#1
May mga taong buo kapag araw pero minumulto ng mga kakulangan pagsapit ng gabi.
#2
Mapalad ka kung may darating sa iyong isang tao na tuturuan ka kung paano ngumiti nang totoo.
#3
Hindi lahat ng kumikinang ay pag-ibig.
#4
Hindi lahat ng maganda sa pandinig ay musika. Ang iba, sumpa.
#5
Espesyal siguro ang taong naaalala mo sa gitna ng trapiko; ang dahilan kaya hindi mo magawang mainis sa pansamantalang paghinto ng mundo kahit sobrang abala mo.
#6
Minsan, ang pag-ibig ay isang laro. Minsan, isang sugal. At minsan, isang patibong.
#7
At bigla na lang nawalan ng saysay ang lahat ng inakala mong magpapasaya sa iyo. Dumating sa puntong siya na ang kahulugan ng kaligayahan sa diksyunaryo ng puso mo.
#8
Kung kailan masaya ka na sa mala-panaginip na tagpo, biglang kakatok ang realidad sa pinto.
#9
Mahirap maging iyong taong kailangan niya lang kapag malungkot siya at mag-isa.
#10
Paano siya makikinig kung hindi ka naman nagsasalita?
#11
Minsan, maraming itinatago ang isang ngiti.
#12
Mas malamig pa sa hangin, mas malala pa sa bagyo, ang hindi mo pagdating.
#13
May mga ngumingiti lang dahil nasa harap ng kamera.
#14
Mabuti na lang at hindi nakikita sa litrato ang nilalaman ng puso.
#15
Hindi mo mapipigilang mag-asam ng happy ending habang nanonood.
#16
May dahilan kung bakit ka nasaktan sa kanya. Alam mo pero ayaw mo itong aminin maging sa sarili mo.
#17
May mga taong itinakda para sa isang pag-iibigan. Mayroon namang itinadhanang mag-usap lang; makahanap ng kapanatagan sa isa't isa kahit walang ugnayan.
#18
Minsan, kailangan mo na lang makuntento sa kung ano kayo ngayon.
#19
Hindi puwedeng lahat ay mahalin mo. May pag-ibig kang itatago at may pagsintang kalilimutan. Kailangan mong mamili. Hindi maaaring angkinin ang lahat.
#20
Kung pipiliin mong umibig sa dalawa, handa ka rin dapat yakapin ang dobleng sakit na dala ng pag-ibig.
#21
Ngayon ay parehong puti at simple ang inyong suot; walang bakas ng pagkakaiba ng estado, hindi mawawari kung sino ang mas naghanda sa pagkikita, hindi kita kung sino ang mas nagmamahal.
#22
Iba ang nagmamahal sa nakukuntento sa minamahal.
#23
May darating na isang tao na babaguhin ang buong mundo mo — ngunit nasa sa iyo kung tatanggapin mo ang mga pagbabagong ito.
#24
Iba ang umibig sa umibig at napalaya ang nadarama.
#25
Ah, kaya pala "not a love story".
(2018)

YOU ARE READING
Thoughts While Watching
RandomHindi spoiler ang mga ito kung 'di parang trailer na ipinamalas sa porma ng mga hugot - maaaring totoong nasa pelikula at maaari rin simbolismo lamang - at malalaman lamang ninyo kung bakit ko naisip ang bawat isa kung panonoorin ninyo ang pelikula...