Chapter 11

1.3M 25.9K 11.2K
                                    

Chapter 11

Today. Is. Hell.

Labasan na ng results ng first quarter exams!!!

<(O___O)>

Hindi kasi ako masyadong naka review eh!! Kasi naman, tuwing humahawak ako ng libro, nakakatulog ako, at parang lullaby naman ang tunog ng lectures sa akin, swear!! Feeling ko nga mas effective pa na pampatulog ang libro kaysa sa sleeping pills.

"Perez, Alys Zyril," sabi ni Ma'am.

Parang may nakatali na mga bakal na bola sa paa ko. I. Can't. Walk.

Kahit labag na labag sa kalooban ko, kinuha ko pa din yung papel ko.

F. Isang tumataginting na F na nakasulat gamit ang red marker. 

=_______=

Patay na naman ako nito kay Mommy. Buti pa si Daddy cool lang sa mga ganito. Mamaya kunin ni mommy yung mga video game consoles ko eh (._.)

"Akin na nga," inagaw ni Aya bigla yung papel ko tapos tumawa, "sabi na nga at soulmates tayo, Besh. Akalain mo, F tayo pareho?"

I sighed. Tama nga siguro sila. Birds of the same feathers flock together. Bumarkada kaya ako kay Drake, tatalino kaya ako? Mwahaha!

Inagaw ko sa kanya yung papel, "baliw ka talaga. Masaya ka pa na bagsak tayo. Tss."

Nanahimik kami nung biglang nagsalita si Ma'am, "so all of you have received your paper. And by the looks of it, some of you would need to take tutoring sessions every afternoon. It will start tomorrow afternoon so better tell your parents about this. Those who will take the said classes are the ones who received a mark of F, and for those who received a mark of A, you will be the ones who will be the tutors. Is that clear?"

Double Kill.

Triple Kill.

First Blood.

Kasama na naman ako!! Bakit ba hindi na ako nasanay?? Every year naman ako kasali dito =___= Buti sana kung si Sheen ang nagtuturo sa akin, pero hindi kaya!! Nerdy students ang napupunta sa akin palagi. Psh. Malas ko talaga minsan.

"I will post the pairings this afternoon. And also, i will place the waiver your parents need to sign for the tutorial every afternoon," sabi ni Ma'am. Haaay. Wala na talaga. Patay na ako, "get your Math books."

Kinuha na namin yung spawn of the devil Math book at nagstart maglesson. Seriously, bakit parang ang unfair ng buhay? Hindi na nga ako magaling sa Science at English, pati ba naman sa Math?? Eh san ako magaling?? Ang daya!! Buti na lang maganda ako. =___=

Natapos na din ang buong araw na nakatunganga ako. Bakit ganun? Wala talagang pumapasok sa isip ko. No wonder tagilid ang grades ko. Paano kaya ako nakaabot ng fourth year? Hehehe.

"Besh, tignan na natin yung listahan. Mehehe. Excited na ako," natatawang sabi ni Aya. Baliw. =___= Hobby niya kasi na inisin yung nagiging tutor niya. Parang tradition niya na yun eh. So far lahat nagqquit. 

Lumapit kami sa bulletin board. 

"Wahaha!!," sabi ni Aya sa akin sabay palo sa braso ko. Siguro may pasa na ako mamaya, "tignan mo nga naman, si Drake pa ang tutor mo. Grabe! Match made in heaven?"

=___________________=

Hindi na ako magreact, hinanap ko na lang yung pangalan ni Aya..

O__________________O

"AT BAKIT SI SHEEN MY LOVES AND TUTOR MO???"

Natulala si Aya tapos.. "Wahaha! Si CB pala ang tutor ko. Nice nice," sabi ni with a devilish smile on her face. Uh-oh. Ibubully niya si Sheen. =___=

Seducing Drake Palma (PUBLISHED AND SOON TO BE A MAJOR MOTION PICTURE)Where stories live. Discover now