August's POV
Nagising na lang ako ng muntikan pang mapasigaw dahil hindi ko kaagad nakilala ang kuwarto, but I suddenly remembered na nasa Batanes pala kami ngayon kaya biglang nakaramdam naman ako ng ginhawa. Medyo nagkaroon pa ata ako ng trauma ng dahil sa mga nangyari noon nalasing ako. Waking up in a different room, freaks the hell out of me.
Tumayo na ako at pumanhik sa banyo para maghilamos at magtoothbrush. Agad ko naman na ginawang messy bun yung buhok ko dahil magulo ito at tinatamad akong magsuklay. Lumapit naman ako sa bintana ng aking kuwarto at napatingin ako sa labas. Mukhang hindi dinadayo ng mga tao ang bahaging ito lalo na ang parte ng karagatan na wala na akong makitang kahit anong isla. Parang walang hanggang karagatan na ang nakikita ko.
Pakiramdam ko ay parang tinatawag ako ng karagatan kaya binuksan ko naman yung maleta ko at kumuha ako ng two piece red string bikini. Sanay na akong suotin ito dahil sa trabaho ko, halos lahat nasuot ko na ata. Kaya agad naman akong nagpalit at pinatungan ko yun ng isang hanggang kalahati ng hita ko ang haba na tshirt. Actually kay Reed to na pinahiram niya sa akin at hindi ko na isinauli hahaha.
Lumabas na ako ng kuwarto at wala akong nadatnan na tao doon. Mukhang tulog pa ang lahat malamang dahil sa training kahapon, well hindi na ako sumali dahil nga sa uminit yung ulo ko at namaga yung mga mata ko dahil sa kakaiyak. Nahiya naman akong lumabas dahil magtataka sila kung bakit ganun yung itsura ko.
Dumerecho na ako ng lakad at tinalunton ko na ang daan patungo sa dagat. Agad na tumambad sa aking mga mata ang napakaputi at pinong buhangin kaya agad akong naghubad ng tsinelas at dinama yun sa ilalim ng aking mga paa. Pinuno ko naman ng hangin ang aking dibdib tsaka ibinuga yun. Napakapresko! Ibang iba doon sa Manila.
Napatingin naman ako sa dagat na kulay berde kaya napahubad na ako sa tshirt at agad akong lumusong sa dagat. Muntik pa akong mapatili dahil sobrang lamig ng dagat. Lumangoy ako hanggang sa mapagod ako. I tried to hold my breath at lumusong ako sa ilalim at may mga nakikita akong mga maliliit na isda na lumalangoy. Kaya naman ay napahawak ako sa isang malaking bato doon, suporta para hindi ako mahatak paitaas dahil sa buoyancy ng tubig.
May mga lumalapit sa aking mga maliliit na isda and they are touching my skin. Medyo may kiliti ang pagkakagawa noon ng mga isda kaya napangiti ako sa aking isipan. Do this fishes even know that I could be a threat to their being? According with food chain. We are their primal predators, and here they are fearlessly getting close to human. Pero wala naman akong balak na hulihin ang mga ito. Isa pa, I am an agent, not a fisherman.
Bumitaw na ako sa batong hinahawakan ko at hinayaan ko na ang katawan ko na tangayin pataas. I immediately breathe some air at napagpasyahan na umahon na sa dagat. Nakayukong naglalakad ako dahil marami akong nakikitang mga malalaking starfish at iniiwasan ko ito dahil baka maapakan ko pa ito at masugatan pa ang paa ko.
Malapit na ako sa dalampasigan at napahinto naman ako sa paglalakad ng makita ko ng may nakatayo doon sa banda kung saan ko iniwan yung tshirt ko. It was Draco at nakakunot noo na naman itong nakatingin sa akin. Muntikan pa akong humakbang paatras dahil nagulat ako sa presensya niya. He's so weird. Pati yung pagiging walang presensya ni Cayden minsan ay kuhang kuha din nito. I know that my senses is high than the others kaya imposibleng hindi ko napansin ang pagdating nito.
I composed myself at humakbang ako paabante. Hindi ko sinalubong ang mga tingin niya pero halatang hindi ito natutuwa but I don't have a single idea why he is unhappy about something. Maybe, he woke up on the wrong side of the bed.
My eyes were trained to my shirt at nakalapit nga ako doon at pinulot ko kaagad ito. Hindi na ako nag-aksayang tapunan ng tingin si Draco dahil baka mawala pa yung momentum ko.

YOU ARE READING
THE ADVENTURE OF AUGUST BACK TO EARTH
FantasySEASON 2: |COMPLETED| When things gone wrong in Pandora.... August was left with no choice.... Heartbreak.... Lies.... Her death was the key to send her back to Earth.... Going back to earth is her most desired need.... She's back to Earth.... How c...