where to begin" pero okay na siguro iyan. Ngayon pa lang pinaaalalahanan na kita, ang pagiging Otaku ay MAGASTOS. Hindi madali ang pagiging Otaku and trust me, you don't want to be like me in the past. I'm talking about Pinoy Otaku, not Otaku like in Japan. We already discussed what the real meaning of Otaku in the first chapter so hindi ko na ito papahabain.

1. Hanap ka ng anime site.

I recommend kissanime or 9anime dahil high quality ang mga videos nila doon. Tapos pwede ka pa mag-comment ng reactions mo sa ibaba. Pero bago ka makapag-comment ay dapat mayroon kang disqus account. Madali lang naman mag-sign up kung may gmail ka o kahit facebook.

2. Isipin mo muna kung anong genre ang gusto mo.

May kanya-kanya tayong taste pero basic (lalo na kung girl ka) na Romance-Comedy ang iyong simulan. Pero mas maganda rin kung simulan mo sa Shounen dahil itong genre na ito ang pinaka-popular pagdating sa mga baguhan.

3. Manood ka na ng napili mong anime.

I will post some recommendations in the next page kung interesado ka. Pwede mo rin i-testing na panoorin yung mga popular/mainstream ones. Kaya nga sila naging popular kasi maganda 'daw' eh. Try mo. Malay mo, may magustuhan ka.

Kung gusto mo siguraduhin ang papanoorin mo, pwede ka pumunta sa myanimelist.com

May mga reviews ang critics doon na pwede mong basahin. Kung patok sa panlasa mo, edi go! For me naman, tinitingnan ko sa recommendation area. Hindi kasi ako tiwala sa mga ratings ng mga tao doon. Haha. Depende kasi sa tao ang pinapanood nilang anime. May mga time na mas nagustuhan mo ang anime na ito pero hindi type ng kasama mo. Parang ganoon. Pero kapag sa recommendation area, parehas ng vibes kaya sigurado ka.

4. Gawa ka ng myanimelist account. (optional)

Hindi ka magsisisi. Ano ba ang myanimelist account? Dito mo ilalagay yung mga anime na napanood mo na. Para hindi mo makalimutan at libre ka pang makakapag-rate kung ano sa tingin mo ang score ang karapat-dapat sa napanood mong anime.

Pwede ka rin gumawa ng reviews sa mga anime na nagustuhan mo at meron din itong add friends. We could be friends there if you like. ^_^

5. Manood ka ng madaming anime.

Malamang sa alamang. 50+ different anime ay konti pa. Kung kaya mo, 2 anime ang dapat mo matapos sa isang linggo kung gusto mo maging Otaku talaga. You should be at least half a day sa tapat ng computer to be one.

I suggest na bumili ka nalang ng CD para hindi masyadong magastos. 

6. Magbasa ka ng manga.

Because... why not?

7. Let your opinions rule you.

Huwag mong pakialamanan ang sinasabi nila. Madami haters sa anime community. Huwag kang papaapekto. Ipaglaban mo ang gusto mo ipaglaban.

8. Be Open minded

Pag naging Otaku ka, hindi maiiwasan makapanood ng ecchi and the likes. Try mo rin kung gusto mo. While you're at it, nood ka na rin ng kahit isang yaoi at yuri bago mo i-criticize.

Cosplaying is your choice. Do what you want.

Real Meaning of OtakuWhere stories live. Discover now